13

3.3K 47 0
                                    

P.O.V
Sabrianna

Maaga akong pumunta sa office para kunin lahat na ng gamit ko ruon dahil aalis na ako sa kanya matapos ang mga nang yare ay wala na akong mukhang maihaharap sa kanya.

Pag bukas ko ng office nya ay anduduon na sya at maaga din pala syang pumasok.

"Nakahanda na lahat ng gamit mo kunin mo na lang andyan na din ang sahod at tinagdagan ko na din yan" Sambit nya.

"Ginamit mo lang ba ako?" Agad na tanong ko sa kanya

"Oo, Katawan mo ikaw yung feelings mo" Sambit nya

"Yung totoo?"

"Yun yung totoo na ginamit kita para makabalik na saakin si miya" Walang emotion na sambit nya

'Tama pala lahat ng narinig ko kagabi" Sambit ko

"Oo tama lahat yun gamit lang kita na ginagamit tumawag talaga ako para iparinig sayo yun" Sambit nya

"Hindi mo ba ako minahal?" Seryosong sambit ko

"Huh ikaw mamahalin ko tss impossible kasi ang mahal ko si miya" Sambit nya

"So pinili mo lang ako kasi walang pag pipilian" Aniya ko

"Yah pinili ka ni Clyde kasi walang pag pipilian" Napalingon ako sa gawi ng pintuan ng biglang bumukas at nakita ko ruon si miya at ang dalawa nyang kaibigan pati ang mga tao sa office.

"Live na live ka o" Sambit ni miya sabay turo sa tv na malaki na napansin ko kanina pag pasok ko.

"Para kang kawawang aso" Sambit nya pa

"Parehas nga tayo e kawawang aso kadin" Matapang na sambit ko

"Wag mo kong itulad sayo kasi ako minahal at pinahalagahan e ikaw ginamit at ginago" Madiin na sambit nya na nag patahimik saakin

Kinuha ko na yung box na pinag lagyan ng gamit ko para umalis na. Nang mag tapat kami ni clyde ay tinignan ko sya sa mata sa mata.

"Ako yung sumugal pero iba ang nanalo" Sambit ko sa kanya syaka nilampasan na sya

Nang makuha ko na ang gamit ko at lalampasan na sana si miya ngunit pinigilan nila ako.

"Tangina miya okay na ikaw na panalo" Sigaw ko

"I'm always win, Oh wag kang umiyak" Sambit nya kaya agad kong pinunasan mga luha na tumulo sa mata ko.

"Bakit ko iiyakan yan kung kaya ko naman palitan" Sambit ko syaka tuyan na silang nilampasan.

"O bat ang tagal mo" Sambit ni tasha ng makababa ako sa parking lot

"Bff" Mahinang sambit ko syaka lumapit sa kanya at niyakap sya

"Shhh tahan na" Pag papatahan nya saakin

"Nasasaktan ako kasi di manlang nya ako maipag tanggol nung alispustahin ako" Sambit ko habang umiiyak

"Sa una lang yan makakamove on ka din" Sambit nya, "Baka may reason kung bakit nangyayare to" Sambit nya pa

I'm Your Secretary [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon