"Hi."Uy, Si James. Nakapwesto na para bang makikipag-appear.
"Musta?" Sabay appear.
"Ays lang, may org meeting nanaman bukas."
"Naks, BS Org kana ah!" Biro ko sakanya.
May dalawang org kasi siya this sem tapos hindi naman siya sure kung itutuloy pa ba niya. Ewan ko ba dito.
"Ikaw nga dyan, bakit ka ba umalis sa chorale mo? Wala kana tuloy org."
Yeah, sadly kakaalis ko lang ng org. Chorale, univ wide. Siguro kasi hindi ko na kinaya. Pressure, stress, tipong mag-aaral nalang ako ng acads, kakailanganin ko pa mag-aral ng mga pyesa. Mahal ko ang pagkanta pero ayokong gawin "trabaho" yung passion ko. Baka mawala yung "love" sa ginagawa ko. Baka gagawin ko nalang dahil kailangan, hindi dahil gusto ko. Singing is my comfort, ayoko siyang gawing work place.
Instead of saying all that, tinanong ko nalang kung saan kami pupunta ngayon.
"Qpark? Fields? Lovers? Noval? Plaza Mayor? Rosarium?"
"Plaza."
"Duly noted. Tara!"
Naglakad kami papunta ng Plaza Mayor, well to be honest hindi ko alam kung bakit ba Plaza Mayor ang tawag dito. Hindi naman ako maalam about sa history ng UST.
2nd year na kami. Blockmates kami ni James, pero this year lang. Magkalayo pa mundo namin noong Freshmen year.
I don't really know how we got close pero ang alam ko, nag-start yun kasi nag-usap kami about Taylor Swift. Oo fan siya ni Taylor and it's amazing kasi kahit mga underrated songs ni Tay, alam niya. Cool, diba?
That started our friendship.
And you know what really got me? The night he asked me to send him my playlist. Well, not all, just my recent favorites.
Binubo ko yung playlist, I sent it to him and asked for his playlist too.
I love it.
I discovered some new music and new artists. Ang saya.
Biruin mo, may tao palang willing na hingin at pakinggan ang playlist ko?
OA na kung OA but its not everyday that find someone who's willing to ask and listen about the songs you're listening to.
It's not everyday that you feel special like this.
I wanna keep this.
From that night, we started sharing music na na from other bands and artists. I can say na, we somehow have the same music taste.
After ilang chika and lakad, nakarating na kami ng Plaza Mayor but...
"Look, walang vacant. Sa fields tayo?"
"G lang, kumain kana ba?" Oo nga pass six na. Hapon kasi yung sched namin kaya lagi kaming ginagabi sa school. Once a week na nga lang kami mag-ganito eh.
"No pa, later tapa tayo. You know a place ba?"
Ewan, I suddenly craved for Tapsilog. Pero tbh what I really want is yung Tapa sa may Malate, where me and Dad used to eat. Pero alanganin naman kaya hindi ko ma-aya si James.
"Sa Dapitan meron, mamaya tayo pumunta pag closing na." Tumango lang ako. Yes we like staying here hanggang closing. Wala, tambay, kwentuhan, chill, tingin sa city lights, and sa langit, shempre.
I'm living for nights like this. Ang saya na you have someone to share these things with. Yung hindi napipilitan, yung kusa. Yung gusto niya rin ng ganito.
BINABASA MO ANG
MY SWEETEST DOWNFALL
Teen FictionAng istorya ng dalawang magkaibigan na hindi kailanman, magiging magka-ibigan.