WHY HER?WHY NOT ME?

17 3 0
                                    

Do you believe in true love?
If yes,then why? If no,then why?

Do you also believe in forever?
If yes,then why? If no,then why?

Do you also believe in chances?
If yes,then why? If no,then why?

Chances that damn word. How many times that I gave him those? I don't remember. I always asked my self for being such a fool for giving him chances even though he don't deserve those.

I remember when he told me that he wants us back together. That he wants to build a new relationship with me. That was May 2019. So,I waited him even months had passed I still waited for him to come back. December 2019,when we had a conversation again but it's like he forgot about what he have said to me.

May mga rason siya kaya hindi kami nakapag-usap noong mga nakaraang buwan. Personal problems, kaya initindi ko siya kahit na nagmukha akong tanga kakahintay sa kanya. Ngunit may dahilan din ako no'n,sinabi ko sa kanya na focus muna ako sa studies dahil ang hirap na ng pinag-aralan namin. Sumang-ayon naman siya. We had agreement.

I didn't know that those reasons of mine can cause pain in my heart. Sana hindi ko nalang sinabi 'yon...
------

"Levi,tulala ka na naman diyan? 'Wag mong sabihin iniisip mo na naman 'yung lalaking 'yon."ani Reah.

Mahina akong napatawa sa kanya. Kahit kelan talaga,Reah...

"May iniisip lang ako pero hindi ito tungkol sa kanya,sira! Nakapag-move on na ako,'no."taas noo kong sinabi.

Ngumiwi siya.

"Weh? Baka sinasabi mo lang 'yan dahil ayaw mong pagtatawanan na naman kita. Ang tanga mo kasi-hindi pala. Gago siya tas ikaw naman tanga, perfect match!"pumalakpak siya.

Umirap ako. Heto na naman siya,hayss. Tumayo ako at pumunta sa kusina. Binuksan ko ang ref at nagsalin ng tubig.

"Bakit nga pala kayo naghiwalay?"pinatong niya ang braso niya ref.

Nakasunod pala siya. Bakit hindi ko napansin iyon? Siguro dahil sa mga iniisip ko ngayon tungkol sa nakaraan namin. Ayoko ng balikan ang nakaraan kaso hindi ko maiwasang ipasok sa isip ko. Bakit hanggang ngayon naaapektuhan pa rin ako?

"Wala ka bang gagawin ngayon?"tanong ko para iwasan ang tanong niya. Uminom ako ng tubig.

"Oh,don't you dare change the topic. Sagutin mo ang tanong ko,Levi. Bakit nga kayo naghiwalay? Anong dahilan? Sino nakipaghiwalay sa inyong dalawa? Siya o ikaw?"

"Bakit mo ba 'yan tinatanong? Sinabi ko na sa'yo ang lahat,'di ba? Bakit kailangan mo pang ulitin?"nagsalubong ang kilay ko nang lumingon ako sa kanya.

"Chill,nakalimutan ko na eh. Kaya kwento ka ulit kung ano ang nangyari sa inyo."

Umiling ako at sinara ang ref." Ayoko. Ayoko nang balikan pa ang nakaraan na,Reah." Iniwan ko siya at umupo sa sofa saka nanuod ng TV. Sumunod siya sa'kin.

"Wala ka bang balak umuwi sa inyo? Gabi na,Reah baka ano pa mangyari sa'yo sa daan."Sabi ko ngunit hindi ko siya nilingon.

Nakaupo na siya sa tabi ko.

"Magkwentuhan muna tayo,saka na ako uuwi sa'min. 'Tsaka nag-text si mama sa'kin kanina na mamayang alas-diyes pa raw sila makakauwi kaya dito muna ako."Masayang sinabi niya.

"Okay,"Pinindot ko ang remote para ilipat ang channel. "Tumahimik ka lang diyan. Nanunuod ako,"

"Okay,"sagot niya.

Napangiti ako ng lihim. Mabuti naman. Natigilan ako ng kumanta siya. Namilog ang mata ko.

"That should be me, holding your hand

Why her? Why not me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon