Δ
August 10, 2008 | 12:30 AM
Third Person's POV
"Mommy, mommy!" Aurora shouted cheerfully.
It's her birthday today. She's now six years old. She couldn't sleep. Gusto niyang pumunta sa room ng Mommy at Daddy niya.
Aurora kept on hopping while making her way to her parents' room, excited for today's activity, despite the darkness inside the house.
Nawala ang sigla niya nang makarating sa may pintuan ng kwarto ng mga magulang, at makita silang naka-bihis, nagmamadali. She stopped hopping and asked cutely, "Are we going somewhere? Bakit kayo lang po naka-bihis?"
Napatalon sa gulat ang mag-asawa. Hindi nila akalaing gising ang anak. Hindi sila makapagsalita.
"Mommy... Daddy... Where are you going?"
Nagkatinginan ang mag-asawa, wala pa ring maisagot. "Bibili po ba kayo ng foods? May ice cream po ba?" Aurora kept asking.
"Anong oras niyo po ipapatugtog yung kanta? I wanna hear it now, Mommy!" sabi ni Aurora sabay hila sa damit ni Ariya, ang kaniyang ina.
"A-Anak... anong kanta ang sinasabi mo?" kunwaring tanong ni Ariya.
"The song! You always make me hear cute songs, right? Twinkle, twinkle!" she sang the nursery rhyme cutely.
Napaiyak si Ariya. Agad namang lumapit sa kaniya si Albert para alalayan siya. Puno ng pagtataka ang mukha ni Aurora, hindi alam kung bakit umiiyak ang ina.
"M-Mommy, did I say something wrong? W-Why are you crying?" naiiyak na ring sagot ng bata.
"Aurora, anak. Can you go back to your room and sleep? Mamaya pa ang birthday party mo. M-Matulog ka muna," Albert's voice cracked. But Aurora just shook her head and held on to her mother.
"No, no, no! I don't want to sleep!"
Lalong napaiyak si Ariya. Malapit na kasing mag-ala una at hindi pa sila nakakaalis. Ayaw niyang maiwan mag-isa habambuhay ang anak kung mawawala na sila agad ngayon.
"Please, anak?" nanginginig na sambit ni Ariya. "Bibilhan ka namin ng ice cream-"
"I said no! I'm not going anywhere, Mommy!" Aurora shouted angrily. Paulit-ulit siyang umiling bago niyakap ng mahigpit ang ina.
Napaiyak na rin si Albert, pilit tinatanggap ang katapusan nila. Sinubukan niyang hilahin ang anak para mailayo kay Ariya ngunit masyadong mahigpit ang yakap ng bata. Wala na silang magawa. Umiyak na lang sila nang umiyak habang hinihintay ang kanta.
"A-Anak, listen to Mommy," nanghihinang sambit ni Ariya. "Kapag nawala kami, don't freak out, okay? Don't shout. Go to your room before the song fades and try to sleep. 'Wag mo kaming hahanapin, okay?"
Nagtataka man ay pinilit ni Aurora na intindihin ang sinabi ng ina. The room was then filled by their cries and Ariya's last words to her beloved daughter.
London Bridge is falling down,
Falling down, falling downMas lumakas ang iyak ni Ariya. Sa huling sandali'y sinubukan pang ilayo ni Albert ang anak sa asawa, ngunit huli na ang lahat. Their hands started to fade. And then their arms.
BINABASA MO ANG
Aurora
Mystery / ThrillerA girl named Aurora was born with a curse. Since then, she started hearing nursery rhymes every 1 AM. As a kid, she thought it was cute, thinking her parents made her hear the music for her to sleep peacefully. Not until... People around her started...