Her Side

79 1 0
                                    

"Paki sabi na lang na mahal ko siya..di na baleng may mahal siyang iba.

Hindi naman lahat tayo may happy ending..basag na linya na nga yan kung tutuusin.

Paki sabi wag siyang mag-alala..di ako umaasa.

Pero totoo naman eh..di ba? May iba na sadyang sawing palad dahil hindi sila gusto ng taong mahal nila..

Alam kong ito'y malabo..di ko na mababago..

At meron din namang nasa kanila na yung pagkakataong sumaya..pinakawalan pa.

Ganun pa man paki sabi na lang."

At isa na ako don.

((PLEASE PLAY VIDEO ON THE RIGHT PARA DAMA..HAHA -------------->))

Nagsosoundtrip ako nung saktong nakita ko siya. 

Aray..sapul sa kanta.

Iiwas na sana ako kaso mukhang nahuli na niya akong nakatingin sa kanya.

"Sophie!..", sigaw ni Mikoy habang papalapit sakin.

"..kamusta! namiss kita ah!" sabay yakap sa akin ng mahigpit.

"ah-eh..ok lang naman ako. ikaw ba?.." nahihiyang sabi ko sa kanya.

"..mukhang bcng-busy ka lately."

"oo nga eh..busy ngayon ang varsity team kasi malapit na yung laban namin." at ngumiti siya ng pagkatamis-tamis.

Haayyy Mikoy, bakit ka ba ganyan? napakalapit mo pero ang hirap mong abutin.

Namiss ko tuloy yung dati.. nung tayo pa ang magkasama. napakamasiyahin mo, Palabiro, simple ka lang din noon, 

pero iba na ngayon, nag-iba ka na..naging sikat ka na, gwapo, at star player pa ng basketball team.

.

.

at ako isang hamak na kakilala mo nalang.

"Hi hon!" isang babae ang papalapit samin.

Si Janna.

.

.

Girlfriend ni Mikoy.

"Hi din hon."sagot naman ni mikoy.

"Sino siya?" tanong ni Janna sabay turo sa akin.

"Ah..si Sophie..

.

.

UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon