Unseen Truth

28 1 0
                                    

Bilang matalik na magkaibigan kaming dalawa'y nagsimula, at habang tumatagal kami'y nagkakahulugan ng loob. Ang tawag ko sa kanya ay "mare" at ang tawag nya sa akin ay"pare", tawagan hindi mo lubos isiping may papatunguhan. Noon pa man ay kilala ko na s'ya at noong unang beses ko s'yang makita'y may kakaiba na akong nararamdaman para sa kanya pero hindi ko ito pinansin. Noong nakita ko s'ya'y ng suplado n'ya, ayaw man lang ngumiti. Tandang tanda ko pa yung araw at oras na yun, December 25, 10 minuto bago mag-12 ng tanghali, araw ng linggo,paano ko ba naman makakalimutan yun eh yun ang unang araw na nagkita kaming dalawa, laking gulat ko nga kasi pinapansin na nya ko kasi nga diba ang buong akala ko ay suplado sya. Ang ganda pala nyan ngumiti kasi kitang-kita mo yung mapuputi nyang ngipin.  Nalaman ko na mahilig pala siyang maglaro ng basketball, nang malaman ko yun syempre ako nanood na ko ng basketball, lahat ng tungkol sa basketball kinahiligan ko na rin para lang maging close sa kanya. Tuwing may laro sila lagi nya kong sinasama, niloloko na nga ako ng mga kaibigan ko na para daw akong buntot na sunod ng sunod. Sa isang laro nila nanalo sila at sa sobrang tuwa nya nayakap nya ko (ay grabe!) kinilig ako nun hanggang sa umuwi kaming dalawa'y namumula ako. Nang nasa bahay na namin ako, pumunta agad ako sa kwarto ko at tumili sa sobrang kilig (ang landi ko talaga). Kinabukasan, ang aga n'yang pumunta sa bahay namin, ang aga nyang ng bwisit, nakahiga pa ako sa kama kong malambot ay ginising na ko, hindi ba talagang nakakaasar yun at ang sabi pa nya'y ganito: "Pare, gising na! Tanghali na! May pupuntahan tayo! May papakita ako sa'yo!" S'yempre naman ako tayo agad sa kama at pumunta agad sa banyo para maligo at lumarga na kami, nakalimutan ko na ngang kumain nun. Nagtaka ako kung bakit sa plaza kami pumunta eh ayaw nyang pumupunta dito, tapos may babaeng dumaan at lumapit sa amin at binati ang mare ko at ang mare ko naman abot hanggang universe ang ngiti habang kausap yung babae. Nang pauwi na kami tinanong nya ko.

" Pare, ano maganda ba yung babae?"

"Maganda naman s'ya, sexy, mukhang may pinag-aaralan kaya pasado na."

Simula nun araw na yun araw - araw na kaming nagpupunta ng plaza at tama ba naman yun, pagkamalan ba naman daw akong yaya! Nagtaka na ako sa mare ko kung bakit s'ya laging nagpupunta ng plaza, yun naman pala may gusto s'ya sa babae at nagpapatulong s'ya sa akin sa panliligaw (aray ko naman!) pero no choice ako kundi tulungan s'ya kasi mare ko s'ya at mahal ko s'yang talaga (ang tanga ko talaga!) 

After 3 months ng mat'yagang panunuyo ng mare dun sa babae, ayun naging sila na. 

Dumating yung time na naisip ko na tama na ang kahibangan ko sa kanya, mayroong tropa ang mare ko na nanliligaw sa'kin, sobrang effort naman s'ya at pakiramdam ko naman ay s'ya ang makakatulong sa'kin para makapag - move on ako, kaya ayun, sinagot ko s'ya.

Isang araw kinausap ako ng girlfriend ng mare ko at sinabi nya sa akin na type nya ang boyfriend ko. Nang malaman ko yun mixed emotions ang naramdaman ko, masaya na may halong lungkot, masaya kasi magkakaroon pa ng chance na maging kami ng mare ko pero malungkot kasi may masasaktan akong tao pag pinili ko ang magpapasaya sa'kin.

Lumipas ang sampung buwan matapos kong piliin na manatili sa piling ng aking nobyo kahit alam kong hindi yun ang nagpapasaya sa'kin. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana, dahil tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para mapunta sa taong dapat namin piliin at mahalin. Nakatanggap ako ng isang maikling liham mula sa aking nobyo.

"Babe, alam ko sa mga nakalipas na buwan ay nagkakaroon ka ng mabigat na damdamin, alam ko na hindi ka na masaya sa piling ko, alam ko rin na hindi mo ko mahal pero laking pasasalamat ko sa'yo kasi kahit ganun ang sitwasyon ay naging mabuting nobya ka pa rin sa'kin. Mahal kita't alam mo yan, ayokong nasasaktan ka at ayoko na ako ang maging dahilan ng pasakit sa puso mo. Babe, pinalalaya na kita, piliin mo ang magpapasaya sa'yo 'wag mo akong alalahanin, masaya na ako basta't masaya ka pero oras na saktan ka nya't paiyakin, babawiin kita sa kanya."

UnseenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon