Part

7 2 0
                                    




Pagod na pagod akong umupo sabay sabing, "Ayoko na, Part!"

Tumawa lamang si Part.

"'Yan kasi Part hindi ka nag-eensayo." At biglang umupo sa tabi ko. Maypa akbay- akbay pang nalalaman.

"Kanina pa kaya ako habol ng habol sayo, Part. Ikaw naman kaya, para masaya?" Sabay tanggal ng kamay niya, ang bigat kaya!

Tumawa lamang siya at umiling. Nang narining ko ang mga kaklase naming nag-uusap.

" Ang sweet talaga ng dalawang to", sabi ni Issa.

"Hindi ba talaga kayo?", pahabol pa ni Tina.

Nagkatinginan kami ni Part sabay tawa at iling. Totoo naman, hindi kami at hinding- hinding magiging kami. Masakit man isipin pero walang kami. Elementary nang nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Part. Anak kasi siya ng bestfriend ng mommy ko kaya kami nagkakilala. Noon palang mahal ko na siya. Pagkasama ko siya, lubos akong masaya, iyong kahit na palagi ka niyang iniinis pero hindi mo alam kung bakit ka parin natutuwa, iyong akala mo hindi totoo 'yang sinasabi nila na sa isang mag-bestfriends may isa dyan na in love sayo, ay totoo pala at nangyari na nga ngayon sa akin. Iyong sinisi mo na si Kupido na mali ang napana niya at minsan ng dumating sa puntong nakiusap kana sa Diyos kung bakit sa lahat ng pwede mong mahalin sa bestfriend mo pa, na walang ibang ginawa kundi ituri kang isang kaibigan lamang.

Mag-isa akong naglalakad papunta sa rooftop ng building namin. Magkikita kasi kami ni Part. Balak ko sanang sabihin ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. Ang sabi nga din niya ay meron din siyang sasabihin sa akin.

Nang may biglang yumakap sa aking likuran. Bango pa lang alam ko na kung sino. May ngiti ng nakapaskil sa aking mga labi ng hinarap ko siya kaya kumalas siya sa pagkakayakap.

"Oh Part, ba't parang ang saya-saya natin ngayon ah?" tanong ko.

"Sinagot na ako ni Yasmin! Girlfriend ko na siya!" tila nabuhusan ako ng malamig  na tubig sa narinig ko.

Unti-unting sumakit ang puso ko.

"Talaga?" medyo basag na ang boses ko.

Pagtingin ko sa kanya, parang hindi niya yata narining iyong sinabi ko kaya umubo muna ako at inulit ang sinabing,

"Talaga, Part?" masmalakas na ngayon at buo na ang boses.

"Kailan pa?" pahabol ko pang tanong.

"Kanina lang, Part, ang saya-saya ko ngayon. Wala ng mas sasaya pa sa araw na ito."  napangiti lang ako ng peke.

"Mabuti naman, ang tagal mo na kayang nanliligaw don." Bakit parang naging awkward yata? Bakit parang biglang namanhid ako? Nanlumo akong tumingin sa sahig.

"Oo nga no? Sige ito lang talaga ang ipinunta ko dito. Babalikan ko pa si Yasmin, naghihintay 'yon sa akin. Sige bye, Part!", at tumalikod sa siya.

"I-ingat, Part.."

Mahina kong sinabi bago tumulo  ang mga luhang kanina pa pala gustong lumabas. Napaupo ako sa sahig at nagtakip ng mukha. Hindi ko lubos na maisip na ang bestfriend kong  simula't sapul minahal ko ay may nagmamay-ari ng iba. Ang bestfriend kong hindi ako basta-bastang iniiwan. Ang bestfriend kong  nandyan palagi sa tabi ko kapag may kailangan ako  at ang bestfriend ko na siyang dahilan kung ba't ako umiiyak ngayon at mag-isa. Ito na ba ang kaparusahan sa pagmamahal ko sa bestfriend ko? Sa Part ko?

Ilang taon na ang nakalipas at pagka-graduate ko talaga umalis kaagad ako papuntang America dahil nakakuha ako ng internship program sa fashion designing. Sa pag-alis ko, iniwan ko lahat, lahat ng ala-alang masasaya at masasakit, mga mahal ko sa buhay at lalo na ang Part ko.

Part (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon