Chapter 1
Offer
"Congratulations, Doctor Chavez!" Bati ng ilang mga senior Doctors na dumalo sa presentation ko.
Ilang ngiti at thank you pa ang ginawa ko sa ilang bumati bago ako naglakad patungo sa mga kasama ko.
"Oy!" Napabaling ako kay Chess na may kayakap na Doctor rin.
"Ano?" Tanong ko. Trying to find Isaiah from the crowd. "Ano tong balita na nasagap ko?" Tanong niya.
"Na ano?" Itinuon ko ang atensyon ko sakanya saka naupo sa may harap niya.
"Na inoffer ka raw ng Silica Medical University." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"What?!" Sabay-sabay namang sabi nina Elias. I rolled my eyes at them.
"You mean, Silica Medical University? the most prestigious Hospital in the Philippines na may branch sa New York at ang Hospital na may pinakamaraming Doctors na foreigner at mayayaman? Girl, you gotta be kidding me!" Pahisteryang sabi ni Jaze.
"Totoo ba, Aine?" Tanong naman ng bagong dating na si Isaiah. Mukhang narinig ang exaggerated na reaction ng mga kasama namin.
Tinignan ko sila isa-isa saka dahan-dahang tumango.
Nagsigawan sila at niyugyog pa ang braso ko. "Pero hindi ko pa inaccept ang offer, mataas ang sahod at maganda ang mga medical equipment na ginagamit nila. Maganda rin ang inooffer nilang position para sa akin. Pero di ko feel." Sa isang walang gana kong boses sinabi iyon.
"Huh?!" Sabay-sabay nilang sigaw ulit. "Jusmio santisima! Aine, ok ka lang ba? Hindi ka pa ba nasisiraan ng bait? Aine, ang Silica na ang nag-offer sayo! Ibig sabihin, ganun ka kagaling sa paningin nila na sila na mismo ang naghanap sayo at bigyan ng isang magandang offer!" I rolled my eyes for the ninth time.
"Alam ko naman yun. Pero ayaw kong malayo sainyo. Mabobored lang ako dun dahil malayo at wala akong kasama. Tsaka kapag dun na ako magtatrabaho, lilipat din ako ng titirhan." Ani ko. Pinaglaro ko ang mga daliri ko sa table cloth na hawak.
"Hays. Kung ako sayo, wag mo na kaming isipin. Ang isipin mo, ay ang pangarap mo. Kapag sa Silica ka na, mas madali mong mahahanap ang biological parents mo. Mas malaki ang sahod mo mas may maipambabayad ka sa paghahanap. Ganun yon!" Pangungumbinsi ni Fatima.
Sabay-sabay din ang iba na sumang-ayon sa sinabing iyon ni Fatima kaya ng may makita si Isaiah na lalaking nakablack coat ay agad niya itong tinawag.
"Josh, remember Dr. Chavez?" Tanong nito sa lalaki. Agad namang ngumiti ang lalaki at tumango. Naglahad itong kamay sa harap ko kaya tumayo ako at tinanggap ito.
"Joshua Santillan. I'm a neurologist from Silica Hospital. Nice to meet you!" I bowed my head and smiled.
"Ainaina Chavez. A Cardiothoracic surgeon from St. Elizabeth Hospital." He smiled widely at me.
"Mabuti at nakita kita ng personal. Usap-usapan ka na kasi sa buong Hospital sa Silica. Kumalat na ang balita na binigyan ka ng offer ng chairman hahahaha! Chairman's taste will never fail us." Ngumiti siya ng abot tenga.
"Usap-usapan na siya sa Silica? Eh hindi niya pa nga tinatanggap ang offer eh!" Singit ni Jaze.
"Hindi ko rin alam kung bakit pero alam na ng buong Hospital iyong tungkol sa offer. May iba na natatakot na raw kapag lilipat ka na at baka hindi na makakuha pa ng pasyente." Natatawa niya ani. Napailing na lang ako.
"Dapat talaga silang matakot! Aba, ikaw ba naman, makakasama mo sa isang Hospital itong napakagaling na Cardiothoracic Surgeon!" Tumawa sina Jaze sa sinabing iyon ni Isaiah.
BINABASA MO ANG
Save Me
Science FictionA skillful Surgeon was a subject for experiment back then that is why she is so intelligent. But she made her way to escape there. She became one of the successful surgeon that is known in the country. But what if she meet one of the subjects she u...