Hii, paalala ko lang ha? This is a One shot story, and this is based on a true story of...Secret. HAHA
•••••••••••Grade 4 tayo unang nagla-kilala, I mean una kitang nakilala, hindi mo naman ako kilala eh. Sabagay transferee lang ako. Pero alam mo kung ano ang kagulat-gulat? Yung malaman kong may ka-love team ka lang naman. Ang babata niyo pa pero may ganyan na kayong nalalaman. Sabagay bagay naman kayo ni Denise eh. Rinig ko nga nag-simula yan nung grade 3 palang kayo. Astig naman. Yung time na nga niyan, wala pa akong alam sa pag-aayos, sa love-love na yan. Plain lang akong babae, walang pake sa mga magugulo kong buhok. Pero kayo? Nice.
Nung nag-grade 5 tayo, ganun parin. Plain lang ako, may ka-love team ka. Okay lang naman, nalipat nga akong upuan eh. Simula sa harap naging nasa likod ako. Nagkaroon pa nga ako ng crush eh. Siyempre secret ko na yun.
Nung grade 6 tayo may nag-bago siyempre. Naging close kita. Friends ganun. Si Denise? Ayun nalipat na sa section 1. Tayo? Wala paring pagba-bago, last section parin. Dalawang section lang naman tayo eh. Private kasi school natin. May nagsasabi na bagay 'daw' tayo. Nakakatawa, oo.
Grade 7 (First year Highschool)
Mas lalo ata tayo naging close nung year na yan. Mas lalo tayong inaasar. Masaya ang Grade 7 year natin. Naging representative ka pa nga ng year level natin eh. Ka-partner mo si November. Ganda ba pangalan niya no? Kasing ganda ng itsura at ugali niya. Naging crush mo pa nga eh.Nung Grade8 year natin, mas naging close ata tayo eh. Nung first quarter kasi puro lang tayo laro ng COC, or Clash of Clans. Ako nga lang ang babae sa classroom na naglalaro 'nun eh. Kasama natin ang mga kaibigan mo na sina Kyle, Gilbert at iba pa. Nagkaroon ng science cosplay, isa ako sa sasayaw. Science club kasi ako.
Sa classroom nandun best friend ko kaya pumunta din ako dun. Sakto naman at nandun ka, nagpa-picture ako sayo. Wala lang. Remembrance. Ginawa nating icon yun sa twitter, oo, tayo. As in parehas tayo. Kaya nga maraming nalilito eh. At siyempre issue. Maraming nagsasabi na bagay daw tayo, ganyan, ganon. OTP. One True Pair ba. Mga side comments. Nung last Christ Kringle natin, ang nabunot ko talaga ay si Alecx kaso nakipag palit saakin si Lyn kaya, ikaw na. Ang gusto mo stuff toy, kaso may mabibili ba akong stuff toy na worth 50 pesos? Wala diba? Kaya ang binili ko nalang para sayo ay isang Toblerone at Hershey. Bago daw ibagay sa nabunot mo, i-describe mo daw muna. Kaya dinescribe kita.
"May pimples, maliit DATI. Gwapo DAW.--" hindi pa ako tapos pero marami ng nagsisigawan. Mga hula nila kung sino. Yung iba naman alam na. May nagsasabi pa nga na " Crush niya!" Kaya inamim ko.
"Okay, crush ko siya nung Grade 4, first quarter lang naman." Pero siyempre joke lang yun,crush kita hanggang nung mga panahon na yan. Kaya ayun, sigawan nanaman. Kanya kanya silang "Ayiie" ikaw? Eto, namumula. Ewan ko kung bakit. Dahil ba sa kinikilig ka? Or dahil sa kahihiyan. I take the second one dahil parang dahil dun nga. After that, hindi na tayo nagpapansinan. Kinabukasan, Cheerdance practice. Mahirap ang sayaw. Kapagod. Sakit sa katawan. Kaya nung lunch break bumalik ako ng classroom natin, sa section 1 kasing room ang ginamit para sa mga dancers. Pagpasok ko palang nakita kong magulo kayong lahat. Nakita ako ng adviser natin at tinawag ako. Pawis na pawis pa ako nun pero lumapit ako at tinanong ko nalang kung bakit. At ang sabi? "Kayo ba talaga ni Rev?" Ganda no? ._. Siyempre sinagot ko siya ng Hindi. Kasi yung naman ang totoo. Na wala namang tayo. Pagkatapos nun, pumunta ako sa best friend ko. Si Lhei. Nasa may left side siya ng room at halos puro babae langa ng nandoon. Sa right side naman kayong mga lalake. Hindi ako kumain sa classroom natin dahil sa section 1 ako kumain kasama ng mga iba pang dancers. Pagkatapos pahinga ng kaunti at bumalik na sa classroom natin. Naabutan ko sina mica na nagpra-practice. Medyo mahirap kasi ang steps. Naki-sama ako sakanila dahil magpapaturo din ako ng ibang hindi ko mag-gets na steps. Hindi ako makapag-concentrate kasi titig na titig ka saakin, or baka kay klaire. Nakakailang. Tapos lumpit ka pa. Ginagawa mo ang mga basketball moves mo, naglalaro kasi kayo ng basketball sa loob ng room. At papel ang bola, basurahan ang ring. x) kaya nung malapit ka na talaga, umalis ako. Natapos ang lunch break, practice na ulit. Ganun lang routine natin, hindi na tayo nagpa-pansinan, maski chat nga wala eh. Ewan ko kung bakit. Pero nung araw ng last Christ kringle natin at Hindi mo ako pinansin, (hindi naman sa assuming ako ha.) lagi na kitang nakikitang naka-titig saakin. 'Yang titig na yan? Alam ko yan. Ganyang-ganyan din ikaw nung sa dati mong nililigawan eh. Hindi ka nga lang sinagot, kulang ka kasi sa effort.Maraming nakaka-halata sayo na titig ka ng titig saakin. Lalo na ako. Ayoko mag-assume dahil masasaktan lang ako.
Pagka-tapos ng Christmas party, siyempre picture picture. Nakipag-picture ka kay klaire, ginawa mo pa ngang Dp at Icon eh. Medyo may naramdaman akong disappointment? Ata. Ewan. Di ko maintindihan.
Hindi ko alam kung love story or ordinaryong story lang ng mag-kaibigan to.
Hindi pa to ang end pero parang ganon na nga ang mangyayari.<<<<<<<<
Btw, Hi nga pala sayo Rev, sana hindi mo 'to mabasa. Nakakahiya >.<
~Ia
•••••••••Okay! Tapos na ulet ang one shot ko. Yey! HAHAHA sana may magbasa. Btw, yung mga names diyan pinalitan ko. Mga second name yan nila. HAHAHA.
This is a true story of mine. Yung Ia na name? Gawa gawa ko lang yun. HAHAHA Lol. Joke lang. Kinuha ko yan sa last two letters ng name ko.