"Hello Co, oh ano? Anyare baket napatawag ka?" Sagot ng kaibigan ko sa telepono.
"Eh naman kasi Aiya, may lalaki kasi ako nakasalubong kanina na may kakaibang fetish. Pusa pa talaga yung kinakaaliwan niya sa lahat ng pwedeng kaaliwan!"
"Oh bakit mo nasabing may kakaibang fetish yon? Nagjajack and roll ba siya habang nakatingin sa Mila mo?"
"Hindi! Ganito kasi yun siz, bale hinahanap ko si Mila kanina eh di ko mahanap hanap sa bahay kaya lumabas na lang din ako. Tapos nakita ko nalang siya na palapit sa direksyon ng pusa ko kaya nilapitan ko na rin si Mila. May ka putukan pala si Mila."
"Hindi naman ata kasalanan nung lalaking yon iyong ginagawa nila Mila at nung Noah ba yon na sinasabi mo?"
"Ah oo tama si Noah pala yung pusa na yon. Yung nakakainis kasi nung pinigilan ko si Mila at Noah eh sabi niya hayaan lang daw silang matapos—"
"Haahaha! Teka lang bakit mo pinigilan ? Ayaw mo ba magka apo? Mas madaming kamukha ni Mila yung bubungad sa'yo araw-araw!!"
"Manahimik ka nga! Di pa ako tapos! Oh so nagpatuloy sila. Habang nakaupo kami sa upuan across the street, todo tutok siya sa pusa niya! Baket ganon!!!!!"
"Malay mo ay proud lang siya na yung tinuturo niya sa pusa niyang mga moves ay nagamit ng pusa niya ng maayos hahahaha!!!"
"Lakas din ng tama mo no? Bukas na natin pag-usapan ng tuluyan! Maliligo muna ako at papakainin ko muna ang aking dear pusa."
"Oh sige paalam kaibigan hahahaha!"
"Bastos ka!" Huli kong nasabi bago ko ibinababa yung call.
Medyo matagal na ring hindi ko natawagan si Aiya dahil hindi ako gaanong nagbubukas ng messenger. Panay tambay lang ako sa mga kung ano-anong videos na makikita ko sa Facebook.
Medyo nanibago rin ako sa bosses ni Aiya, hindi ko kasi siya masyadong kinakausap habang may pasok pa kasi habang papalapit ang moving up di na na ako namamansin ng tao masyado. Madali lang kasi ako mawalan ng gana at madali akong magtampo sa isang tao. Kahit wala naman silang maling nagawa.
Swerte nga ako kay Aiya dahil kinakausap pa rin niya ako kahit halata ako masyado na galit ako or nagtatampo ako sa kaniya.
Bumangon na ako mula sa pagkahiga sa kama at dumapa upang makuha iyong pagkain ni Mila na nakatago sa ilalim ng kama ko.
Kung nagtatanong kayo kung bakit ko tinatago, eh hindi dahil sa ninanakaw ito ng ibang pusa kundi dahil ayaw ng magulang ko na may pusa dito or mayroon akong pusang inaalagaan.
Kumbaga lihim at ipinagbabawal ang relasyon namin ni Mila. I don't mind as long no one hurts Mila.
Naglakad na ako patungo sa labas kung saan kami nagkikita at naglalambing ni Mila and as expected, nakahiga siya sa damuhan at naghihintay sakin.
"Buti nga at naisipan mo pang umuwi gaga ka." Galit kong sabi sa pusa ko.
Mga malalakas na meow lang yung sagot niya at pilit pang kinukuha mula sa aking kamay yung pagkain niya.
Pagkatapos ko siyang pakainin ay ako naman ang kumain.
Pagkatapos kumain, naligo at bumalik ulit sa kwarto ko.
Doon ko naalala yung lalaki kanina. Yung weirdong may kakaibang fetish.
Nandiri ako habang inaalala yung mukha niyang yon! Yong seryoso siyang nakatingin sa pusa niya! Kulang na lang ay sabayan niya yung mga pusa na yon!
♡︎♡︎♡︎
"Abay anong oras na Coco! Gumising ka na!" Sermon ni Mamc habang marahas na binuksan ang pinto.
Lumingon ako sa direksyon ng pintuan at sinabihan si Mamc na "Kaninang alas nwebe pa po ako gising ma. Alam mo naman na naka auto-pilot katawan ko at nagigising nang alas nwebe kada araw. Medyo nakakatamad nang ganito."
"Edi ikaw mag adjust anak. Matulog ka nang maaga at hayaan mong mapayapa ang tulog ng katawan mo! Kumbaga Rest In Peace ganern!" Awat ni Mamc.
"Mamc! Mukhang patay naman ho ako niyan!"
"Eh ganoon ang buhay! Kailangan talaga natin mag Rest In Peace. Kung gusto mo ng Peace edi dapat gumising ka na at pumunta ka sa baba. Kain ka muna kasi may utos ako. Kung di ka susunod sa utos abay Rest In Unpeace tayong lahat! Alam mo ba Co—" Hindi ko na pinatapos magsalita si mama subalit ang aga pa puro ratatat na ang bumungad sa akin.
"Abay opo ma! Tama na po yung ratatat ha? Hinay hinay lang kasi sabaw pa po ako ngayon! Maya na ratatat ! Lagyan ko po muna ng karne yung sabaw