Ria Arrellano, a third year highschool student at Saint Berlin University. May natatanging abilidad si Ria na siyang dahilan kung bakit naiiba siya sa lahat. Isang hapon pagkatapos ng klase, naglalakad si Ria sa corridor ng biglang may nabangga siya na galing sa kung saan kaya hindi niya napansin.
Unti unti niyang tinignan ang taong nakabangga sa kanya at ng makita niyang lalaki ang nakabangga sa kanya ay bigla itong napatanga sa aking kagwapuhan nito dahil matangkad, maputi ung tipong parang papel na ung puti niya, mapupungay ang mga mata, matangos ang ilong, manipis at Mapula ang labi at ang kanyang buhok ay naka top knot. Kaya naman hindi maiwasan ni Ria na paka titigan ito." Miss, ok ka lang?" Tanong nito sa kanya na nakapag pabalik sa kanya sa realidad.
" H-ha uhm o-oo naman, bakit mo natanong" Sabi ni Ria na parang nahihiya pa dahil nahuli nitong naka tulala sa binata.
" Ah Siya nga pala, Jomel Santos" Sabi ni Jomel at inabot nito ang kamay niya sa dalaga. " Sorry pala kung nabangga Kita kanina, hindi kasi Ako naka tingin sa Daan" paliwanag nito.
" Ha? Wala yun. Nga pala ako si Ria uhm Arrellano"
Pero bago pa tanggapin ni Ria ang kamay ni Jomel ay may tumawag na sa kanya mula sa likod." Hayyst Nandito ka lang pala.. Hoy Ria kanina pa kina hinahanap" Sabi ni Laurea na siyang best friend ni Ria.
" Sorry" agad na Sabi ni Ria " namamadali kasi Ako tska Akala ko may klase ka pa eh" Sabi agad ni Ria Kay Laurea " ah siya nga pala gusto Kong ipakilala sayo si --------" hindi na natapos ni Ria ang sasabihin dahil Wala na bigla si Jomel sa dati nitong pwesto
" Hmm sino?" Tanong ng kaibigan nito ng mapansin na Wala namang Tao bukod sa kanilang dalawa.
" Ah h-ha.. Wala Wala" agad na tanggi ni Ria.
" Nababaliw kana naman" umiiling na Sabi ng kaibigan nito. " Lika na nga uwi na tayo.. gutom lang yan" Sabi nito at hinila na si Ria paalis.
Sa kabilang Dako naman......
Jomel POV
Hello guys, I'm Jomel Santos, 18 years old. Bago pa man ako ipakilala ni Ria sa kaibigan nito kanila ay umalis na ako ng hindi nila napansin. Naglilibot ako kanila gaya ng dati Kong ginagawa ng walang nakakapansin pero kanina ay napansin at Nakita ako ni Ria at ang masaklap ay nagkabanggaan pa kaming dalawa.
Pagkatapos ng 6 na buwan na paghahanap ng taong makakakita at nakakausap ko ay finally nakilala ko na si Ria. At Sana siya na Ang makakatulong sa akin." Musta ang misyon mo" biglang sumulpot si Mother Theresee.
" Nahanap ko na po Siya mother Theresee" pag aamin ko sa kanya.
" Mabuti naman" Sabi ni mother Theresee. At umupo ito sa tabi ko.
" Tutulungan niya kaya ako?" Tanong ko Kay mother " baka matakot lang siya"" Huwag mong husgaan ang Tao" pangaral ni mother Theresee " subukan mo para malaman mo bago ka pa man manghusga" Sabi nito at umalis.
Bagong umaga para Kay Ria ang araw na iyon. Maaga siyang pumasok at habang naglalakad siya sa corridor ay naalala niya ang lalaki kahapon.
"Nasan na kaya siya"Wala sa sariling tanong ni Ria sa kanyang sarili ng biglang sumulpot sa kanyang tabi si Jomel ng hindi man lang niya namamalayan.
" Ako ba ang hinahanap mo" biglang nagsalita ang binata sa walang kamalay Malay na dalaga. Kaya naman nagulat siya ng bigla itong nagsalita.
" Ay maligno" gulat na Sabi ni Ria na nakahawak pa sa dibdib Nito.
" Nagulat ka ba?" Tanong ni Jomel
" Ay hindi... Hmm obvious ba. Bat bigla bigla ka kasing sumusulpot ano yan kabute lang" talak ni Ria at biglang binilisan ang lakad na agad namang sinundan ni Jomel.
" Sorry kung nagulat Kita" agad na Sabi ni Jomel ng naabutan niya ang dalaga. " parang Wala ka kasi sa sarili mo kanina eh" guilting paliwanag ng binata.
" Next time huwag kang manggulat" kalmadong Sabi ni Ria" tsaka bat bigla ka nalang umalis kahapon?" Tanong naman nito ng naalala niya kahapon.
" Ay oo, nauna na ako kasi may ginagawa pa kasi ko eh" Sabi ni Jomel * ang maghanap ng taong tutulong sa akin* Sabi niya sa sarili
BINABASA MO ANG
The Ghostly Mission ( One Shot)
Short StoryIto ay kwento ng isang babae ng may kakaibang kakayahan yun ay ang nakakakita at nakakausap ng mga multo Hanggang sa nakilala niya ang isang Ligaw na multo na may isang misyon yun ang ang makabalik sa katawang lupa nito. Makakabalik pa kaya ito? Tut...