Heaven 15: Baguio Trip

5 2 0
                                    

"MAG-INGAT ka doon ha." paalala ni Nanay Airene.



"Nay, sa Baguio lang po ako pupunta at hindi sa Switzerland." pagbibiro ko.



Ngayon ang alis ko papuntang Baguio para sa 10th year anniversary pero sa Friday pa ang actual event. May nakareserve daw kasing condo unit para sa amin, good for one week. Sagot ng company lahat ng expenses kaya wala kaming kailangan alalahanin. May transpo din nga na maghahatid pero hindi na ako sumabay, masyado na silang marami du'n kaya solo flight ako at gagamitin ko ang kotse ko, naibalik na kasi ni Tim 'yun nakaraang araw. Para habang naghihintay ng Friday makagala muna ako mwahaha!



"Strawberry. Ehem." pagpaparinig ni Mommy.



"Extra money. Ehem." pagpaparinig ko din kaya natawa sila.




"Ay hindi na. Sige na umalis ka na." pagbibiro ni Mommy.



"Lahat kayo may pasalubong pagbalik ko. Pasasalubungan ko kayo ng dahon ng strawberry." nagtawanan ulit sila. "I have to go na po, baka matraffic ako." pagpapaalam ko at humalik na ako kay Mommy at Daddy.



"Take care, and enjoy." nakangiting sabi ni Daddy kaya tumango ako.



Hinatid na ako nila Daddy sa kotse ko. "Ingat ha, I love you." sabi ni Mommy.



"Yes po, ingat din po kayo dito. I love you too." sagot ko at sinimulan ng mag-drive. Akala mo sa Sahara Dessert ako pupunta eh sa Baguio lang naman. Pinicturan ko 'yung daan at pinost sa IG with a caption 'way to Baguio'. After 5 seconds nang ma-post ko nag-heart agad si Tim. Epal talaga 'to buti na lang naibalik niya 'yung kotse ko kaya nga lang may utang na loob ako sa kanya.



I received a call from Edward so I answered it. "Yes, why?"



"Kailan ka babalik?" he asked with his droopy voice.



"Nagda-drive pa lang ako papunta, kailan agad ako uuwi?"



"Tss." he only answered. OMG! Napikon ko ba siya? Achievement 'to ha?! "Kailan nga?"



"Bakit ba?" gusto kong siya naman ang maasar ko hahaha!



"Just answer me."



"Ewan! Edi next week pa." napairap na lang ako dahil parang ako ang naasar niya.



"Sige. Pasalubong ko ha."



"Kapal ha! May patago ka sa'kin?"



"Meron." sagot niya.



"Ano aber?"




"Puso ko yieeee!"



"Abnormal! Para kang babaeng may dalaw! Bipolar!"



"Nye, nye! Basta pasalubong ko. Love you!"



"Wala! Wala kang patago! Love you too."



"Ingat ka diyan ha." pag-papaalala niya.



"Ingat sila!" sabi ko at pinatay na ang tawag.



Inenjoy ko ang view ng dinadaanan ko. Alas-kwatro pa lang ngayon ng hapon. Nami-miss ko tuloy umuwi ng Laguna, college pa ang huling uwi namin at kasama noon si Adeline. Minsan nga sasabihin ko kila Mommy na bumisita doon.



Dinial ko ang number ni Jen dahil mas masaya kung kasama ko sila kaya lang hindi pwede. "Jenniceeeeee!"



"Ano ba 'yan, Ysa!" sagot niya dahil sa sigaw ko.



I Wish You're Alive [COMPLETED]Where stories live. Discover now