01

3.2K 75 47
                                    


Abi


"Ouch!" reklamo ko nang maapakan ng isang babaeng nagmamadaling sumakay.

Argh! Why do I have to ride this fucking train again? Hindi na talaga ako uulit!

Why did I listened to Kaki to use maps for the route? Halos magka heart attack na nga 'ko kanina ng malaman na isang oras ang biyahe! This is too damn struggle. I hate my situation right now. Hindi ako sanay at hindi ako marunong mag commute because I have my own driver before. Wala na ngayon dahil nag request ako to my parents to let me live independently.

I only got into the station with the helped of my blockmate. He accompanies me in buying a card and teach on how I will tap it into the machine. Hindi ko maiwasan ang kabahan dahil first time ko itong gagawin. Isa pa, I'm not kinda used into crowded places. It is for my safety.

"Bababa ka sa Araneta-Cubao, Abi, ha. Huwag mong kakalimutan. You can ask the passengers for the station. Tsaka lagay mo sa harapan mo gamit mo," matinding bilin niya bago umalis.

Nang magbukas na ang pintuan ay kaagad akong nakipagsiksikan sa mga tao. Kamuntikan pang madapa dahil sa suot na two inches heels! I was shocked because of their aggressiveness. Some would push other in order to go inside.

Whoa!

Walang upuan na bakante. So I don't have a choice but to hold the silver pole tightly, as if my life depended on it. Halos hindi ako makahinga at makagalaw and I wanted to cover my nose so bad because of the smell.

I'm not maarte like Kaki, pero, yuck talaga nung mga smell. Good thing, matangkad ako kaya hindi naiipit ang aking ulo at may chance pang makahinga kahit papaano. It was struggle to stay in balance even though I'm holding. Sobrang init. As in! Hindi ako na informed na oven pala itong sasakyan ko! I wanted to roll up the sleeves of my LPU tourism uniform. My sweat is trickling down on my forehead. I feel so mabaho and nakakadiri na! Sana pala nag risk na lang ako mag book ng ride! How can people do this everyday? Pagod na nga sa trabaho or sa school tapos struggle pa sa pagsakay at pakikipagsiksikan. Damn, I salute them.

Hindi na ako uulit. I swear, I won't ride this freaking LRT again.

Nang mabawasan na ang mga pasahero, I grab my handkerchief and softly wiped my sweat. Good thing my hair was in a neat bun kaya hindi ako gaanong nahirapan. Halos yakapin ko na rin ang handbag sa takot na baka biglang may mang-agaw nito sa'kin.

Iginala ko ang tingin sa itaas ng tren. Mayroon kasing nakalagay na listahan ng mga stations doon. Atat na akong bumaba! Mula sa taas ay tumingin ako sa labas, kaya lang nakakahilo naman kaya pinagdiskitahan ko ang mga pasaherong prenteng nakaupo. My eyes widen when I caught a strikingly attractive sleeping guy. His head is leaning on the glass window and is hugging his black backpack.

Holy shit?!

I blink my eyes profusely and gulped. OMG! Is this true? His hair is kinda messy and muscles are flexing. Kahit na umaandar ang tren ay pinilit kong magtungo sa kaniya. I gripped on the handle nang matapat na ako sa kaniya. My hand flew right away on my mouth when I got closer. Tao pa ba 'to? Shit?!

Shuta, sister! Sobrang gwapo amp. Noong nagpaulan yata ng kagwapuhan, salong-salo ni Kuya.

Girls are staring at him. Well, I cannot blamed them though. Hello? Wala pa akong nakikitang ganito ka gwapong tulog. Oh my goodness! Where have you been in all my life? Bakit ngayon lang kita na meet? Nakita?

The sleeping guy's outfit is so simple. Navy blue round neck t shirt with a thin white line around its collar and sleeves. Black jeans and white sneakers. There's also an expensive looking watch on his wrist. Para pa 'kong mahihimatay ng makita ang kaniyang ugat pataas sa braso.

Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon