May isang dalaga na nag-paiwan sa kanilang office. Ang pangalan niya ay Andrea.
Nag-overtime sya dahil maraming pinapagawa sa kanya ng kanyang boss.
Alas onse na ng madaling araw sya natapos sa kanyang ginagawa.
Pinatay niya na ang computer at inayos na ang mga papel na nakakalat sa table niya.
Bago sya umuwe dumaan sya sa cr para umihi at mag-ayos na rin.
Habang naglalakad sya papuntang cr, nakasalubong niya ang bagong janitor sa opisina nila.
Janitor : Hi Ma'am, umabot na po ng madaling araw uwi niyo ah.
Andrea : Oo nga po e. Marami kasing pinagawa sa akin e.
Hindi niya pa gaanong kilala ang Janitor nila kaya medyo naiilang pa sya na kausapin ang bagong janitor.
Janitor : Ma'am gusto niyo po ba hatid ko na po kayo? Madaling araw na po at delikado na po.
Nagulat si Andrea sa tanong ng Janitor.
Andrea : Hindi na po. Salamat nalang po.
Pumunta na si Andrea sa Cr.
Habang umiihi ang babae, napayuko sya dahil mabigat ang pakiramdam niya..
napapikit sya.. nang..
biglang may paa syang nakita sa ilalim ng pintuan.
tumaas ang balahio niya at nakaramdam sya ng takot.
Kaya agad syang tumayo at lumabas na sa cr.
lakad takbo na ang ginagawa niya para makalabas sya agad.
nakasalubong niya ulee ang bagong janitor.
Janitor : Ma'am mukang hinihingal kayo ah. may nangyari po ba?
Andrea : uhm wala naman po, sge po mauna na ho ako.
Janitor : Sandali lang po ma'am.
Nagtataka na si Andrea sa janitor dahil mukang alalang alala ito sknya.
Andrea : bakit po?
Janitor : hatid ko na po kayo ma'am.
Hindi na pinansin ni Andrea ang janitor dahil nakaramdam sya ng konting takot sknya.
Kaya binilisan niya na ang lakad niya para makalabas sa opisina.
Nang nakalabas na siya. Pinara niya agad ang Taxi
Manong Driver : Ma'am saan po tayo?
Andrea : Sa F. Manalo lang po kuya.
Mga 30 mins. ang byahe papunta skanila.
Habang nasa byahe, nagtataka si Andrea dahil panay ang tingin sknya ng driver. sa rearview mirror ng taxi.
bigla naman syang kinabahan.
napansin din ni Andrea na kanina pa sila paikot-ikot .. kaya natakot na sya ..
Andrea : Manong? saan po tayo pupunta? kanina pa po kasi tayo umiikot e.
pero hindi sumagot ang driver. kaya mas lalo syang natakot.
sa sobrang takot na nararamdaman niya. bigla nalang syang umiyak.
mas lalo pa syang umiyak ng lumagpas na sila sa bahay nila.
Andrea : manong.. huhu :( lagpas na po tayo sa bahay namin :( huhu.. parang awa nio na manong.. :( ibaba nio na po akoo..
pero hindi pa rin sya pinansin nito.. kaya mas lalong umiyak si andrea..
umikot uli sila nang huminto na ang taxi sa harap ng kanilang bahay.
Manong Driver : pasensya kana iha, kung natakot ka. pero wala akong intensyon na saktan ka. gusto lang kita tulungan.
kaya tayo paikot-ikot dahil bago ka sumakay sa taxi ko.. may nakita akong babae na mahaba ang buhok na abot hanggang sahig at..
nakapasan sya sa likod mo. kaya iha, sunugin mo ang suot mong damit ngayon.. bago ka pumasok sa bahay nyo..
At bumaba na si Andrea sa taxi na tulala. at gulat pa rin sa mga nangyari.. naisip niya na kaya pala ang bigat ng pakiramdam niya daahil sa babaeng yun.. bigla naman syang nahimasmasan.. at pumasok na sa bahay nila at sinunod nya ang sinabi ng driver..
sinunog niya ang damit nya.. na suot niya kanina..
KINABUKASAN
pumasok na sya sa opisina. nakasalubong nia ulit ang bagong janitor.
Janitor : goodmorning ma'am. kamusta po kayo? mukang may sakit po kayo ah.
nginitian lang sya ni Andrea.
Janitor : pasensya na po pala kayo ma'am ha. alam ko po natakot kayo pero hindi po ako masamang tao ma'am. nag-aalala lang po ako sa inyo..
dahil sa maniwala po kayo o sa hindi..
May nakita po akong babae na nakapasan sa inyo na mahaba ang buhok abot hanggang sahig..
Nginitian lang sya ni Andrea..
pero nagulat ang Janitor dahil ang magandang muka ni andrea ay unti-unting nagbabago..
yung mga mata neto ay lumuluha ng dugo.. at naaagnas na ang muka..
at ang buhok neto ay unti-unting humahaba hanggang umabot ito sa sahig..
THE END