Magulo, yan ang tangi kung masasabi ngayon habang pinagmamasdan ko ang mga kaklase ko. We are currently outside the Function hall, standing in line while waiting for our turn to go inside. Nasa pinakalikuran kasi kaming magkakaibigan nakapila. Habang ang mga kaklase naming lalaki ay nakapila din sa tapat namin.
"Sino ba kasi ang nag suggested na sa pinakalikuran tayo pumila. Nakakagigil naman." Panay na reklamo ni Fiona sa amin habang nakabalot sa katawan niya ang kumot niyang dala.
Kanina pa siya nagmamaktol dahil daw naiinitan na siya at para na siyang hihimatayin sa sobrang init. Kung kanina pinapansin namin ang pagmamaktol niya, ngayon naman ay hindi na dahil patagal ng patagal mas nagiging maingay na ito.
"Di ko talaga alam kung bobo ka ba or tanga lang." Pamilosopo ni Chae sa kanya dahil una sa lahat si Fiona talaga ang nag suggest na sa pinakalikuran kami pumila para maganda daw ang pag entrance niya sa hall.
Kaya ayun sumang-ayon nalang kami dahil okay naman sa amin ang kahit ano.
"Hoy paalala lang PO, ikaw kaya nag sabi na sa pinakalikuran tayo para bongga ang entrance mung gaga ka." Asar na saad din ni Marie sa kanya
Fiona just rolled her eyes to them kaya natawa nalang kami ni Kyrstal dahil para silang mga bata sa asal nila.
Ako ang na sa pinakahulihan ng line at nakabalot din sa katawan ko ang kumot para proteksiyon sa balat ko dahil sobrang init talaga na parang sinusunog ang kaluluwa namin at yakap-yakap ko din ang neck pillow ko para mas komportable ako mamaya sa session namin.
Pinagsawalang bahala ko nalang sila at
Nilibot ko ang tinggin ko sa palagid dahil hanggang ngayon di parin ako makapaniwala sa sobrang ganda ng tanawin dito.Kaya kami nakapila dahil bago kasi kami makapasok sa hall kinakailangan muna naming hugasan ang kamay namin at ang magbubuhos ng tubig ay ang president namin habang ang vice naman ay papatuyuin niya ang mga kamay namin sa towel.
It is a sign of cleansing and letting go of our problems and agony daw, cause in this kind of way we are like talking to Jesus and trusting him. Naniniwala ako sa kanila dahil yun din ang sinabi ng cousin ko noong nagtanong ako sa kanya, pinayuhan niya ako na sundin nalang ang mga pinapagawa dahil kapag daw taus puso't kang naniniwala mas mararamdaman mo ang presence ni Jesus sa tabi while nag sesssion.
ilang segundo ang lumipas at nakapasok na din kami pagkatapos naming maghugas ng kamay. Naging magaan ang pakiramdam ko dahil sa lamig ng temperatura na bumalot sa loob ng hall na nanggagaling sa aircon. Kasalukuyan nakaupo ang mga kaklase namin sa sahig habang nakalagay naman sa gitna ang mga vigil candle , bible and cruxifix. Umupo na din kami at hinintay ang iba pa naming mga kaklase na hindi pa nakapasok.
lumipas ang ilang sandali at naging kompleto na din kami. Katabi ko ngayon si Carlton dahil sa pagpasok niya kanina tinawag ko siya para tumabi sa akin. Inasar nga ako nila Kyrstal dahil daw katabi ko na naman daw si Carlton, di ko nalang sila binigyan ng pansin dahil una sa lahat wala namang malisya tong pag offer ko kay Carlton.
YOU ARE READING
Make It With You
Short Story"i like you" in which she hopes they'll make it. 𝑗.𝑤𝑜𝑛𝑤𝑜𝑜 || 𝑚.𝑚𝑖𝑛𝑎 𝑎𝑢 Date started: July 26, 2020 Date ended: August 12, 2020