Chapter 1: Kamalasan Nga Naman

161 5 1
                                    

Mmmmmm... Ah, isa na namang napakagandang umaga. Biyaya ng Diyos. Siguradong paggising mo'y mapapangiti ka at mapapahuni ng "It's a beautiful morning!"

Ha, sino niloloko ko? You're not me, and I'm not you. Ako nga pala si Daisy T. Cruz. Ako nga din pala ang late, hindi ikaw. Ang gandaaaaaa naman kasi ng simula ng umaga ko. UNA, hindi tumunog ang alarm ko. Pagkagising ko, 7:30 na. Buti na lang 8:00 ang pasok namin every Monday. OA ko diba? Eh, paano ba nman, yung PANGALAWA, hindi ko mahanap ang ID ko! Hmph, ayos lang siguro yun, naisip ko. Baka naman walang serious effect yun. Eh, may PANGATLO pang problema...

INIWAN AKO NG SERVICE KO?!?!? Unang beses 'to ha... At kung kailan ang dami ko pang problema! Grabe kamalasan ko ngayong araw na 'to... Eksaheradaaaa?!?! Hihi, naaalala ko tuloy si Mario Maurer. Pasalamat mga tao, nakakagood vibes titigan yung picture ni Mario sa phone ko. Kung hindi ay nagwala na ako at tuluyan nang nahuli sa klase. Speaking of that, buti may jeep pa akong naabutan na papunta sa school.

Wanna know what time I arrived? 7: 58! With 2 minutes to spare. Haha! Ok ok ako na mababaw ang kaligayahan pero at least nakapag-punch nang hindi late. Takbo agad ako sa classroom. Pagdating ko dun, pawis na agad ako. Magulo ang ponytail, hinihingal-hingal at parang kuba na lumakad papunta sa seat ko(which, unfortunately, is on the other side of the room). Buti, busy karamihan sa classmates ko.

Tumingin ako sa middle batch... Nandyan na pala sila Tera at Jenny, bestfriends ko. Nginitian ko sila, at ngumiti naman din sila sa akin. Pagdating ko sa upuan ko, nilapag ko na ang bag ko sa floor. Feeling ko may nakatingin sa akin....

Pagkatingala ko, may nakatingin nga. At sino pa ba ang kukumpleto sa umagang kay ganda. Si Miko, espren kong lalaki, nakatayo sa likod ko't nakangiti na para bang nagpipigil ng tawa...

"Yes, Miko? May problema ka sa akin?"

"Wala naman, Daisy." Aba'y mas lumaki ang ngiti ng loko! Pero nagulat ako... Natahimik ang klase... Si Miko, nakatitig sa mukha ko habang iniipit ang ilang strands ng buhok ko sa likod ng tenga ko. Luhhh, nabanggit ko ba sa inyo na crush ko siya? Hinde? Ay shemay... Nabuko tuloy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hayskul Layf: Unang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon