Agatha's Pov
Gumising ako sa aking pagtulog dahil na alimpungatan ako. Pinagmasdan ko si Zachary habang siya'y natutulog. Ang gwapo niya, tuwing pinagmamasdan ko siya parang pinagmamasdan ko narin yung mapapangasawa ko. Gaya nga ng sinabi ko mga bata palang kami gusto ko na si Zachary. I like him because his handsome, smart, talented, religious, and kind. Gusto ko nang umamin ng feelings ko kay Zachary pero pinapangunahan parin ako ng kaba, takot, lungkot baka kasi kapag sinabi ko sa kaniya ang feelings ko i-reject niya ko ok lang naman sakin i-reject ako ng taong mahal ko kasi basta masaya siya masaya narin ako kahit masakit tatanggapin ko kasi ang love hindi lang naman para sa taong mahal mo at mahal ka din ang love ay para din sa taong mahal mo pero di ka mahal. Ang love ay hindi puro saya syempre may lungkot din, may problema, at pagsubok. Kung papasok ka sa isang relasyon dapat handa kang masaktan at dapat sigurado kadin na mahal mo siya dahil pagdating sa pagmamahal mahirap magdesisyon kaya dapat kung papasok ka sa isang relasyon siguraduhin mong hindi ka na aalis kasi di lahat ng umaalis ay may mababalikan pa dahil kaya ka nga pumasok sa isang relasyon eh para magmahal at hindi para saktan ang damdamin ng tao. Kaya kung aamin man ako kay Zachary gusto ko magkaibigan parin kami kahit may gusto ako sa kaniya, ok lang na i-reject niya ko basta magkaibigan parin kami masaya nako don.Habang pinagmamasdan ko ang pagtulog ni Zachary ay bigla siyang nagising at naabutan niya kong pinagmamasdan ang pagtulog niya.
"Oh Agatha, bat gising ka pa? Pinagmamasdan mo ba ko habang natutulog?" ang tanong sakin ni Zachary.
"Hmm h-i-n-di ah! Assuming ka naman! Porket na nakita mo lang akong nakatingin sayo habang natutulog ka, di ba pwedeng may dumi lang sa mukha mo?" ang sagot ko naman na may halong kaba.
"Hahahaha talaga lang ah, nagtutulog-tulugan lang kaya ako non kaya nakita kitang pinagmamasdan ang pagtulog ko, and pinagmamasdan din kaya kita habang natutulog ka" ang sabi sakin ni Zachary.
"Crush mo ba ko?" ang tanong ko sa kaniya.
"Oo, bat masama bang mahalin ka este magka-crush sa magandang tulad mo?" ang tugon ni Zachary sakin.
"Sus.. Zachary palabiro ka talaga" ang sagot ko naman sa kaniya.Agatha's Pov
Yung sinabi niya sakin na crush niya ko omg! Kinilig talaga ako ng sobra. Pero crush niya lang naman ako eh pero hindi niya ko mahal at never niya kong mamahalin kagaya ng pagmamahal niya kay Devaux."Hindi ako nagbibiro Agatha crush nga talaga kita" ang sagot ni Zachary sakin.
"Weh.. akala ko ba si Devaux ang crush mo? Tapos sabi mo ako yung crush mo? Loko loko ka talaga Zachary" ang tanong ko naman sa kaniya sabay tawa.
"Hindi ah hindi ko crush si Devaux" ang sagot naman niya sakin.
"Hahaha ayyy.. oo nga pala! Di mo crush si Devaux mahal mo siya ayieeee.." ang sabi ko naman sa kaniya pero nung sinabi ko yon nalungkot ako kasi di niya ko mamahalin at kailamanan hinding hindi niya ko mamahalin at malabong mahalin niya ko.
"Hahaha hindi ah hindi ko mahal si Devaux" ang sagot ni Zachary sakin.
"Buti naman" ang bulong ko sa sarili ko.Agatha's Pov
Yung sinabi niyang hindi nya mahal si Devaux lumakas ang kumpyansa ko na mahal niya rin ako dahil halata naman sa mga sinasabi niya sakin na mahal niya rin talaga ako at nawala ang kaba ko at lumakas ang loob ko na umamin ng totoong nararamdaman ko sa kaniya.
"Zachary may sasabihin ako sayo" ang sabi ko sa kaniya.
"Hmm ano yon Agatha?" ang tanong niya naman sakin.
"Hmm gus-" nung sasabihin ko na ang feelings ko para kay Zachary biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto namin."Agatha wait lang ah, titignan ko lang kung sino yung kumakatok" ang sabi ni Zachary.
"Sige" ang sagot ko naman.Binuksan ni Zachary ang pintuan at nakita niya si Devaux.
"Devaux bat ka kumakatok? Anong kailangan mo? At tsaka bat gising ka na dapat tulog ka pa kasi 2:30am palang?" ang tanong ni Zachary kay Devaux?
"Ano kasi eh, don ako natulog sa sala don sa 3rd floor. Di ako masyadong nakatulog don kaya pwede bang dito na lang ako matulog?" ang tanong ni Devaux kay Zachary.
"Kala ko ba si Gian ang kasama mo matulog? Bat di ka natulog kasama siya? At tsaka double deck naman yon eh kaya di kayo don magsisiksikan" ang sabi ni Zachary kay Devaux.
"Sabi ko kasi kay Gian don na lang ako matulog sa sala kasi kala ko makakatulog ako ng maayos don hindi pala. Papasok na sana ako sa kwarto kung nasaan si Gian kaso naka-lock kakatok sana ako kaso baka di ako marinig non kasi lasing yon at tsaka baka makaistorbo pako sa tulog ni Gian" ang sagot ni Devaux kay Zachary.
"Oh sige dito ka na lang muna matulog" ang sabi ni Zachary kay Devaux.Pumasok na si Devaux sa kwarto at umupo muna.
"Agatha pwede bang dito muna ako matulog?" ang sa tanong sakin ni Devaux
"Oo naman" ang sagot ko sa kaniya sabay ngiti.
"Thank you" ang pasasalamat sakin ni Devaux sabay ngiti sakin.
"Agatha di ba may sasabihin ka sakin? Ano ba yung sasabihin mo?" Ang tanong sakin ni Zachary.Agatha's Pov
Nung tinanong sakin ni Zachary kung ano yung sasabihin ko bigla akong kinabahan at bumilis ang tibok ng puso ko, akala ko di na ko kakabahan yun pala kakabahan parin ako"Ah hmm... gu- gusto mo bang manood or kumain nagugutom na kasi ako eh, ikaw ba nagugutom ka na ba?" ang sagot ko kay Zachary
"Ah no thanks di ako nagugutom samahan ko na lang muna dito si Devaux " ang sagot ni Zachary sakin.
"Oh sige" ang sagot ko sabay labas ng kwarto at pumuntang kitchen.Agatha's Pov
Ano bayann.. pakatok katok pa kasing nalalaman eh tuloy naudlot yung moment namin ni Zachary grrr... nakakainis.Tapos na kong kumain at papunta nako kay Zachary at Devaux nang napansin kong nakabukas yung kwarto kung saan natutulog si Gian.
"Gising na ba si Gian?" ang tanong ko sa sarili ko sabay punta sa kwarto kung nasan si Gian natutulog.
"Oh hi Agatha gising ka na?" ang tanong ni Gian sakin.
"Kanina pako gising, kanina pa kaming dalawa ni Zachary ang gising and si Devaux don natulog sa kwarto kung nasan si Zachary" ang sagot ko.
"Ahh so look at you parang inaantok ka pa ata" ang sabi ni Gian sakin.
"Oo inaantok nako kaso di ako makatulog kasi nga andon si Devaux" ang sagot ko kay Gian.
"Edi dito ka na lang matulog kung pwede lang sayo?" ang tanong niya.
"Ok lang" ang sagot ko.
"Kung ganon dito ka na mahiga sa baba ako na sa taas" ang sabi niya.
"Oh sige" sabay humiga nako at natulog na ko ng mahimbing.

YOU ARE READING
Ayoko nang masaktan
RomanceThe woman who has always been hurt by love. When will the right person come for her?