Chapter 15

66 7 0
                                    

SCARLETH

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SCARLETH

Nakaupo ako ngayon sa mahabang sofa. Nasa harapan ko si Minah na ngayon ay nama cross arms. Katabi ko naman sa kanan si Aris at kaliwa naman si White. Nasa kabilang sofa naman si Jack at Jake. Habang nasa likod ng sofa namin sina Attheus, Bonnie at Henry.

Ang sama ng tingin ni Minah. Di lang sa akin kundi sa Pitong lalaking kasama ko ngayon. Alam kong galit siya. Pero ano bang ginagawa niya dito sa bahay ko?

"A-anong ginagawa mo dito?" Lalong tumalas ang tingin niya sa akin kaya Medyo napaurong ako Kay Aris.

Nakakatakot siya eh. Parang nag aapoy yung mata niya.

"Ano kamo? Bakit ako nandito?" Tumawa siya ng sarcastic kaya napayuko ako. Mabait naman tignan si Minah pero nakakatakot siya pag galit. Kaya iniiwasan kong magalit siya.

Pero wahhh di dapat niya malaman to eh! "Sabihin nalang natin na nag aalala ko sayo. Nag aalala ako kaya ko napagpasyahan na magpunta sa bahay ng BESTFRIEND ko na may LIHIM pala sa akin. Gusto ko lang naman MALAMAN kung OKAY ba siya o HINDI" Napalunok ako dahil talagang nai point out niya yung ibang words niya which nakakatakot talaga.

Napatingin sa mga kasama kong lalaki na wala naman atang paki alam sa nangyayare "Tell me. Anong meron at bakit nasa bahay mo tong mga lalaking to? Ano yun? Dahil mag kakaklase kayo kaya naisipan nilang dalawin ka sa bahay mo? Ganun kadali? Aba--"

"We live Together."

Napapikit ako dahil sa pagputol ni White kay Minah.

"WHAT?! SCARLETH!" napakagat ako sa labi ko saka ako napatingin ng masama kay White. Aish! Dapat sinabi niya ma dumalaw lang sila! Bakit niya pa sinabing ganun?! "Mag explain ka nga!"

"Aba wala kang karapatang sigawan--" nanlaki ang mata ko nang biglang sisigaw na sana si White buti nalang tinakpan ni Henry ang mukha niya saka tumawa ng awkward.

"Ahehe. May dahilan kasi hehe. May dahilan kaya nakikitira kami." Hays. Buti naman at marunong makisama tong si Henry. Mukhang may matitino naman talaga akong kasamang Alien. Binalingan ako ni Minah.

"Explain it Scarleth."

"Kasi ano.. N-naghahanap sila ng natutuluyan tama! Tapos ano. M-malaki kasi ang buwan buwan nilang binabayad sa akin. Nangangailangan kasi ako ng pera. Kaya naisip ko na iparenta nalang yung ilan sa mga kwarto dito." napayuko ako. Sorry for telling lies Minah. Para naman sa kapakanan mo ito eh. Di mo pwedeng malaman na makapangyarihan tong nga kasama ko. Bukod kasi sa alam kong di ka maniniwala, baka ikapahamak mo pa. Ayokong madamay ka.

SAUDADE : The Last Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon