Tapos Na

11 1 0
                                    

Tapos Na

"Ilaban pa natin 'to, please."

Sa ilang beses kong nasambit ang mga katagang yan, napagod na ako.

Hindi ko na alam kung mahal ko pa ba sya o ang relasyon na lang namin.

Kung mahal ko pa ba sya o yung ganda na lang ng mga pangarap namin.

Kung mahal ko pa ba sya o yung ideya na lang na siya ang para sa akin.

Sabi nila, kapag babae raw ang sumuko, ibig sabihin, masyado na silang nasaktan. Na hindi na sapat ang kahit anong magarbong sorry para mapatawad pa kaming mga lalaki. Na sawa na silang umintindi pa at magpatawad. At kahit sila pa ang makipaghiwalay, sila pa rin ang masasaktang lubos sa naging desisyon nila.

Ang masakit makita ay yung babaeng hinahayaan ang sarili nilang masaktan sa buong relasyon para lamang sa huli ay masaktan pa rin. Na kahit bumitaw para iligtas ang sarili, ay nalaglag sila sa malalim na kalungkutan at sakit.

At iyon ang klase ng lungkot na nakakalunod.

Pero kaming lalaki?

Kapag kami ang sumuko, ibig sabihin, alam na naming hindi na namin kayang ipaglaban pa ang babae. Na wala na kaming kwenta sa relasyon na kinakabilangan namin. Na wala ng saysay pang ilaban ang lahat ng pinaghirapan. Hindi na namin panghihinayangan pa ang tagal ng relasyon kung alam naman naming sa pananatili, mauubos kami. Kaya naming bumitaw kung alam naman naming kami na ang dahilan ng labis na kalungkutan ng babaeng mahal namin. Na kahit anong pagpapasaya pa ang gawin namin sa kanila, kung mas lamang na ang lungkot kaysa sa saya, oras na para bumitaw.

Pero paano kung kaya ka bumitaw ay dahil ilang beses ka ng niloloko?

Oo.

Hindi lang lalaki ang nanloloko.

Ilang beses ko nang nahuli ang kasintahan kong niloloko ako.

Matagalan lang ako sa pagrereply, naghahanap agad ng ibang kachat.

Hindi lang matuloy ang date namin, sumasama na agad sya sa kung sinong maaaya nya.

Magkulang lang ako, napupunan na agad yon ng iba.

Maraming nagsasabi... kasalanan ko.

Bakit ba kasi ang tagal kong magreply? Kung binilisan ko, hindi sana sya nakipagchat sa iba.

Bakit ba kasi kinansela ko ang paglabas namin? Kung hindi ko iyon ginawa, kami sana ang magkasama.

Bakit ba kasi nagkukulang ako? Kung nag-e-effort lang sana ako, hindi sana sya nagiging masaya sa iba.

Ang nakakalungkot lang dito, pati ako, sinisisi na rin ang sarili ko.

Unti-unti, sa paglipas ng panahon, natuto akong maniwala sa mga katagang... kasalanan ko.

Hindi sya magloloko kung matino lang sana ako.

Pero bakit laging nasa amin ang sisi? Na dahil lalaki kami, sa amin agad kayo nakaturo?

Bakit ang perpekto ng kababaihan habang kami ang nagmistulang isang pagkakamaling nalikha Nya?

Bakit laging nasa amin ang sisi?

"Please, kaya kong magbago. Bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon."

Mga katagang sa kanya ko dapat naririnig.

Pero bakit boses ko ang naririnig ko? Bakit umiiyak ako? Bakit nakaluhod ako? Bakit pinagtitinginan ako? Bakit kinakaawaan ako? Bakit hinahayaan ko na naman ang sarili kong masisi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tapos NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon