May 5, 2019

341 29 2
                                    

6 AM.

I just got out of bed after a few hours of tossing and turning, trying my best to fall asleep. The gruesome scene of Mr. Harold hacking a twitching figure with an axe keeps playing inside my mind. I wish I could unsee it.

There is something wrong about that guy. I have a huge feeling that he's hiding something. And whatever that twitching figure is... I hope that it's not a person.

My Mama's calling me for breakfast. I'll continue writing here later, if there's more to write.

*****

5 PM.

Habang kumakain kami ng almusal kanina, tinanong ko si Mama tungkol kay Mr. Harold. Just a bunch of usual, seemingly-uninterested questions.

Sino si Mr. Harold? Anong trabaho niya? Kailan siya lumipat sa kabilang bahay? Nasaan ang mga kamag-anak niya?

"I don't know, Murph," sagot ni Mama pagkatapos niyang malunok 'yung tinapay na nginunguya niya. "I don't really know him. I bet no one in this neighborhood does. Hindi naman kasi siya pala-kibo sa mga tao dito."

Tumango na lang ako at tinanggap ang sagot niya. Hindi na ako magtataka kung walang nakakaalam ng tungkol kay Mr. Harold. Mahahalata mo naman sa kanya na hindi talaga siya nakikipag-usap sa ibang tao. Nagbaka-sakali lang ako na baka may alam si Mama, kahit kaunti lang.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. As long as Mr. Harold isn't directly disturbing me, I must stay out of it. I'm smart enough to know that meddling with other people's business will only put you in harm's way.

Mama left shortly after that. Then, just before lunch, Hannah showed up with chicken adobo inside a plastic container. Sabi niya, palagi niya akong nakikita na instant food ang kinakain tuwing tanghali, kaya naisipan niya na dalhan ako ng pagkain.

Medyo kinilig ako ng kaunti du'n.

Pinagsaluhan namin nina Marty 'yung adobo. Hannah stayed up until 4 PM. She brought a book so that she can read it while lounging in the hammock. Ako naman, naglaro ng mobile games. From time to time pinagmamasdan ko siya, her eyes intensely reading the book in her hands. God, she's beautiful.

Halos hindi kami nag-usap buong maghapon. Pero walang kaso sa akin iyon. The fact that we are acknowledging each other presence, even in silence, is more important to me.

Sana magtuluy-tuloy pa 'to.

AnathemaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon