Bitterness Part 1

46 2 0
                                    

Alam nyo ba yung pakiramdam na umagang aga pa lang ay nag iinit na ang ulo mo?

Ako yun ngayon. Kung saan ay parang glmay nagaganap na giyera sa pahitan ng south at north korea.

Pilit kong ibinuka ang isang mata ko. At tiningnan ang oras tang*na alas 5:30 pa ng umaga. Diyos ko kailangan ko ng tulog parang kaiidlip ko lang out ko ng 4:30 ng umaga kakahalik palang ng likod ko sa kama parang awa nyo na.

Pero dahil sa maingay na ay hindi ko na naibalik ang utak ko na sabihin sa sarili ko na matulog na lang..

Yun pala araw ng lunes ngayon at may pasok ang dalawa kong kapatid na parang aso't pusa kung magbangayan sa kakarampot na hotdog. Ang sarap mag wala yung tipong iisa isahin ko silang lalagyan ng scatchtape at ilalagay sa sako. Ako ang panganay kaya kailangan kong gamitin ang "POWER OF THE ABILITY BEING THE ATE"

"Ano ba Ling pangdalawag hotdog mo na yan ah"

"Anong pangdalawa kita mong kakakain ko lang diba ! Bulag ka ba?"

"Anong kakakain eh kanina ka pa dyan"
"Ano ba kayong dalawa ang iingay nyo kita nyong kakatulog lang ng ate nyo pwede bah" suway ssa kanila ni nanay

Pero parang wala silang narinig at nagbangayan parin. Wala na akong nagawa kundi lumabas na ako sa kwarto .

"Eh kung wag na lang kayong kumain ? Mas masarap ang buhay pag ganun !" Pasaring ko sa kanila

"Sorry ate ito kasing si Ling eh masyadong madaya sa ulam" pagtataggol ni Kody sa kanyang sarili
"Anong ako Kody ! HOY share ko yun kaya pwede ba"

"Pwede ba mainit ang ulo ko ngayon dahil ang dapat na oras ko ng pagtulog ay ninanakaw nyo pa daig nyo pa amplipyer ni tatay eh" bwisit na sabi ko sa kanila .

Wala sira na araw ko . Sinabi ko pa naman na ngayong araw ng restday ko ay dapat beauty rest ko. Aba dapat lang sa dami ng mga problema na narinig ko kagabi sa tatlo kong mga ka team mate haggard na utak ko. Kaya nga ayaw ko talaga ng love life na yan eh.. Wala ng naidudulot yan kundi sakit at kabitteran sa mundo

Oo bitter ako full pledge. kaya ang tawag sa ajn sa Ops ay Ms. B short for Bitter

Example.

"OY Lance labas na man tayo mamaya oh" dinig kong yaya ni Tipi kay Lance

Ako: tss heto na naman ang malantod dumadamoves na naman. if i know tatanggihan lang sya ni Lance kasi ayaw ni Lance ng malalantod.

Naririnig ko lang sila

"Ah Tipi sensya na ah pero i need to go home eàrly eh we have a family gathering"

Ako: see tama ako ..haaay pupunta na naman yan dito at mag ngangawa kay Jesse ang bff nyang malandi din .. actually parag kambal sila .The out fit will tell itself para silang nakitingin sa salamin pag nakaharap sila sa isat isa perfect pair.

"Hmp pakipot talaga this Lance boy .di man lang pumayag sa anyaya mo sa kanya best" Jesse

"Ewan ko to that boy noh hmp its not my lost best"

Napatawa ako di ko mapigilan . Kaya napalingon sila sa akin .
"Anong iningisi ngisi mo dyan Ms. BITTER" with emphasis pa yan. Sabi ni Tipi

"Alam mo Tipi if you want to have someone to be with later let them ask you not the other way around"

"Alam mo ms.B bitter ka lang kasi walang pumapansin sayo ..at kahit na pansinin ka di rin nagtatagal sa bitter mong yan no wonder walang gustong lumapit.hahahaha"

"Whatever bitter na kung bitter atleast di naman ako nagmumukhang desperada."

And that shut them up.

Example 2 .

I was in a mall with my team mate/ besties bitch. That what i call them

They are hunting ..what i mean by hunting is literal na boy hunting ...

"Oy bitches! Tingnan nyo sa may 1 o clock nyo he is so hot " parang ibong tiririt na hirit ni Meg.

Ako: gwapo nga mukha na mang bakla ( nakangiwi kong isip)

"Hoy Jorgia alam ko na yang iniisip mo" si Bella
"Oo nga your making a face kanina eh spit it out " Diane

"Tss pwede ba gwapo nga bitches mukha na mang bakla!" Mapakla kong sabi

"Ha hindi kaya tingnan mo oh may kasamang girla" meg

Nung nilingon ko ulit oo nga meron nga syang kasamang babae

"Infairness sweet silag dalawa ah" kinikilig na ani ni Diane

I was dringkimg my coffee nung nilingon ko sila ulit sinusubuan ni boy si girl.. kumunot bigla ang noo ko

"Anong sweet dyan nagsusubuan lang sweet na? Nakakailang kaya sila tingnan tsaka maghihiwalay din yang mga yan masyadong PDOA eh"

Nagsitaasan naman ng mga kilay ang tatlo

"MS.B strikes again di ba pwedeng maging happy ka na lang for them?" Diane

"Nope " simpleng sabi

"At ano naman ang meaning ng PDOA aber? Bella

"Public Display of Over Affection" ako

Walang nagawa ang mga kaibigan ko ..ganyan nila ako nakilala ..they reffer me as a walking ampalaya..

I dont care. As long as wala akong inaapakang tao sa pagiging bitter ko.

Nasa labas ako ngayon ng bahay at nagpapahangin. Ng biglang nagsilabasan ang mga babaeng ipinag lihi sa manok.

Shit kailangan kong umiwas. Ngunot huli na ang lahat pilit na ngito ang ipinakita ko sa kanila ...

"Oi Gia kamusta na " pangungumusta sa akin ni aling mildred manok #1

"Ayos naman ho" magalang kong sagot

"Nako gia may bago naman ba sa buhay mo..may nobyo ka na ba?" Pasaring sa akim ng kasama nyang manok #2 na si aling Nena

"Kasi yung anak kong si Lucia ikakasal na eh ikaw?

At bigla silang nagtawanan... Nag init agad ang ulo ko anong ipinaparating netong mga manoj na to?

"Ah ganun po ba Aling Nena congrats po kay Lucia kung ganun"

"Eh napag iiwanan ka na Gia ah ilang taon ka na at parang wala naman ata kaming nakikitang dumadalaw sayo dyan," singit ni Aling sita

Ako: kalma lang Jorgia mga matatanda yan

"Ganun po ba aling Sita ayos lang po yun darating naman din po yun eh, di naman po kasi ako gaya ng iba na halos ibugaw na ng ina maka asawa lang ng mayaman ...di rin naman kasi ako kaldkarin para mabuntis ng maaga...di po ako ganun.."

"Anong ibig mong sabihin na kaladkarin ang anak ko? Aling Sita

"Kayo po ang may sabi nun .. "

"Wala ka talagang galang na babae ka kaya walang pumapatol sayo eh masyado ka kasing bitter!" Sagot ni Laida anak ni Sita na nabuntis ng maaga..aba narinig nya pala

"Bitter na kung bitter atleast ako may delikadesa namimili naman ako ng pagchichismisan .. pwede ba bago kayo magchismis dyan tingnan nyo nuna ang mga sarili nyo .'" Tinalikuran ko agad sila nakakairita oo ako na ang bitter ako na ang NBSB.ako na ang nakakairitang babae na makikilala nyo pero eto ako at wag lang inaargabyado kundi kakasa talaga ako..

****************************************

Sorry sa typos feeling writer lang talaga. Sana supportahan nyo po thank you

Ms. BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon