CHAPTER FOUR

1.3K 39 0
                                    

"MA baka hindi po bagay sa akin to, nahihiya ako kapag sinuot ko to" saad ni Love sa ina ni Zihao habang ipinapakita ang susuoting gown para sa Charity Ball na dadaluhan nila ng boss niya.

"No Love sa tingin mo lang 'yan mamaya pag nayusan na kita malalaglag ang brief ng anak ko so ligo na dahil ipapaayos kita sa stylist ko" pagtaboy ng ina nito sa kanya.

Napatanga naman siya, may ganon? Laglag brief? Akala niya laglag panty lang.

Mahigit kalahating oras siyang naligo bago lumabas. Matapos niyang magbihis ay dumiretso siya kung saan ang silid kung saan siya aayusan. Pagkapasok niya ay may dalawang babae na kinakausap ng ina ni Zihao, napansin niya lang hindi pa niya alam ang pangalan ng ginang

"Oh you are here" saad ng ginang at giniya siya sa harap ng babae at May sinabi ito pero hindi niya naiintindihan dahil Chinese ang lenggwaheng ginamit. Bumaling ito sa kanya. "Love, This is Peng Tu Mo. She's a hair stylist and This is Peng Xuan Mo siya ang Make up artist mo and they are twin" anito

"Tázhaháo miss Love" saad ng dalawa

"Hello" saad niya kahit hindi niya naiintindihan kung ano ang sinasabi nila

Iginiya siya ni Peng Tu Mo sa upuan at kaharap niya ang malaking salamin. Kumuha ito ng hairdryer something hindi niya alam kasi hindi naman siya gumagamit nun at pinatuyo ang buhok niya

"I'll be back" saad ng ginang at may sinabi pa siya sa dalawa pero 'di niya naiintindihan

NAPABALIKWAS si Zihao ng wala sa oras ng may malakas na katok galing sa labas

"Anak! Gising na! Alas sais na ng gabi at alas siyete mag sisimula ang Charity ball" sigaw ng ina niya

"Opo!" Balik na sigaw niya at pumunta sa banyo at naligo

'Di nagtagal ay natapos na siyang maligo at magbihis na ng tuxedo bago lumabas ng kanyang silid. Naabutan niya ang ina na kakalabas lang sa loob ng isang kwarto sa bahay nila

"At sa wakas natapos na rin" ani nito

Lumabas sa silid na iyon ang isang babae na di niya alam kung anghel ba iyon o ano ba, nakasuot iyo ng isang Violet Gown, napaka tangos ng ilong nito at masasabi niyang bumaba ito galing sa langit.

Naramdaman niyang may humawak sa baba niya at pinataas ito dahil di niya alam na umawang na pala ang siya "Papasukin ng langaw a anak" ani ng ina

Tumikhim siya. "S-sino siya ma?"

Bumaling ito sa babae "I told you right? Di ka makikilala ng boyfriend mo" bumaling ito sa kanya "sarili mong girlfriend hindi mo mare-recognize! Ikawng bata ka"

Siya si Love my Love? Char lang

Lumapit siya rito "Ang ganda mo naman" ani niya at kinilig naman ang ina niyang parang bata

"Sino ba ang hindi eh tatlong oras akong naka upo" maktol nito

"Kaya pala, ka kiss nga!" Saad niya at hinalikan ito sa labi. Napansin naman niyang natigilan ito

Napalayo kaagad siya nang tumili ang ina niya "baka hindi kayo makapunta sa Charity Ball ha baka sa kwarto ang bagsak niyo" anito

Napahawak siya sa ulo niya "tara na nga hon, baka totohanin ko ang sabi ni mama" saad niya at hinila siya hinila na papalabas ng bahay

Ewan niya ba bat naging madaldal siya pagdating sa kanya, kung ano ano na ang sinasabi niya kahit ang katawan niya may sariling isip

"Dahan dahan lang boss baka matumba ako" reklamo ni Love

Binuhat niya ito na pag bridal style para mapadali sila makapunta sa sasakyan

"Ano na Zihao! ibaba mo ako!" Reklamo nito

BOY STORY SERIES 2 - CEO Is Inlove (COMPLETE) = Under Editing=Where stories live. Discover now