2

37 4 0
                                    

Xarel Mae's POV

Malayo ang room ng Section E. Ang sabi ni Anne ay yung room na yun ang kaisa isang room na sound proof at may second floor na tambayan daw nila.

Nakasarado ang pinto at halata mong may guro. Kumatok si Anne. Kinakabahan ako.

Bumukas ang pinto at sumalubong sa amin ang isang guro na lalaki na nasa late twenties. Gwafu ang lolo niyo.

"Ms. Suares right?" Kyaaaahhh kilala niya ako. Siya naba si Mr. Forever. Xarel wag malandi ok. Pigilan ang damdamin. Tumango na lang ako. Ngumiti siya sa akin. Waaaahhhh nag blu blush ang lola niyo. Yumuko na lang ako para itago yung mukha ko.

"Who are you b*tch? Didn't you know that you are f*cking interrupting the class? Maria who do you think you are to go here?" Singit ng isang lalaki na sumingit sa pinto. Gwapo siya pero may band aid ang kanang kilay niya. Pero kahit gwapo siya wala siyang karpatan na murahin ako at insultuhin si Anne.

"Jax go back to your seat and watch your language." Sinunod naman nung Jax daw yung sinabi ni Mr. Forever.

"Sorry Ms. Suares and Ms. Lopes." Oag hingi ng paumanhin ni Mr. Forever sa amin. Jusko ok lang basta ikaw.

"It's okay Mr. Buenavista. I need to go." Paalam ni Anne at umalis na.

"Let's go Ms. Suares." Soon to be Mrs. Buenavista. Inalalayan niya ako papasok. Kilig ako dun.

Pag pasok namin ay puro lalaking may band aid o pasa ang mukha ang bumungad sa amin.

"Section C. She will be your new classmate. Please take care of her. Ms. Suares please introduce yourself." Yumuko lang ako dahil naiilang ako sa mga tingin nila.

"Xarel Mae Suares. You can call me Xarel."

"Any questions?" Tanong ni Mr. Buenavista sa kanila.

May tumayo na lalaki. May malaking ngiti sa mukha niya. Pero kagaya ng iba ay may pasa siya sa labi at may black eye.

"What is it Vien?"

"Are you single?" Nag tawanan ang lahat. Pero ako ay nanatiling naka yuko kahit gusto gusto ko siya karatehin.

"Ye-yes" Ba't ako na uutal. Waaaahhh nahihiya ako.

"Are you virgin?" Iba ang nag tanong at hindi si Vien. Pero agad ako nainis dahil sa tanong niya. Hindi lang karate ang gusto kong gawin sa kanya gusto ko siya patayin.

"Axel hindi yan ang tinutukoy kong tanong?" Sabi ni Mr. Buenvista

"But it's a question and you said that 'any question'." May point siya pero kahit na. Dapat di niya yun tinanong sa akin.

"Sorry Ms. Suares. You can take your seat there." Sabay turo sa gitna.

Umupo na ako dun. May katabi ako sa may kanan pero wala sa kaliwa. Isang is batang lalaki ang katabi ko. Kung titignan mo siya para lang siya thirteen or fourteen.

Nag simula na mag turo si Mr. Buenavista. Kaya nakinig na lamang ako.

"Goodbye class. Don't make any trouble." Ay wala di siya nag i love you but okay lang love ko parin siya.

May narinig akong tumatawa sa likuran ko pero di ko pinansin yun at inayos ang gamit ko para makapunta sa cafeteria at ipapasyal pa pala ako ni Anne pag katapos kong kumain.

May lumapit sa aking lalaki kaya tinignan ko siya. Namumula ang mukha niya at parang pinipigilan tumawa.

"Pwede bang pabili kami ng pag kain?" Napa arko ang kilay ko.

"Paano kapag sinabi kong hindi?" Gwafu siya pero bes loyal ako kay Mr. Buenavista.

"Paano kung hindi? Paparusahan ka lang namin. Gusto mo ba? Pili ka lang one, two or three?" May pa one two three pa sya nalalaman.

"Ay ewan ko sainyo." Tumayo na ako at umalis. Iniwan ko sila.

Pero habang nag lalakad ako ay nag sisitawan o nag sisibulungan ang mga taong dadaraanan ko. Nakita ko si Anne sa di kalayuan. Kaya tinaas ko ang kamay ko at kumaway.

"Anne!" Tumingin naman siya pero nanlaki ang mata niya. Agad siya lumapit sa akin.

"Tara sa cr." Agad niya akong hinila.

Pimasok kami sa cr. Walang tao. Tumingin ako sa salamin.

"Aaaaahhhhhhh!!!!!!!" Sino yang bruha na yan? Andaming skatch tape at mga bilang papel na nakadikit sa buhok ko at magulo din ang buhok.

"Ayusin mo muna ang sarili mo." Sabi sa akin ni Anne at tinulungan ako tanggalin ang mga naka dikit sa buhok ko. Pero isa lang ang alam kong may gawa nito. At yun ang Section C.

Jaxwell's POV

Nandito kami ngayon lahat sa tambayan. Lahat sila ay nag sisitawanan dahil sa ginawa nila dun sa transferee.

"Jam tayo oh! Ano gusto niyong kanta?" Napailing na lang ako sa sinabi ni Lixen. Araw araw nila ginagawa yan. Lagi silang kumakanta. Pero okay din naman samin yun ni Javine dahil magaganda ang boses nila.

"Grow old with you. Westlife" Sumang agon naman sila sa request ni Jarel ang pinaka bata sa grupo. Nag simula ng mag gitara si Lixen. Sa piano naman si Vien. Drum naman si Axel. Yung iba ay kakanta lang.

Another day without your smile
Another day just passes by
But i know how much it means
For you to stay right here with me
The day we spent apart will make our love stronger
But it hurts so bad i can't take it any longer
I want to grow with you
I want to die lying in your arms
I want to grow with you
I want to be looking in your eyes
I want to be there with you, sharing everything you do
I want to grow old with you.

Minsan ayoko silang kumakanta ng mga ganyang kanta eh. Naalala ko na naman siya. Naalala ko na naman yung babaeng nag bibigay saya at kulay sa dati kong buhay. Yung babaeng nag paramdam sa akin na hindi aka nag iisa. Yung babaeng mamahalin ka kung sino ka man. Pero ng dahil sa kanya nawala ang babaeng pinaka inaalagaan ko. Nawala ang kapatid ko. Nawala si

Ate Mikaella.......

-----------------------------------------------------------
Grow old with you by West life




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Queen Of KingsWhere stories live. Discover now