CHAPTER ONE

4.7K 55 1
                                    

"Love Oyco"

Nanglumo Ang buong katawan niya dahil sa narinig niya mula sa kanyang boss. "S-sir please no sir please, wag niyo po akong tanggalin sa trabaho ko sir" pagmamakaawa niya.

"Sorry Ms. Oyco nalulugi na ang kumpanya kinakailangan ng kumpanyang magtanggal ng mga empleyado" anito.

"Sir please sir please." Parang hindi siya narinig nito at iniIniwan siya ng boss niya habang siya ay naka luhod. 'Di nagtagal ay tumayo siya, lumabas sa CEO's office dumeretso sa sariling table at nag-uumpisang magligpit ng kanyang mga gamit

"Okey be water be smooth tiadong de jiezuo let me hit ya---"

Napatingin siya sa cellphone niya nang tumunog ang notification niya, Ang weird naman ng company ng phone na ito, pero wala eh walang magagawa yung mga tao kasi nga sa sobrang high-tech maraming napapabili. Ang brand ng phone niya ay kilala sa buong mundo. But well enough of that.

Nang binuksan niya yung notification ay yun ang ikinabigla niya, galing iyon sa company ng phone, diba ang weird lang. Wala sana siyang balak na basahin ito pero naintriga siya dahil sa nakalagay na 'Hiring' kaya binasa niya ito.

"Hi to all BS Mobile users here in the Philippines this mail is from the BS company. Company needs an employee, do you  want to apply? Come to our company this coming thursday to Friday only. 8:30 am to 4:30 pm

Requirements:

Di na niya tinapos ang pagbabasa dahil alam naman niyang hindi siya makukuha sa dami namang mag a-apply.

Lumapit sa kanya ang mga baguhan lang sa kumpanya. "Ms. Love kasama ka po sa mga natanggal?" Tanong ng isa sa kanila. Tumango lamang siya. "Mamimiss ko po kayo."

"Kami rin po" saad din ng iba.

Binigyan niya lang ng mumunting ngiti ang mga ito. "Ako rin mamimiss ko rin kayo."

"Ms. Love nakatanggap ka po ba Neto?" Biglang saad ng isa at pinakita niya yung email galing sa BS company. "Kaya tayo naka recieve ng email nila dahil may BS Mobile ID tayo, dito ka nalang kaya mag apply?" Ani ni Miriam.

Umiling lang siya. "Wag na. Di rin naman ako mapili."

"We? Sa ganda mong yan, sexy pa coca cola body? Sinong bulag ang di magha-hire sa iyo" ani ni May.

"Binobola mo pa ako, wala sa katawan yan nasa skill yun. Oh sige aalis na ako, ayoko kong tumagal pa dito. Bye every one." aniya at dinala na ang mga gamit papalabas ng office.

Sumakay siya ng taxi papunta sa apartment niya, bumabyahe palang ay tumawag ang ina niya at alam niyang hihingi naman ito ng pera.

"Hello Love." Ani ng ina niya sa kabilang linya, at bossy yung boses nito.

"Ma?"

"Kailangan ko ng pera, magpapasalon kami ng kaibigan ko libre ko daw." Aniya

Shoot! Napapikit nalang siya sa sinabi ng ina niya.

"Ma alam mong kalahati nalang yung sahod na natatanggap ko dahil lugi na yung kumpanyang tinatrabahuan ko at tinanggal pa ako sa trabaho." Mahinahong saad niya.

"Sabihin mo nalang kasing bobita ka, kung hindi ka sana nagbabarkada edi sana suma cum Laude ka sana non! Eh magna cum Laude ka lang nga! Yan tinanggal ka sa trabaho! Mangungutang nalang ako ikaw ang magbabayad." Aniya at pinatay ang tawag. Tumalo ang luha niya, di siya sumasagot ina naman niya ito at wala siyang magawa.

"Ma'am nandito na po tayo." Ani ni manong driver.

Pinahid niya ang mga luhang tumulo sa mga mata niya at Bumaba siya sa taxi matapos magbayad, dala dala niya ang gamit papasok sa apartment niya pero may naghihintay pa palang malas sa kanya. "Minamalas ba naman oh."

BOY STORY SERIES 2 - CEO Is Inlove (COMPLETE) = Under Editing=Where stories live. Discover now