"Gising ka na marklee! baka gusto mong mabuhusan ng tubig ulit." sabi ni bebang.
Ang ingay talaga ng babaeng yun, umagang umaga! -.- shutangina.
Pinilit ko pang matulog baka mapaniginipan ko si fafa arnel ng biglang...
"Marklee bumili ka nga ng toyo sa tindahan ng makakain na tayo!" sigaw ni mama.
Kakainis naman eh! Di ko naman pwedeng urungan si mama baka makatama ako sakanya, mahirap na.
Tumayo na ako and its monday morning! ang ganda ng araw ngayon, kasing ganda ko hehehe. Ayy shet! may pasok nanaman pala ulit, buti na lang mamaya pa.
Pumunta nako ng tindahan ng nakita ko si arnel nakaluhod sa harapan ni kronica.
Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko di nalang ako dumeretso sa tindahan. Pumunta nalang ako sa park at nagmuni muni.
Nakita ko si cj na nag babasketball magisa, lumingon siya sakin at nilapitan.
"Ano nanamang nangyare? bat nakabusangot yang pagmumuka mo?" sabi ni cj.
Wala naman akong magawa dahil gwapo siya kaya sasabihin ko nalang.
"Si arnel kasi eh, nakita kong lumuhod sa harapan ni kronica." sabi ko sabay simangot.
(A/N: Si kronica nga pala yung niligawan ni arnel for 3 years, pero wala siyang ginawa kundi magpaasa.)
"Okay lang yan, wag mo nalang masyadong isipin." sabi ni cj, at ayun ginawa ko naman. pero shet ang sakit! :(
"Cj uwi na ako inutusan kasi ako ni mama eh." sabi ko.
"Sige, magbabasketball nalang muna ako." sabi ni cj.
Pumunta nalang ako ng kabilang tindahan at bumili ng toyo.
Nakauwi na ako pero yun parin yung nasa isip ko, binigay ko na kay mamaya yung toyo at derederetsong pumasok sa kwarto ko.
Natandaan kong may pasok papala ako mamaya kaya naligo nalang muna ako.
**********
Pag pasok ko ng school nasalubong ko si laila at dumeretso sa canteen malapit sa heaven, este basketball court.
Nakita ko si arnel sa hallway na matamlay, dahil siguro sa nangyari kanina.
Pumasok nalang kami sa room at napansin kong wala si fafa.
"Mam may i go out." tanong ko kay mam at tumango naman siya.
Hinanap ko si arnel pero hindi ko siya makita, nasaan na kaya yun?
Pumunta ako ng canteen dahil gutom na ako, pumunta na ako doon at grabe nandito lang pala si fafa.
Hawak hawak niya yung picture ni kronica. nakakainis lang!
"Arnel di mo titigilan yung babaeng yan?! magisip ka nga, 3 years ka ng nanliligaw sakanya pero wala siyang ginawa kundi magpaasa, nagpapakatanga ka sa babaeng yan na may mahal namang iba!" sigaw ko out of nowhere.
Pero wow lang ah? sinabi ko yun sakanya pero samantalang ako nagpapakatanga din sakanya. Okay back to reality...
"Bakit sino ka ba para sabihins akin yan?! wag ka ngang mangealam." wala siyang reaction habang sinasabi yun, pero pasigaw.
"Wow arnel! just wow! ako na tong concern sayo, tapos ikaw pa tong nagagalit sakin. Napakabulag mo talaga!" nag walk out na ako agad.
Nakatingin sakin lahat ng tao sa canteen bago ako umalis. Grabe! nakakahiya ata yung ginawa ko? Bat kasi si arnel pa! huhuhu
Pumunta nalang ako sa sulok at umiyak ng biglang dumating si collette, ata aba tinatawanan pa ako ng lokarit na babaeng to imbis na damayan ako, kaibigan ko nga.
Iniwan ko si collette doon at nagisip kung saan ako pupunta ng walang nakakakita sakin.
Lumabas nalang ako ng school at pumuntang park.
Nakaupo lang ako sa swing at iyak ng iyak, maya maya may nagabot sakin ng panyo.
"Punasan mo nga yang luha mo, ayaw kitang nakikitang umiiyak." sabi ni arvie. Wow nakakatouch naman siya.
"Lalo ka kasing pumapangit hahahahaah!" pahabol na sinabi ni arvie.
Wala talagang pinagbago si arvie, mapangasar parin. nakakamiss :(
"Marklee? alam mo bang pinagsisisihan ko yung mga ginawa ko sayo noon?" sabi niya.
Lalo tuloy akong naluha dahil natandaan ko yung mga pinagsamahan namin.
Itutuloy....
****************
Author's note:
Nagustuhan niyo ba guys? kung may typo error sorry, kulang sa tulog eh.
Sana nag-enjoy kayo!
At guys? alam kong tahimik kayong nagbabasa pero sana naman magparamdam kayo kahit sa comment lang hihihi. :)
Magtanong tanong din kayo tungkol sa story i promise sasagutin ko lahat ng tanong niyo. Hindi naman ako snob. Just ask in the comment box okay?
Please VOTE,COMMENT, and SHARE!
-Colaikatel
PS: I need 10 votes para sa chapter 5.
BINABASA MO ANG
The "Basketball players" and I
RandomIto ay kwento ng isang lalaki na, nainlove sa isang kapwa lalake. actually trip trip lang namin gawin tong story nato kasi bored kami pero napunta sa seryosohan hahahaha. sana po issuport nyo! God bless.