Chapter Three

11 0 0
                                    

CHAPTER 3

Mikael's Pov

Masyado ata akong nagover react sa nalaman ko kaya naunahan ako ng galit, Di ko naman gustong sabihin yun sa kapatid ko basta kung ano nalang yung lumabas sa bibig ko yun na yun. Pero napasobra ata, nagaalala lang talaga ako sa kapatid kong yun kaya ganito ako sakanya dahil ayoko na maulit pa yung mga naranasan nya nung nasa grade school palang sya. Naalala ko na lagi sya umuuwing may galos dahil sa pangbubully ng mga lalaki nyang classmates. Masyadong mabait ang kapatid ko kaya lalo syang inaabuso at pinagtritripan dumating pa sa point na muntikan na syang mamatay dahil sa mga batang lalaki na nangbully sakanya dati. Pag naaalala ko yun nagiinit ang dugo ko kaya naman kahit mga parents namin pinagbawalan na si Yza makipag kaibigan sa mga lalaki. At yun ang task naming apat ang bantayan ang kapatid namin. Masisi nya ba kami? Eh ginagampanan lang namin ang tungkulin namin bilang mga kuya nya. Sya ang unica hija sa family, pinangarap namin sya at ng mga magulang namin at lalong hindi kami papayag na isang Abueva ang mamahalin ng kapatid namin.

"Kumain na ba si Yza?" Tanong ko.

"Hindi pa po kuya, di rin sya nagdinner kagabi" sagot ni Miko.

"Ate Elly pakitawag na nga po si Yza para magbreakfast" utos ko sa kasambahay namin.

"Kagabi kuya naririnig kong umiiyak yun sa room nya" sabi ni Mavi.

"Nasobrahan ata galit ko kahapon" sabi ko habang kumakain.

"Bakit ba kasi sa dinami dami ng lalaki sa Ginhoshi bakit isang Abueva pa yung natripan ng kapatid natin" sabi ni Mar

"Kaya nga eh, Hayysst..." sagot ni Mavi.

"Marcus,Miko and Mavic" tawag ko sakanilang tatlo.

"Why bro?" Tanong ni Marcus.

"Ano yun kuya?" Tanong ni Miko.

"Bantayan nyo nang maiigi si Yza sa campus at balitaan nyo ako, kung kasama nya yung Abueva na yun"

"Yes po kuya"

"At pag nalaman ko lang na magkasama sila I will not hesitate to do something para mapaghiwalay lang silang dalawa"

Miko's Pov

Habang nagsasalita si kuya Mikael ramdam ko na desidido sya na mailayo ang kapatid namin sa Abueva na yun, At alam ko den na kaya ni kuya gawin ang lahat mapaghiwalay lang yung dalawang yun. Pero teka sabi ni Yza di nya naman boyfriend yung lalaking yun pero bakit kailangan paghiwalayin, Baka ang ibig sabihin ni kuya Mikael is pigilan ang paglalapit ng dalawa sa isa't isa. Kilala ang pamilya namin sa isa sa may ari ng sikat na fashion brand company dito sa bansa at pumapangalawa naman ang company ng mga Abueva, Matalik na kaibigan nina mom and dad ang mga abueva noon pero simula nung masira ang pagkakaibigan nila dahil sa isang pangyayari ay naging magkalaban na ang company namin at ng mga Abueva.

Nung mga bata pa kami ay matalik na kaibigan namin ang tatlong anak na lalaki ng mga Abueva na sina Chester, Cheifer at Chandric, Sobrang close namin nung mga bata pa kami pero nagbago ang lahat nung mangyari ang isang aksidente.

*Flashback*

Naaalala ko pa yung mga pangyayari nung araw na naganap yun, 7 years old ako nun at 12 years old naman si kuya Mikael. Napagplanuhan namin na maglaro sa isa sa mga bakanteng bahay sa loob ng subdivision kung saan kami dati nakatira. Nung mga panahon na yun under construction yung bahay kung saan kami naglaro. Masyadong matigas ang ulo namin kaya naman kahit lagi kaming pinagsasabihan ng mga parents namin na wag maglalaro roon dahil delikado ay dun pa rin kami naglaro nina Kuya kasama sina Chester at Cheifer, Masaya kaming naglalaro ng langit at lupa nung mga oras na yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm a SHE but I LOVE HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon