Part -1 The Hot Comeback (Pagbabalik)

124 0 0
                                    

(Previously)

Ting.(cellphone notification beep) - Tiningnan ni Arthit ang kanyang cellphone..

(Kongpob)

- P' Arthit, final examination ko ngayon, baka p'wedeng makahingi ng isang pampagana d'yan.

=habang binabasa ni Arthit ang mensahe ni Kongpob ay di niya mapigilan ang ngumiti.=

Ting..

(Arthit)

-Alam kong kayang kaya mo yan Kongpob, ikaw pa ba? Galingan mo at ng makabalik ka na dito at sa iyong pagbalik pangako meron akong surpresa sa'yo at siguradong magugustuhan mo, "It will be very very hot" miss na miss na kita.❤️❤️❤️😘😘😘😘

(Kongpob)..typing..

Ting...

(Kongpob)

-talaga? sabi mo yan ha, hayaan mo mahal ko gagalingan ko. Sobra ata ako ginanahan sa dahil sa surpresang inihanda mo sa pagbabalik ko.. ito lang ang sasabihin ko "Just make sure that It will be very very hot".. I love you.. miss na miss na kita😘😘😘😘

"natapos na ang huling pagsusulit ni Kongpob, at makalipas ang tatlong araw ay lumabas na ang resulta nito.. Agad-agad at daliang nag empake ng kanyang mga gamit si Kongpob kasunod nito'y ang pagbili ng plane ticket pabalik ng Thailand."

(Plane Landing)..

(Kongpob)

-P'Arthit...

"at dahan-dahang nilingon ni Arthit ang lugar kung saan nagmula ang boses n tumawag sa kanyang pangalan"

(Arthit)

-Ko..Kong...Kongpob...

"ang pagaralgal na boses ni Arthit sa pagbigkas ng pangalan ng kanyang minamahal, na halata mong walang pagsidlan ng kaligayahan"

"Hindi makapaniwala si Arthit na nasa harap na niya ang kanyang pinaka mamahal" Samantalang, kahapon lamang niya natanggap ang mensahe ni Kongpob na babalik na ito ng Thailand .
At sa pagkakabasa niya ng mensaheng ito ay puro kilig, excitement at saya ang makikita sa kanya, habang nakahiga sa kanyang kama, sa katunayan nga ay wala pa itong maayos na tulog dahil sa bilis ng kabog ng kanyang puso at parang sasabog sa tuwing naiisip niyang babalik na ang taong nagbago ng buhay n'ya, ang taong nagpabago ng kanyang pananaw tungkol sa pagmamahalan ng dalawang lalaki, Si Kong...Si Kongpob... Si Kongpob ang nagiisang minamahal niya."

(Kongpob)

-P'Arthit....(nakangiti ngunit lumuluha dahil sa saya)

(Arthit)

-Kongpob...

"Kasabay ang pagyakap ng mahigpit sa isa't-isa ay ang paghagulhol ng iyak ni Arthit, dahil sa wakas ay nayakap at makakasama na muli niya ang taong nag papatalon at nagpapalambot ng kanyang puso"

(Kongpob)

- sobrang na miss kita P'Arthit , namiss ko ang mga yakap mong katulad nito, namiss ko kung paano ka mahiya kapag kinikilig ka, o nilalambing kita, namiss ko ang malambot at manamis namis mong mga labi, haysz.. pangako hinding hindi na tayo magkakahiwalay pang muli Mahal ko..

(Special thanks to @BitterSweet again, your story is my inspiration)

...Kinabukasan...

"7:00am Clock is alarming...

-napabalikwas si Arthit sa kanyang kama...takang taka at balisa na tila may hinahanap sa paligid, ngunit hindi n'ya ito nasilayan, kaya't bumalot ang matinding lungkot ang sa kanyang mukha.

SOTUS A+ - The Last BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon