THIRD PERSON P.O.VBugnot na bugnot si Astra habang nakatingin sa kisame ng kwarto niya. Pagulong-gulong siya sa kama at parang batang naka-busangot. Paano ba naman ay hanggang sa pag-alis sa pag-uwi ay inaasar parin siya ng lalaki.
Siya naman ay isa ring pikon na pinapatulang ang lahat ng sinasabi nito. It's her first time to be very pissed in one person. When she was in Manila hindi siya pumapatol sa mga nambabash sakanya. She's always a compose type of a person. Pero pagdating sa lalaking iyon ay hindi niya alam kung bakit pinapatulan niya ang lahat ng kapritsuhan nito.
Naalarma siya ng may kumatok sa pintuan ng bahay kaya naman agad niyang sinilip sa bintana kung sino 'to at nagulat sa nakita.
'Bakit nandito ang half breed na 'to?' Naguguluhan na tanong niya sa sarili.
"How did you know that i'm living here?" As far as she remember ay hindi niya naman nabanggit dito kung saan sila nakatira at alam niya rin na hindi siya sinundan ng lalaki ng pauwi siya kanina.
"Dito ka nakatira?!" Parang gulantang na tanong nito.
Hindi niya alam kung umaarte lang ba ito o hindi talaga nito alam na siya ang nakatira dito.
"Why, Are you expecting someone living here" Tinaasan niya pa ito ng kilay.
Ngumiti ang lalaking kaharap kaya naman mas lumitaw ang dimple nito sa kanang pisngi.
"Well Talya as far as i remember Heat owned this house. How are you related to him?"
"H-He's my boyfriend" Iyon nalang ang naisagot niya.
'Such a passive answer Talya. Ang tanga mo talaga'
Nawala ang ngiti nito at seryosong tinignan siya. "Boyfriend?"
"Y-Yes. Do you know him?" She asked to divert the topic.
Naisip niya na panindigan nalang ang pagiging 'girlfriend' ni Triangle. She's a hundrend percent sure that her brother will mock her pag nalaman nito.
"He's my friend" He said cassually. "I didn't know that he have a girlfriend—"
"Ano bang sadya mo rito" Pagsingit niya para hindi na muli nilang mabuklat ang ganoong usapan.
"Aayain ko sana si Heat pumunta sa bayan since bisperas ng fiesta ngayon" Tinignan niya itong mabuti at hinayaan na magpatuloy itong magsalita. "Since wala dito si Heat, i will just ask you instead"
Tinaasan niya ito ng kulay at nakasimangot parin siya habang nakatingin dito.
"Wanna come with me tonight?" Napaisip siya sa sinabi nito. "Tutal ay ikaw lang namang—"
"Sasama ako" Sabi niya para pahintuin ito sa kadaldalan.
Niluwagan niya ang awang ng pinto para makapasok ito.
"Magpapalit lang ako" He nod. Mukhang malalim ang iniisip nito at wala sakanya ang atensyon.
Nagsuot lang siya ng Adidas na maong short at tinernuhan niya ito ng Off white oversize shirt. Dinampot niya ang Dior purse niya. Pagkalabas niya ay nakita niyang nakatitig sakanya si Adlai at ni-head to toe siya.She arched her brow at her. "Anong tinitingin-tingin mo jan?" Mataray na sipat niya dito.
"Ba't ganyan yung suot mo?" Nakatingin ito sa maigsi niyang short kaya naman nilagpasan niya ito at lumabas. Sinuot niya ang Gucci sandals niya at nauna na ditong naglakad.
Bubuksan na sana niya ang pinto ng pick up nito pero napatigil siya ng hawakan ng lalaki. Kaya naman naiirita si Astra na humarap dito.
"What?!"
"Ang igsi ng short mo" Inginuso pa nito iyon. Para itong batang nagta-tantrums dahil hindi nabili ang gusto.
"Ano naman ngayon?" Pinag-salubong niya ang kilay niya habang nakatingin dito.
"Baka mabastos ka niyan dahil sa suot mo. Mapapaaway talaga 'ko" May pagbabantang sabi nito.
"Kahit ano namang suotin ko, kung manyak talaga ang isang tao wala akong magagawa" Tinalikuran niya na ito at sumakay na sa sasakyan. Sa shotgun seat siya naka-pwesto, habng ito naman ay sa driver seat. "
"May hinihintay pa ba tayo?"
"Look at your short" Nakanguso ulit ito doon. Dapat ay naiinis siya sa inaasal nito pero kabaligtaran non ang nararamdaman niya. Nagbubunyi ang kalooban niya dahil sa pinapakita ng binata.
"Adlai tantanan mo nga 'ko" Pilit niya tinakpan ng pagsusungit ang kakaibang nararamdaman.
It's her first time to feel something so strong in her inside at nagsisimula ng magpanic ang kaloob-looban niya.
Bigla namang ngumisi ang lalaki sa hindi niya malamang kadahilanan.
Is he crazy? Namamaang na tanong niya sa sarili. Ano ba naman kasi ang kasiya-siya sa sinabi niya.
"Say it again" Utos nito. Lito niyang tinignan ang katabi.
"Ha?" Hindi niya alam kung anong tinutukoy nito.
"My name" Kahit naguguluhan ay sumunod siya.
"Adlai?"
Mas lalong lumaki ang ngisi nito. Ang kaninang busangot na mukha ay punong-puno na ng pagkagalak.
"My name sounds so perfect kapag ikaw ang nagsasabi" Hindi siya nakapagsalita dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Pakiramdam niya ay bigla nalang nablanko ang kangyang utak at mas lalong bumilis ang pagpintig ng puso niya.
Ang lakas ng tibok ng kanyang puso. Hindi niya matukoy kung ano ang nararamdaman.
'No it cannot be!'
