Chapter 1

0 0 0
                                        

Please do note na yung prologue is not the "simula", its just an overview of the story. Baka maguluhan kayo sa dates and happenings kasi advanced yun. HEHE.

So hello everyone!! Welcome!! This is my first story here. Sana mabasa niyo at ma-enjoy nyo! ❤️

- Author.

Text Message

James
San ka?

Room pa, u?

Gazebo

Ge waits

Ok ok.

Nagmadali nako magligpit ng mga gamit ko, nagpaalam na rin ako sa mga tropa ko. Hindi naman sila nagtanong kung may pupuntahan ba ako o uuwi na so hindi ko na rin sinabi. Saka nahihiya pa ako i-open up na close ko si James e. Lalo na bago lang namin siyang kaklase, tapos sa dalawang subject lang.

Lumabas na ako ng room, at bumaba ng stairs. Hindi pa ako nakakalabas ng building naaninag ko na si James, nakaupo mag-isa sa gazebo.

Usapan kasi namin ngayon e maghahanap kami ng org na sasalihan sa Recruitment Fair or Rec Fair or R101 for short. One week celebration kumbaga ng mga iba't-ibang organization sa university. Last year wala naman akong sinalihan dahil ayun na nga, una wala pa akong dorm non at nakikitira lang ako sa bahay ng Tita ko sa Commonwealth. Eh ang layo at ang hassle ng biyahe, kaya kinausap ko si Mama na magdorm nalang ako. Medyo matagal at mahirap i-convince pero at least napa-payag naman. Umuuwi pa rin naman ako weekly pag kaya at walang ganap ng weekends. As much as possible pinipilit ko umuwi ng dalawa hanggang tatlong beses kada buwan. Iwas homesick.

Hindi pa ako nakapaglibot sa Plaza Mayor kung saan nakatayo yung mga booths, ngayon palang kaya hindi konpa alam kung anong org ang sasalihan ko or kung may sasalihan ba ako.

"Musta?" Sabay appear nya sakin nang makalapit ako.

"Pagod, dami ebas sa rizal." Yung prof kasi namin puro kwento, pati love story nila ni 'Tito Geo', well yun ang gusto ni Ma'am Alina na itawag namin sa asawa niya.

"Sa dami niyang kinwento ang naalala ko lang sa mga sinabi niya, 'He was the greatest contribution of Santo Tomas to me', referring to her husband 'Tito Geo'."

"Sweet naman, sana all." Umusog siya ng konti para bigyan ako ng space para tumabi ako sa kanya.

"Nagdinner kana?" Gutom na ako sis.

"No pa, later kain tayo after r101."

Fee minutes later naglakad na kami papunta ng Plaza Mayor. Ang daming tao, kitang-kita din kung anong mga org ang dinudumog.

"Tingin muna tayo then later tayo mag-decide." Suggest niya.

"San ka interested? Sulat, acting, prod works, religious orgs, leadership orgs or what?" Tanong ko. Ang dami naman kasing mga booths, nakakalula.

"I write pero ayokong gawing work, g lang ako mag-act pero tignan ko pa. May org ba na parang pang-adventure? Gusto ko nun." Ay iba den, adventures ang hanap!

"Meron, mountaineering. Nagh-hike ka?"

"No pa, pero gusto ko i-try. Ikaw ba?"

"I used to. Kaso hindi ko natuloy since wala ng time and opportunity ngayon e."

"Edi tara sali tayo?" Sabay turo sa booth nung mountaineering. Wow ang bilis hanapin?

Nilapitan namin yung booth, ang dami mga palibot-libot ng org people e. Sige yaya sa mga kapwa students na sumali sa org nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY SWEETEST DOWNFALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon