“Lordeth anak! Faster naman! Ma-lelate nanaman kayo!”
Oh em gee! That was my mom, Nancy! Nagsusumigaw nanaman dahil sa ‘kin! Hindi pa kasi ako tapos gumayak, samantalang nasa sasakyan na ang tatlong kapatid ko at si daddy. Duh! Hindi naman kasi nila kailangang mag-triple efforts para magmukhang maganda! Ibang-iba kasi ang itsura ko sa kanila.
Hearthrob ang Kuya Emboy ko sa school namin ha! Kandarapa ang mga bagets d’yan! Ang mga bunso naman naming kambal na sina Jenjen at Tintin ay pila balde ang mga manliligaw! They’re the pretty-licious babes of the University! E ako? Chos! Gumanda lang yata ako ng konte kay Petrang Kabayo! At ang lovelife ko? Isang malaking zero! Or should I say... negative zero!
Noong nagsabog ng kagandahan sa daigdig e hindi naman talaga ako natutulog! Actually gising na gising ako noon at nakatingala pa sa langit! Ang kaso, ang inihagis naman sa akin ay ang kagandahang mayroon ang mama ko! As in... I’m a total clone of my mother! May point naman ang kapalaran, alangan namang maging kamukha ako ni Angelina Jolie e si Nancy Montemayor ang mama ko! Hah! Sinuwerte lang talaga ang mga kapatid ko dahil ‘yong genes ni papa ang nasalo nila.
Ang ilong ko... charat! Ang mga mata ko... masyadong mulat! Ang bibig ko... busarat! At ang balat ko... duhat! Oh em gee!
“Anak ano ka ba? Bilis-bilisan mo naman! ‘Wag ka nang masyadong mag-makeup kasi ang ganda-ganda mo na!” malambing na sabi sa akin ni mama.
“Weh? Di nga ma?”
“Ano ka ba naman anak ko! Syempre totoo ang sinasabi ko...maganda ka talaga ha!”
Actually si mama lang ang kaisa-isang taong nagsasabing maganda ako, dahil nga siguro ganoon talaga magmahal ang ina! Si papa kasi kapag tinatanong ko kung maganda ako, ang sagot niya sa akin “anak mahal na mahal kita, kaya hindi ko maaatim na lokohin ka”.
“O sige na po ma, bababa na ako at baka tubuan na ng mga kulani sa pwet ‘yong mga kasama ko! I love you mama ko hummmmm!”
Pakendeng-kendeng na akong bumaba at dumiretso sa garahe kung saan naghihintay na ang mga alipores ko!
“Ateeee! Come on! Faster naman, may quiz kami ni Jenjen sa Math! First subject pa naman yun oh my gosh!” malakas na sigaw ni Tintin.
“Tseh! Akala mo naman may isasagot kayo! E kahit naman hindi kayo ma-late doon same pa rin ang magiging result ng quiz n’yo...zero!” mapang-asar na sigaw ko rin at binagalan ko pa nang bahagya ang pag-kendeng ko!
“Lordeth anak ma-lelate na ako sa work! May ka-meeting ako ngayong umaga ano ka ba naman!” Ay si papa na yun! Takot na ako kaya nagmadali na akong kumendeng palapit sa kanila.
Ako lang talaga ang hinintay at umusad na ang sasakyan namin paalis.
“Bakit ba naman kasi kailangan pang pare-parehas ang oras na kinuha natin sa school e! Pwede naman kasi kayong mauna tapos late nalang ‘yong kinuha ko para naman hindi ako na-haharass sa pagpapaganda ko no!” pagrereklamo ko habang inaayos ang pag-upo sa sasakyan.
“E nak mas ok nang ganito, atleast ako ang naghahatid sa inyo sa school kaya alam kong safe kayong nakakarating. Tapos makakatipid pa kayong lahat sa pamasahe.” O sya! Ano pa nga bang magagawa ng maganda? Waley naman akong choice at nandito na ‘to!
“Haluh! Te? Bakit ka nanaman naglagay ng kulay dark blue na eye shadows? At saka ang makeup mo super dark red nanaman! Duh! Tinuruan na kaya kita dati!” kaagad na sita sa akin ni Jenjen nang mapatingin siya sa mukha ko. Pinansin nanaman ang paraan ng pag-memakeup ko ha!
BINABASA MO ANG
HINDI NA 'KO IIBIG PA [One Shot]
Short StoryHalos lahat ng tao nakakaranas na mabigo sa pag-ibig, uso ‘yan e! Pana-panahon lang ‘yan. Kung super happy ka ngayon sa lovelife mo, magpasalamat ka, pero ‘wag kang pasisiguro na bukas happy ka pa rin! Pero kung bigo ka naman ngayon, malamang sa hin...