2 Months later
Ekiel POV
Pagkatapos ng birthday ko, lahat ng bisita nag uwian, bukod kay Nieka na nasa kwarto kasama ako, nakita kami ni mama syempre katabi ko, at doon nalaman nilang close na kami, pagkatapos ng araw na yun, naging matalik kaming magkaibigan nila Nieka at ellie, ako ang tagapagtanggol nila pag may nang aayaw sa kanila, nagtuturo at tumutulong sa assignments nila, buti nga di na sila mahilig maglaro ng Dolls XD , at laging libro ang hawak nila, mas naging close ko si Nieka dahil, walang araw na hindi ko siya kasama, minsan pa nga nakakatabi ko syang matulog, marami akong natutunan sa ugali at kilos nya maging siya, nung birthday nya June 25, mag 5 years old na sya, Syempre invited ako, at ako ang special guest nya, means nasa harap ako, pero ngayon, July 19, 2006 ang di ko inaasahang mangyari
pagkagising, Maingay sobra sa baba, malapit sa Kitchen, Sinundan ko yung ingay na yun, at familiar yung boses
"My son" -Dad, sya nga, may Fafa hahahahaha,
"Hello dad" -Sabi ko
"Mag empake kana anak ko" -Dad, para saan?
"Bakit po?" -tanong ko
bago magsalita si dad, ay agad akong nilapitan ni mama at sinabing..
"Anak, Sasama ka ah? Pupunta kayo ng america, kukunin ka ng papa mo, pansamantala ka doon titira" -paliwanag ni mama
"Ma, pagkatapos nya tayong iwanan dito sa pilipinas, isasama nya ko na di ka kasama?" -Sabi ko
"Anak..." -Di nya naituloy nung biglang magsalita si dad
"Kailangan doon ka mag aral, maloko dito, baka maging Adik ka" -Sabi ni dad, ang baba ng tingin mo sa bansang ito dad
"Okey" -sagot ko
pumunta ako sa kwarto para mag empake ng gamit at bago umalis, Muli kong kinausap si mama
"Ma, mag iingat ka po lagi ah? Ingatan mo din po si Nieka, Lab na lab ko po siya" -paalala ko
"Puntahan mo sya, bago ka umalis, para hindi magtampo" -sabi ni mama
lumapit ako kay dad para humingi ng pabor, pabor na makausap si Nieka at pumayag naman sya kaya pinuntahan ko sya sa bahay, magkatapat lang naman ang bahay naming dalawa, pero pag punta ko ay wala sya, ang sabi ng tita (mhie) nya ay nasa parke hinihintay ako
Park
"Nieka" -Tawag ko nung nakita ko sya agad na nakaupo malapit sa sisa.
"Nicko ikaw pala" -sabi nya, ayoko palitan ng lungkot yung masayang ngiti nya sakin, pero kailangan
"Ah ehh--- ano kasi" -nauutal na sabi ko
"Nandyan daw yung dad mo umuwi galing Dubai, Kamusta?" -Han
"Ayun nga, Nieka, gusto nya ko isama sa america, at doon mag aral" -Paalam ko
"Ganun? Kailan ka babalik? :< " -tanong nya habang nakayuko
"Nieka? Pasensya na, pumayag ako, pero babalik ako promise ko yan sayo, pero di ko alam kung kailan basta sandali lang ako doon" -Pangako ko, kaya agad syang tumingin sakin ulit
"Basta walang limutan ah?" -paalala nya
"Oo ba, ikaw lang din bestfriend ko, kayo ni Ellie kaya sana ako lang din ah?" -sabi ko
"Oo pangako yan mag iingat ka don" -paalala nya uli
"Ikaw din" -sabi ko, agad ko syang niyakap at binulong ang salitang....
"Babalik ako, liligawan ka at pakakasalan" -sabi ko
agad nakong umalis pagkatapos sumakay sa kotse, yung ngiting nakita ko alam ko nasasaktan sya pero nakangiti lang sya habang nakatingin sakin sa kotse
Airport
"Mahal na Mahal kita,
Maghihiwalay lang panandalian,
Pero muli kang babalikan,
Aalagaan ka't iingatan,
Magkaroon man ng tayo o wala,
Hinding hindi ka sasaktan,
Ano man ang mangyari,
Babalikan kita,
Tatanggapin ka,
Hindi na muli hahanap pa ng iba,
Dahil nga,
Mahal kita" -pangako ko sa text, pero wala syang reply sakin T^T

BINABASA MO ANG
My Childhood Ex Boyfriend
Teen FictionThis is a Real Story ng isang magkababata na nagkaroon ng koneksyon sa isa't isa ngunit naghiwalay din. Ano kaya ang dahilan kung bakit sila naghiwalay at kung paano nagkaron ng makulay na relasyon ang kanilang pagkakaibigan? . Ito ay nangyari laman...