CHAPTER 4

33 1 0
                                    

AYESHA's POV

Inis ako'ng umalis ng garden dahil sa Yuan na yon. Kinuha ko ang Cellphone ko sa bulsa ng maramdaman ko'ng nagvibrate yon. Napangiti ako ng mabasa kung sino ang tumatawag.

"Hello..bestfriend!".. masayang bungad ko.

"Totoo ba na lumipat ka ng school?!" ..hindi makapaniwalang tanong ni Zharina ang bestfriend ko.

"Yes!"

"Saan? Saan'g school?!"

"Hmm.sa school kung saan ka lumipat!"

"What!?" ..malakas na bulalas nya sa kabilang linya. Natawa naman ako kahit alam ko'ng ganun ang magiging reaksyon nya. "Wait! Are you serious?"

"Yes! Totoo ang sinabi ko!" ..seryusong sagot ko. Narinig kong bumuntong hininga sya. "By the way. nasaan ka ba? Saan ang classroom mo?"

"Maaga pa naman, magkita tayo sa Canteen!"

"Okay!" ..sagot ko bago ibinaba ang tawag. At mabilis naglakad patungo sa Canteen.

Nagkita kaming dalawa ni Zharina sa Canteen. Dahil miss na miss namin ang isa't isa ay nagyakap pa kami ng napakahigpit. Bumili pa kami ng pagkain bago naupo sa bakanteng silya doon.

"Bakit naman naisipan mong lumipat dito?" ..kaagad na tanong ni Zharina ng makaupo kami.

Bumunting hininga ako "bukod sa nandito ka ang isa pang dahilan ay nandito din kasi si Chriz!"

Nangunot ang noo nya "Chriz?"tumango ako "iyong boyfriend mo?"

"Correction ex-boyfriend!"

"Ex-boyfriend?" ..takang tanong nya"Teka nga ang naaalala ko ay kayo pa nong umalis ako! Anong nangyari?".. taas kilay na tanong nya "huwag mong sabihing.. nagbreak kayo dahil sa pinsan mo?"

Tumango ako.. napamaang naman sya  at umiling!

"Eh kung ganun ..bakit sinundan mo pa dito?"

"Tss..hindi lang naman sya ang reas----"

"Tigilan mo ako Ayesha!"

Ngumuso ako,kilang kilala talaga akong ng kaibigan kong ito.
Yumuko ako at nagkawala ng isang malalim na paghinga. "Eh kasi naman hindi ko matanggap na ipinagpalit nya ako sa malanding yon!"

"Ewan ko ba sa 'yo! patay na patay ka dyan sa boyfrie---este ex-boyfriend mo, e dakilang babaerong manloloko naman!" Nagumiwi ako dahil sa sinabi nya "--at talagang sinundan mo pa talaga dito huh! gusto mo pang makipagbalikan?"

"Hindi naman ako nandito para makipagbalikan sa kanya!"

"Ows!? Talaga lang ha.? Dahil kapag nakipag balikan ka pa sa kanya,isa ka ng dakilang tanga friend. At sinasabi ko sa 'yo, ipagpapatayo kita ng rebulto!"

"Mahal ko pa din sya eh!" .. mahinang usal ko na ikinatigil naman nya.

"Ay!! Tsk tsk Tanga ka talaga friend!"

"Zharina!"

"Oh bakit? Alam mo friend kung pwede ko lang iuntog yang ulo mo para magising ka! ginawa ko na!" ..naiiritang sabi nya.

I'm inlove with youWhere stories live. Discover now