Minsan naka-kapagod na ding magmahal. Kasi paulit-ulit na lang tayong nasasaktan. Lagi na lang umiiyak. Lagi na lang linoloko. Lagi na lang pingalalaruan. At higit sa lahat lagi na lang iniiwan.
Ako si Lian, isang 3rd year high school student. Isa akong matalino, mapagmahal,masayahin,mabait,maraming kaibigan, sikat, at higit sa lahat maganda. Pero lahat ng yun nagbago nung nagsimula akong magmahal. Masyado akong naniniwala at nagpakatanga sa pag-ibig. Kaya kahit nasaktan na ako, binubuksan ko pa din yung sarili ko sa pagibig. Pero kung paulit-ulit na lang nakakapagod din pala.
Kayo ako, mas pinipili ko ng hindi na magmahal. Dahil alam ko sa sarili ko na di ko na kaya na masaktan pa. Kaya isasara ko na ang sarili ko sa pag-ibig.
Pero di ko inaasahang may makikilala akong isang lalaki na magtuturo ulit saaking magmahal.