Bago mo basahin ito ay siguraduhin mo munang nabasa mo na ang Montville Academy. Book 2 ito kaya baka magulo ka.
•••••
"Bye," pagpapaalam ni Crizell sa kaibigan niyang si Trisha.
"Mag-ingat ka." Tumango si Crizell at sumakay na sa kaniyang kotse. Nagsimula na itong magmaneho kaya hinatid ito ng tingin ni Trisha. Nang hindi na niya masilayan ang kotse ay pumasok na ito sa kanilang bahay.
Agad niyang naabutan ang kapatid niyang nakaupo sa sofa.
"Ate," pagtawag nito. Tumabi siya sa sofa at inagaw ang kinakaing red velvet cake.
"Ba't?" maikling tanong ng kaniyang ate habang nakatutok ang mata sa telebisyon.
Umiling na lang si Trisha at nanood din ng TV.
Nang naubos ang kinakain ay umakyat siya sa kaniyang kwarto.
Pabagsak siyang humiga sa kaniyang kama. Bigla naman siyang may nakapang papel. Kinuha niya ito saka umayos ng upo.
"Sa'n galing ito?" tanong niya sa kaniyang sarili.
Napalingon niya sa kaniyang bintana dahil sa malakas na hangin na pumasok sa kwarto.
Binuklat na niya ang papel at binasa ang nilalaman.
"Will you remove the mask? Or I will kill you?"
******
Hiii, sana ay suportahan niyo rin ang book 2 nang Montville Academy!❤
BINABASA MO ANG
Will you removed the mask?
Mystery / ThrillerHanda ka bang alisin ang maskara, para makilala ang tunay na nagkasala? ••••• MONTVILLE ACADEMY BOOK 2 Started: June 5, 2020 Ended: --