Kabanata 2

9 0 0
                                    

Kabanata 2

Lights Off

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. I checked my side table to get my phone and I almost fell from my bed because of it. Ano ba 'yan, ganito ako ka sabog ngayong araw?

Pag check ko ng phone, eleven am na. Ang daming messages mula sa group chat namin kaya isa isa kong binuksan at binasa 'yon.

Ciara Del Real: Kuya Mave said may kasama si Chanel last night!

Zariah Go: what the fuck? Who?

Zariah: I total support, though! It's about time Chanel ends her no label relationship with Kent.

Adelaide Castanier: true. MU is not a label!

Marami pa 'yong pinag usapan nila at halos lahat tungkol sa akin. Mukhang bagong gising lang rin sila dahil around ten forty am lang nagsimula ang pag iingay nila sa group chat.

Chanel Cua: We didn't flirt.

Zariah: Boo! Weak!

Adelaide: Kahit mini landian?

Ciara: Addie, turuan mo na kasi 'yan.

Adelaide: Bakit ako? Si Zari ang expert riyan!

Zariah: Not anymore kaya.

Ciara: but you made yaya paramihan guys with Addie.

Zariah: Well, I would've make her win para magkaroon siya ng lalaki. Ano ba 'yan, Ciacia. Ang slow!

Tumayo na ako ng kama at maliligo na sana ako nang sunod sunod ang pag tunog ng phone ko. They were all mentioning me on our group chat so I opened it immediately to see what the fuss is all about.

Zariah Go: oh my god! Bruha, malandi ka!

Adelaide: what's meron?

Ciara: ano nanaman nangyari, Zariah?

Zariah: Shucks, 'yung guy na kasama ni Chanel. Si Psalm Ford!

Muntik kong mabitawan ang phone ko dahil sa nabasa. Panigurado ay tinanong niya 'yon kay Cooper dahil kasama nila kagabi. I held the neckline of the hoodie that I was wearing and I almost screamed.

I realized the scent of the hoodie! It was Psalm's. Fuck, nakalimutan ko ba ibigay sa kaniya? I remember him giving it to me during our car ride—napasapo ako sa noo at napapikit ng mariin nang maalala ang iilang mga nangyari kagabi.

Parang may iilang loopholes sa utak ko. Parang kulang kulang ang naaalala ko dahil na rin sa kalasingan.

Binuksan ko uli ang group chat at binuksan ang binigay na link ni Zari.

Pag bukas ko ng link, it was a Forbes website. Sobrang laki ng title ng article at bigla akong kinabahan nang mabasa 'yon.

"Philippines' Top 50 Richest List." I read out loud. "Top four... no fucking way."

Hindi ko pa nabubuksan 'yung hyperlink sa top four at nag message uli si Zari.

Zariah: Open niyo 'yung top four. Then search for Lucresio Ford!! I swear, mind blowing! Sinasabi ko na nga ba at familiar ang name, e.

I swiped the notification up and proceeded to opening the top four. Nakabold letters ang title nitong tungkol sa isang mukhang nasa mid-40s na lalaki. Halata na hindi purong Pilipino dahil sa pisikal na anyo nito.

Nakalagay doon na siya ang chairman ng Ford Group of Companies—their company is specifically all about construction and supplies, real estate, condominiums, engineering and architectural firms.

Sunday, cheat day.Where stories live. Discover now