Prologue
LAUREN TAYLOR that's my name and i don't even know who gave that name to me.
I'm an orphan girl since i was a baby, yun ang sabi sakin ni Ms. Rina sometimes i call her Mama if it's just the two of us. By the way hindi ko siya tunay na mama i just call her that, eh kung may nanay ako wla ako sana dito sa orphanage na ito at malaya nakakahalubilo sa mga tao sa labas.
Si Ms. Rina na ang tumayo kong nanay dito sa loob ng orphanage we're really close pero hindi namin pinapakita in public dahil kilala si Mama bilang strikto at kinatatakutang helper dito sa orphanage. At ayaw niyang makita ng iba pang bata dito ang soft side nya dahil baka abusuhin ng mga bata at hindi siya seryusohin ng mga ito.
Inaalagaan nya ako kapag may sakit ako, nung bata ako pinapatulog nya ako sometimes she sleeps beside me pero dati lang yun kasi ngayon kaya ko na matulog ng mag isa. Minsan tinatanong ko sa sarili ko na gaano kaya kasarap magkaroon ng magulang ung sasalubungin ka ng yakap, paghahandaan ng pagkain, aasikasuhin.... Pero hindi ko na mararamdaman yun dahil wala na akong mga magulang.
Sometimes i ask her if she knows who my parents are pero ang tanging sagot nya lang sakin that they we're dead, i even ask if she know any of my relatives and she just shooks her head. She just said that she is a good friend of my parents.
I am now 18 years old kung nagtataka kayo na bakit walang umampon sakin at hindi ako umalis sa lugar na ito kahit na nasa independent at legal age na ako. To answer all of that questions the only reason ay napamahal na ako sa lugar na ito, hindi sa mga tao dito except for mama and my best friend Vien.
Nakakairita ang mga tao dito specially ang mga babaeng akala mo kung sino
Kung makatingin sila sakin akala mo kung sino. Palibhasa mas maganda ako sakinila, tapos ang iba namang helper iba kung paano mang utos.Kinaumagahan ng magising ako at ng iba ko pang kasamahan dito sa kwarto, bumaba kami upang tumulong sa paghahanda ng pagkain dahil kami ang nakatoka ngayon sa pagtulong sa pagluluto.
"Magandang umaga Ms. Rina" paunang bati namin sa kanya makasalubong namin ito na palabas ng kusina.
"Magandang umaga rin sainyo bilisan niyo at tumulong na kayo sa loob para maaga na kayong makakain at mag aral." at umalis na ito
Mahilig ako magluto kaya pag tuwing kami ang nakatoka sa paluluto ay masaya ako dahil dati tuwing nakikita ko na nagluluto si mama ay sumisilip ako at tinutulungan ko siya. Bukod dun mahilig rin ako kumain. Nagtataka nga si Vien kung bakit hindi ako tumataba kahit anong kain ko.
Ngayong araw ang niluluto namin ay pritong itlog, mushroom soup at longganisa na san damakmak dahil buong orphanage kakain. Nakakapagod ang pagluluto pero para saakin napakasayo nito.
"Lauren!" narinig kong may sumisigaw sa pangalan ko at nakita ko ang kaibigan ko na si Vien na kumakaway.
Dala ko ang pagkain ko na tumabi sa kanya ng upo para sabay kami kumain.
"Vien, bakit mukhang masaya ka? Ano nanaman ang kalokohan mong dala ha?"
Salubong ko na tanong rito."kalokohan? Tss.. Magugustohan mo rin naman ang ibabalita ko saiyo"
At bigla nya akong hinila papalapit sa kaniya para may maibulong.
"Gusto mo lumabas mamayang gabi? Maglakadlakad tayo mamayang gabi sa bayan" excited na bulong nya sakin na mukhang tuwang tuwa sa ideya nya.
"Ayoko nang sumama sayo muntik na tayong mahuli last time na lumabas tayo baka parusahan nanaman tayo."
Naalala ko ng inaya nya ako dati na mag gala din sa bayan kikitain nya lang naman ang kalandian nya hmphh.
BINABASA MO ANG
Making the Killer Fall in Love
RandomIn a cold and rainy night when Lauren dicided to take a walk. She thinks that it is the perfect time to let herself free out of her mindful thinking. Walking and walking... hinahayaan nya ang kanyang mga paa dalhin sya kung saan man ito mapapadpad...