Trisha's POV
Dahil bakasyon ay naka-stock lang ako rito sa bahay, mabuti na lang ay kasama ko na sila mama kaya hindi ganoong ka-boring ang summer ko.
"Trisha, ba't hindi mo ginagalaw ang pagkain?" tanong ni mama habang nakatitig sa 'kin. Huminga ako nang malalim at sumubo ng pagkain.
Hindi ko kasi malimutan ang letter na nabasa ko noong isang araw. Ayokong mag-isip ng negative pero sadyang paulit-ulit itong naaalala ng aking utak.
"Hoy, may problema ka ba?" Nilingon ko si ate saka sinamaan ng tingin. Ikaw ba naman batuhin ng kutsara, mabuti hindi ako tinamaan.
"Ba't nangbabato ka?" inis kong tanong. Babatuhin ko sana siya pero inawat na kami ni mama.
"Nasa harap tayo ng pagkain," wika ni mama. Sinamaan ko ng tingin si ate. Nakangisi naman ito habang kumukuha ng ulam.
Umayos na lang ako ng upo at kumain.
"Trisha, huwag mo ng isipin ang letter na iyon. Wala iyon."
Nang matapos kaming kumain ay agad akong dumiretso sa aking kuwarto. Kinuha ko ang aking cellphone, eksakto naman na bigla itong nag-ring.
"Hi, baby." Bigla akong nakaramdam ng butterfly sa aking tiyan.
"Hi," nakangiti ko namang sagot.
"Susunduin kita, may pupuntahan tayo."
"Saan?"
"Secret. Papunta na ako diyan. Bye, I love you."
"Sige, I love you too." Tinigil ko na ang tawag at agad pumunta ng banyo. Nang matapos maligo ay pumili ako ng maisusuot.
Isang high knee cocktail dress ang aking napili. Nilugay ko na lang ang aking buhok at naglagay ng kaunting liptint sa labi.
Biglang bumukas ang pinto kaya napabalikwas ako habang nakatingin sa salamin.
"Ate naman eh! Ba't ba bigla-bigla kang napasok?" inis kong tanong habang pinupunasan ang kumalat na liptint sa mukha.
"Tsk, si Jarell nasa baba." Iyon lang ang kaniyang sinabi at muling lumabas nang kuwarto. Napangiti naman ako at muling tumingin sa salamin.
Ilang buwan na kaming magkarelasyon ni Jarell. Hindi naman tutol si mama ganoon din ang pamilya ni Jarell. Tuwang-tuwa nga sila dahil gusto raw talaga nilang kami ang nagkatuluyan.
Ang supportive ng pamilya ko. Sana andito rin si papa para makita niya kung gaano ako kasaya sa aking boyfriend.
Lumabas na ako nang kwarto at bumaba para mapuntahan si Jarell. Naabutan ko naman siyang nakaupo sa sofa habang kausap si ate.
Napalingon sila sa 'kin sabay ngiti.
"Sige lumayas na kayo," pagtataboy sa amin ni ate. Aba, lokong 'to. Palayasin ba naman kami.
"Tara na?" tanong ni Jarell, tumango naman ako at sabay kaming lumabas ng bahay.
"Mag-ingat kayo!" pahabol na sigaw ni mama.
"Sa'n ba tayo pupunta?" tanong ko habang inaalalayan niya akong makapasok sa kotse. Nginitian niya lang ako at dahan-dahang sinarado ay pinto ng kotse. Tinitigan ko siya hanggang sa tumabi sa 'kin.
"Mamaya ay malalaman mo rin." Tumango na lang ako at pinindot ang radio. Nagsimula na siyang magmaneho.
"Sa'n ka nga pala mag-aaral? Grade 11 na tayo," nakangiti kong tanong. Sandali lang siyang lumingon sa 'kin at agad ding binalik ang atensyon sa harap ng kalsada.
Dalawang buwan makalipas ang nangyari sa Montville ay muli itong nagbukas, doon ay tinuloy ang naputol na pag-aaral ng mga estudyante. Kaya 2 months ago grumaduate na kami. Matagal-tagal na rin akong nakatambak doon sa bahay, mabuti na lang ay dumadalaw si Crizell. At syempre lagi akong niyaya nitong boyfriend ko.
"Ikaw saan ka ba mag-aaral? Doon na lang din ako." Napaisip naman ako. Wala pa akong naiisip na university eh.
Nagkibit balikat na lamang ako dahil walang maisip na maisagot.
"Si Crizell—" Hindi ko natapos ang akibg itatanong dahil agad siyang sumabat.
"Si insan? 'Di raw muna siya papasok. Ewan ko sa babaeng 'yon." Napanguso naman ako. Tinamaan ba siya ng katamaran kaya ayaw pumasok? Akala niya ba elementary pa lang kami? Mahirap na ngayon! Jusko.
Sandali na muna akong pumikit at naramdaman ko naman ang kamay niyang humawak sa aking kamay. Nakagat ko ang aking labi para mapigilan ang kilig.
Ba't ba ang bilis kong kiligin pagdating sa lalaking ito?
Sinabayan ko sa aking isip ang kantang naririnig galing sa maliit na radio. Air supply.
Ilang sandali lang ay naramdaman kong tumigil ang kotse kaya minulat ko ang aking mata. Agad naman akong namangha nang makita ang lugar.
"Wow," iyan na lamang ang naisatinig ko. Kulang ang salitang wow para masabi kong napakaganda ng lugar. Dahil sa excitement ay hindi ko na siyang hinintay na pagbuksan pa ako ng pinto.
Nilibot ko ng paningin ang buong paligid, puro bulaklak at puno. Iilan lang din ang mga taong naglalakad-lakad.
"Ang ganda," bulong ko. Lumapit naman sa akin si Jarell.
"Oo maganda..." Sandali siyang tumingin sa paligid at muling lumingon sa 'kin.
"Ka." Naramdaman ko ang init sa aking pisnge. Natulala ako dahil sa kaniyang gwapong mukha.
"Tumigil ka nga," kinikilig kong wika sabay palo sa kaniyang braso. Napatawa naman ito, hinawakan niya ang aking kamay at hinila patungo sa kung saan.
Hila-hila niya ako hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang fountain. Naka-disensyo itong hugis bulaklak. Wow.
"Sabi nila ay pwede ka ritong mag-wish. Magtatapon ka ng barya at siguradong matutupad." Nilingon ko siya. Nakatitig siya sa fountain.
"Alam mo ba ang una kong winish sa fountain na ito?" Umiling ako. Hinawakan niya ang aking kanay at sabay kaming naglakad para makita ang napakalinis na tubig.
"Winish ko na sana'y magustuhan ako ng babaeng gusto ko," nakangiti niyang sambit. Para bang inaalala ang oras kung saan nagtapon siya ng barya at nagsimulang mag-wish.
"At ito ka, natupad ang wish ko. I love you, baby." Hindi ko alam ang isasagot basta niyakap ko na lang siya.
"Mahal na mahal din kita, baby."
*****
06/05/2020
BINABASA MO ANG
Will you removed the mask?
Mystery / ThrillerHanda ka bang alisin ang maskara, para makilala ang tunay na nagkasala? ••••• MONTVILLE ACADEMY BOOK 2 Started: June 5, 2020 Ended: --