Chapter 1

11 6 0
                                    

Elena

"Prepare 1/4 may test tayo mamaya. Para malaman ko kung nakikinig ba kayo sa leksyon ko kanina." Kainis nasa patibong naman ako sa laon kong titser.

Lakas kasi maka mondragon 'tong titser ko, napalingon ako sa likod at pinagtatawanan ako ng mga ugong kong kaibigan dahil wala 'kong sources.

Oo, nangongopya ako. Hindi naman kasi ako gano'n ka talino sa kahit anong subject, maliban na lang sa P.E. Kayo hindi pa kayo nangongopya?

Sinamaan ko sila ng tingin binalik ko na lang sa notes ang pansin ko. Magre-review na lang nga 'ko.

Lord, tulungan niyo po 'yong maikli kong pagiisip.

Oras na para mag-test. Kaya ko to, hindi naman siguro mahirap 'yong pagsusulit. Isa-isa nang binigay ang test paper at pasapasa 'to sa likod. Napatingin ako sa test paper kinilos ko na lang ang lapis sa pagsusulat ng sagot, bahala na si Lord tutal nag review naman ako.

Ilang minuto din akong nagsusulat at sa wakas tapos na rin ako. Pinasa ko na sa mesa ng titser ko ang test paper ko at inayos na ang gamit ko, pwede na raw umalis pagnakatapos na. Nasa second floor 'yong homeroom namin dito rin ang Aral Pan sa homeroom namin s'ya kasi 'yong titser namin ang adviser namin.

Matapos 'kong lumabas naglabasan naman ang mga kaibigan ko.

"Yiee, proud ako sa 'yo ngayon ha. Hindi ka nangopya, tumalino ka siguro no?" Birong tawa ni Akira.

"Hala! OMG! Tumalino kana? Saan mo naman nakuha 'yun?" Dagdag pa ng bading kong kaibigan na si Yuri.

"Kainis eh! Nasa likod kasi kayong lahat eh, wala akong magawa kundi mag-review." Napa pout na lang sa kanila. Wala rin naman akong magawa.

"Hindi ba kayo nagugutom?" Reklamong tanong ni Yuuko. Napa cross arm 'to habang naka pout. Ang cute n'ya talaga.

"Hay nako. Mamaya na tayo mag-celebrate sa Araw ni Elena na hindi nangopya nagugutom na rin ako." Hinila naman kami ni Laine papunta sa palagi naming tambayan at kainan tuwing lunchtime.

Naglakad na kami pababa ng makita ko si Calyx. Isang matalinong studyante sa Section 1, mabilis ang tibok ng puso ko at nagsoslow motion ang paligid nang maglakad ito papunta samin.

Ngumingiti pa s'ya habang kausap ang mga kaibigan n'ya. Kaibigan ko rin si Jerico na best friend ni Calyx kaya marami akong tanong sa kanya tungkol kay Calyx. Kung ano ang paborito nitong pagkain, kulay, hobby at kung ano pa man.

"Elena!"

"Huy! Bobo?!" Sigaw ni Akira sa tenga ko kaya napahawak 'ko nito.

"Aray ha! Hindi ako bobo at usa pa kailangan mo ba ako sigawan?!" Inis kong tanong sa kanya ang sinamaan ang tingin nito.

"Kanina kapa kasi dyan tumatayo! Sino pa tinitingin mo dyan?" Hinanap naman n'ya si Calyx pero nakaalis napala 'to sa harapan namin.

Hinila ko naman s'ya papunta sa mga kaibigan ko. Nang makarating kami dito agad naman akong nag order ng pagkain na palagi kong order dito.

"Nga pala sino 'yong tinitingnan kanina?" Usisa niyang tanong habang sumusubo ng pagkain sa bibig n'ya.

"Wala." Simple kong sagot.

"Hmm. Nagangamoy 'yong kilikili mo eh." Napatawa naman silang lahat sa sinabi ni Reyv at nabulunan ito.

"'Yan na karma." Mataray kong saad sa harapan n'ya.

"Oo, nga Elena kaya ka namin naiwan eh, sino ba kasi 'yon?" Tanong ni Laine habang nagpapuppy eyes hinihintay ang sagot ko.

Napabuntong-hininga ako. Napagkakatiwalan naman sila eh, kaso lalaitin ako nito 'pag nalaman nila. Wala naman akong magawa ganyan kami maglambingan eh.

"May crush kasi ako, pero hindi n'ya alam kasi hindi pa ako nag confess sa kanya t'saka..."

"Wah! Dalaga kana manang! Haba ng hair mo ha!" Biglang putol ni Yuri sa susunod ko sanang sabihin. At isa pa kinikilig 'to sabay palo sa braso ko.

"Ohmygad? Double celebration na ba to?" Masayang tanong ni Reyv sa kanila.

"Eh, sino bang pangalan ng crush mo?" Tanong ni Yuuko.

Eto ang ayaw ko sa lahat eh, 'yong tatanungin ka tas 'pag nalaman nako panunukso ang abot ko nito, lalo na sa nga bading kong kaibigan na si Reyv at Yuri. Si Akira, Laine at Yuuko naman tudo supporta naman para sa 'kin.

Kahit ganito sila, mahal-mahal ko ang mga ugong na 'to. May tiwala naman ako sa kanila at sabi nga ng iba 'You only Live Once, so live your life to the fullest'.

Bumuntong-hininga muna ako bago ko binuka ang bibig ko at bitawan ang pangalan ng taong lihim kong minahal mula no'ng Grade 8 ako.

"Si Calyx Drego."


Elena Mae Aeros as Chae Soo Bin

Hanggang tingin na lang ba?Where stories live. Discover now