Chapter 1

7.6K 154 18
                                    

Since Reego is part of a band here, I'll put a song that would be the theme of the whole chapter.This can be a song recommendation,too.

Chapter 1

Iris  | Sleeping with Sirens version

"Astrid,where in hell are you?!"

Malakas na sigaw ni Ate Dem mula sa kabilang linya.

I sighed as I roam my eyes around the crossing of Regidor and Javier avenues.

"Saglit lang,Ate!Medyo maulan kasi rito kaya hindi ako makahanap ng sakayan—"

"What?!Akala ko ba ay susunduin ka ni River?Naasan na ba iyang kaibigan mo na 'yan?!"she yelled again kaya napabuntong hininga nanaman ako.

She's overacting again!

"Ate,pwede ba?May laro iyong tao.Saka makakarating naman ako kaya huwag ka na mag hysterical diyan."

"Hay nako! Basta mag iingat ka,ha!"

Matapos namin magtalo ni Ate Dem ay binaba ko na ang cellphone ko saka umayos ng upo dito sa loob ng isang milktea shop sa crossing.

Ate Dem is my team captain on our baseball team.More like a big sister na rin.Alalang alala sa akin dahil wala pa ako sa rally ng mga Javiers at Regorians.

It's not the typical rally na may nagwewelga talaga,ha.Para iyong opening ng dalawang schools na magkaibigan.Sabay na sinecelebrate ang opening.Next next week pa naman ang official start of classes.

Mayroong iba't ibang performance mula sa dalawang school at may iba ring sikat na artists ang iniimbitahan.

Na late ako ngayon dahil katatapos lang ng shoot ko kanina tapos dumaan pa ako sa school para magpasa ng narrative report ko.Naabutan na tuloy ako ng ulan.

Dapat kasi ay sasamahan ako ng matalik kong kaibigan na si River,kaso nga lang ay bigla raw nagkaroon ng friendly game kaya biglang hindi makakapunta.

Kaasar!

Napaka talkshit talaga noong isang yon.Hmp!

Lumabas na ako ng shop nang medyo tumila na ang ulan.Doon ako sa may waiting shed naupo para maghintay ng bus.

Bumuntong hininga uli ako at naramdaman kong may lalakeng naupo sa tabi ko.Hindi ko na pinag aksayahan ng oras lingunin.Mahal ang lingon fee ko ano!

Ilang minuto na kaming magkatabi pero wala paring bus na narating tapos ang lamok pa kaya maya't maya nalang ako pumapalakpak para lang huwag sila dumapo sa balat ko.

My gosh!Ang laki kaya ng budget para sa skin care ko tapos dadapuan lang ng lamok?No way!

Chos.I stopped having it, though.

Habang abala ako sa pagpalo ng lamok ay bigla akong may nasinghot na usok ng sigarilyo kaya nakasimangot kong nilingon iyong lalake.

Ayaw ko sa lahat ay iyong nagyoyosi,mahilig sa black clothing,may tattoo(though hindi naman malaki ang tattoo nya),may piercing, at badboy tignan.

Gosh,nasa kan'ya na lahat ng ayaw ko!

Dahil sa titig ko ay napalingon s'ya sa akin at tumaas pa ang isang kilay saka umiwas ng tingin para bumuga uli ng usok.

I saw how his beautiful face was created.Mula sa itim na itim nyang buhok,itim na kilay na medyo makapal,mga pilik mata nyang itim na itim rin at mahahaba pa at malalantik!

Gosh,his jaws!His perfect nose and a red well-shaped lips!

Kailan ko ba sinabi na ayaw ko sa lalakeng nagyoyosi,mahilig sa black clothing and all?!

The Crossing of the Broken Strings (Saint Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon