First Entry

6 1 0
                                    

Well, hello first page! Hindi ko alam kung pano ko ba sisimulan ang pagsulat ko sayo. Well I guess, I can fill you up pag magstart na ako sa school kasi for sure maraming mangyayari. Let's make more memories para naman maenjoy ko ang high school life ko. Mom's not around but we videocall everyday. Kahit malayo kami sa isa't isa, hindi ko feel na wala sya kasi maraming beses sa isang araw kung tumawag para lang maparamdam kung ga'no nya 'ko kamahal. Parang andito lang din naman si mom eh. Dahil sa pag-aalaga at mapagmahal na binibigay sakin ng mga tagapag-alaga ko sa bahay. Si mama-la Bebeng at sa masayahin nyang asawa na si papa-lo Dante.. Feeling ko may second family ako kasi mahal na mahal ako ng yaya at driver namin. Hindi na din sila iba samin dahil sila din ang nag-alaga kay mom nung kabataan nya. So, comfortable na. Spell lucky? Its M! E! Hehehe..

MAMALA:at anong oras na aber? Bilisan mo nang kumain kasi baka malate ka. (nag-aalalang pagsabi)

MINMIN: mamala naman? Kelan po ba kami na late ni papalo?(pagsagot habang nginunguya ang breakfast)

PAPALO:mahal..(sweet na pagsabi paakbay sa asawa sabay higop sa tasa ng mainit na kape) oo nga? Kelan ba kami nalate? Hayaan mo na kumain ang bata. Saka, maaga pa naman.. Hala sige 'nak! Go? Eat your pud! (baling kay min-min)

MAMALA:hay naku..nakakatawa talaga yang pag-eenglish mo kay minmin. Pinagkakaisahan nyo na naman ako.. Sige, kumain kayo at mag-ingat. Minmin, pagbutihan ang klasi ha?

MINMIN: opo, mamala!(inom ng tubig biglang tayo sabay kuha ng bag, takbo palabas ng bahay)

PAPALO: oh, mahal. Alis na kami! (kiss sa pisngi) ay lab you!

MAMALO:sige mag-ingat kayo.*hampas ng mahina sa balikat ng asawa*
Minmin! Wag kang tumakbo kakakain mo lang!!! (baling sakin habang nililigpit ang mesa)

MINMIN: opooo!!!! Mag-ingat din po kayo dito! (pasigaw na sabi habang patakbo papalabas ng bahay papuntang sasakyan).

Yes, diary! Ganito ako sa araw-araw na may pasok. First day of school what do you expect? Syempre excited tayo kasi new friends, maybe? Most of all.. Mamemeet ko na naman ang FS-7 na kinaiiwasan ko.

I'll introduce them to you and kung bakit kailangan ko silang iwasan. Its not because they're dangerous.. But because you will be in danger pagnasa paligid mo sila lalo na pagbabae ka. Actually, I dont have any reason why kailangan kong mapalapit sa kanila. We really do have that classmate na, ggraduate lang kayo pero hindi kayo ganun ka close. And I find it normal. (you think, diary?) Hindi talaga kasi ako close sa lahat eh, pero okay naman kami nagpapasinan naman. Ambivert kasi ako. Partially introvert-partially extrovert. May friend naman ako, Si Jade Johnson ang class monitor. Syempre, seatmates kami eh. At saka si Dustin. Kaso hindi na kami masyado close ni Dustin ngayon. Kwento ko nalang next time. Medjo mahaba eh. Pangit na intro pagganito. Anyways, this page is not about me.. So, I will not talk more about myself. I'll introduce myself in the future but for now.. I'm trying to think of a good entry para naman maalala ko ang nangyayari in the future kung mabasa ko to. Make myself realize kung anong klaseng tao ba ako nung kabataan ko. Hoping na hindi ko mapacringe ang sarili ko. *cross fingers*

Sulat-sulat muna tayo habang nasa kotche. Kailangang maaga umalis para iwas delays. Expected na ang traffic kasi weekdays. Hanapin ko din kaya ang diary ko nung elementary. Epabookbind ko kaya para isahan lang. Siguro tapusin ko muna ang High school diary ko para masaya. So pano ba yan? Siguro hanggang dito nalang muna ako. Inaalala ko pa kasi ang details ng boys. Based sa mga naalala ko lang. Feeling ko marerefresh ang memory ko pagnag. Introduction. You know.. The normal school stuff everytime magsstart ang class. Introduce yourself.. Introduce yourself.. Kayo-kayo nga lang naman ang magkaklase na parang nilipat lang sa high school. Nakita ko na kasi ang email ng WU na class schedule, classroom, building #9, 5th floor, masterlist ng names ng mga kaklase, teachers na hahandle samin, confirmation email na renewed and ID #, locker #(para sa mga regular students) pero para sa mga elite 10 ID# activated pati ang door key sa room nila sa Star Mansion. Remember, yung sinabi ko sa intro ng page na 'to? Yeeeees! Dahil mas malapad ang area ng high school, kailangan ko siguro ng bike ayaw ko magscooter hindi ako marunong eh. Sosyal talaga no? Sorry nasanay kasi sa reaction nina mamala at papalo everytime ekkwento ko ang mga nangyayari sa school even nung elementary ako. Andito na pala ako sa harap ng school. Continue ko nalang to mamaya pag-uwi ko.

See you when I get home! 💋

---ALL CHARACTERS, PLACES, EVENTS, ORGANIZATION, WRITTEN ARE FICTITIOUS--

**HELLO THERE READERS!! PAGPASENSYAHAN NYO NA PO, HINDI PO PERFECT GRAMMAR NATIN. PERO SANA PO MAINTINDIHAN NYO ANG STORY. THANK YOU PO SA PAGBASA!!! **

MY BOYS in STAR SECTION: MIN DAE'S DIARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon