Bente Cinco - Spell AWKWARD

907 28 15
                                    

Chesy's POV

"He what?"I rolled my eyes.Ikatlong beses ko na kasing pinaulit-ulit ang sinabi ko pero parang hindi naman nakikinig si Harri.Paano ba naman kanina pa yata naglalakbay sa ibang dimensiyon ang isip niya.

"You're not listening to me,"reklamo ko.

Araw ng sabado ngayon at wala kaming pasok kaya pinapunta ko siya dito sa bahay namin ni Nike.Para sana ikuwento ang romantic dinner date namin noong isang gabi ng kuya niya.At para narin maungkat ko sa kanya ang problema niya.Nababahala kasi ako dahil hindi likas sa kanya ang pagiging tahimik at pag-eemongoloid.Mas maingay pa 'to sakin e.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko.Kinuha ko 'yun mula sa kama.

'Malapit na kami dyan.Medyo natagalan kami sa Mall, si Ashley kasi lumandi pa.Hindi pa kami kumain kaya prepare us some food.Tsups!'

Napangiti ako sa text message ni Maybelle.

Nasa Bangkok ngayon si Nike for business trip at bukas ng hapon pa makakauwi.Kaya inaya ko silang tatlo para mag-overnight dito tutal wala naman akong kasama.Nilingon ko si Harri.Huminga ako ng malalim nang makita ko siyang nakatulala parin.Nilapitan ko siya sabay tumabi ako sa kanya ng upo sa couch.Hinawakan ko ang magkabila niyang kamay.

Hindi naman talaga kami nagtatabi sa iisang kama ni Nike.Dun siya natutulog sa kabilang kwarto na konektado lang din ng sarili kong silid.Pero para na itong master's bedroom sa sobrang laki.

"I'm your bestfriend,Harri.At halos alam mo na ang lahat ng secrets ko."Malamya niya akong tiningnan."Tell me, whats bothering you?"

Unti-unting lumambot ang mukha niya at umalpas ang luha niya mula sa kanyang mga mata.Agad ko siyang niyakap at hinagod-hagod ang likod niya.As her friend, It's really hard for me to see her like this.Hinintay ko munang tumahan at lumabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.Ngayon, sigurado na akong seryosong bagay ang pinoproblema niya.

Nang medyo kumalma na siya ay humiwalay siya sa'kin.Tumayo ako at kinuha ang rolyo ng tissue paper sa loob ng drawer.Binigay ko 'yun kay Harri.Parang kelan lang nangyari din ang ganito sa'kin.Nakatatawa mang isipin.Ang kaibahan lang naglabaliktad kami ng sitwasyon at siya naman ngayon ang umiiyak.

"Thank you,"she said while wiping her tears.

Tinawag ko ang isa sa mga katulong at nagpadala ng malamig na tubig.Mabilis naman na nakabalik ang inutusan ko.Binigay ko ang baso sa kanya.

"Drink this.Para naman mahimasmasan ka kahit papa'no."I smiled at her.Uminom siya ng tubig pagkatapos ay inilapag ang baso sa marmol na mesa.

"I met my biological father, Ches."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Well, thats good to hear.I mean, finally you met him."Matagal na kasing gustong makilala ni Harri ang tunay niyang ama.At masaya ako na nagkaroon na siya ng pagkakataon na makita ito.

"Saan mo siya nakita o nakilala?Anong nangyari pagkatapos mong magpakilala?Kaya ba hindi ka nakapunta noong kaarawan ng lola mo?"Sunud-sunod na tanong ko.Excited lang akong malaman ang mga nangyari sa kanya.Tumango siya.

Kumunot ang noo ko.Parang hindi naman siya mukhang masaya sa naging pagtatagpo nila.Maybe something went wrong.Narinig ko siyang suminghot sabay siningahan niya ang tissue na hawak niya.Sandali akong napangiti dahil sa ginawi niya.

"Hindi niya ako kinikilalang anak, Ches."Lumambot ang mukha ko.

"Inakusahan niya pa akong nagpapanggap lang para makakuha ako sa kanya ng pera."

Naaawa ako para sa kanya.Mas mahirap pa pala ang pinagdadaanan niya kesa sa'kin.Yumugyog ang kanyang mga balikat.Teary eyed siyang tumingin sa'kin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nike Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon