ikalawang kabanata

4 0 0
                                    

Dahil sa pasikot sikot na eskinita ang dadaanan ko at kailangan ko pang sumuot sa mga masisikip na Daanan dulot Ng mga nagdidikit dikit na mga tirahan sa squater ay medyo natagalan ako Sa pagdating sa bahay,

Nasa pinaka dulo ang bahay namin, butas butas narin ang mga dingding dahilan na maaari Kang masilip sa loob ng mga taong dadaan at basag narin ang mga nakakabit na jealousy sa bintana dahil sa kalumaan. Ngunit malinis naman ang aming tahanan kahit na ganoon.

Pumasok ako sa bahay at agad na nakita si mama sa sala nakikipag usap sa lalaki, ngunit di ko makita ang mukha ng lalaki nakatalikod Kasi ito, halatang mayaman ang lalaking ito base sakanyang pananamit,
Maganda din ang pangangatawan niya makisig at matipuno Ito Kung titingnan patalikod

"Oh Ciara anak, anjan kana pala kanina pa naghihintay ang binatang Ito"

"Ahh oo ma, pasensiya na Kung natagalan ako"

Natigil ang pag susuri ko sa lalaking iyon ng napansin na pala ako ni mama agad namang lumingon ang lalaki at tumayo
Hindi mapagkakaila totoo nga na matipuno siya at kung sa mukha ay parang Santo ang aking nakikita , halos perpekto ang kaniyang pisikal na anyo nagdagdag pa ang kaniyang matang Kulay asul na Parang misteryong dagat na maraming nakatago, na nanaisin mong sumisid para malaman mo Kung ano ang mga naroon.

"Drexel Zapora" walang expresyon ang pagkakasabi niya ng pangalan nya habang inabot ang kamay niya sa akin para makipag kamay

"Ciara Sovilla"
Nakipag kamay ako sakaniya at agad rin binawi.

"Maaari ko bang malaman Kung ano ang pakay mo rito Mr. Zapora?"

"Pack your things we're going to leave in 30 minutes" may awtoridad ang pagkakasabi nito
Nanggugulumihan ako sa sinabi nito naiintindihan ko naman ang sinabi nito. nakakaintindi naman ako ng Ingles kahit grade 6 Lang ang natapos ko, ang Hindi ko maintindihan bakit ako aalis at sasama sakanya ni Hindi ko nga alam Kung bakit.

"Anak nakapag usap na kami ni Mr. Zapora Magtatrabaho kalang naman sakanya no need to worry"

"Magtatrabaho? Ngunit may trabaho ako rito ma"

"Anak ako na bahala sa boss at manager mo just go with him, and you'll be fine"
Naguguluhan man ay nag imapake na ko maliit Lang naman ang nga damit ko Kaya mabilis Lang ako nakapag impake, di na ko nakakapag desisyon sa sarili ko kapag si mama na ang nag dedesisyon

"Anak! Aalis na daw Kayo nariyan na Sa labas ang susundo sa inyo"

Lumabas naman ako agad sa maliit na kwarto ko dala ang maliit na bag na nilagyan ko Ng mga gamit ko,

Inalalayan naman ako Ni Mr. Zapora papasok ng limousine,

"Starting today you're gonna be my slave"

Naguguluhan man ay tumango nalang ako

Nalula ako Ng dumating kami sa mansion niya napaka ganda nang pag ka gawa at pagkaukit ng mga desinyo para akong nasa palasyo

Pumasok kami sa gate awtomatikong bumukas iyon
Napakaganda talaga nito

Nakakalula ang taas ng mansiyong Ito. Halatang mamahalin ang bawat antigong muwebles na makikita sa loob

Natigil ako Ng mag salita ang binatang nasa harap ko
Sinalubong siya Ng Isa Sa mga kasambahay

"Lead her to her room"

Tumango naman agad ang kasambahay na may kaedaran na

"Ciara Po ang magiging personal
Slave ni Mr. Zapora"
Saka inilahad ko ang kanang kamay ko malugod naman siyang nakipag kamay

"Ako naman si felia iha ang pinaka matagal na naninilbihan sa mansiyong ito, Hindi pa ipinanganak si sir andito na ko, saka Alam ko na iyan narinig ko sa mommy Ni Sir Drexel kanina na kukuha daw siya Ng personal slave, Ito nga pala ang kwarto mo"

Pumasok ako sa di kalakihang silid, double deck ang kama ibig sabihin may kasama ako sa kwartong ito may sariling palikuran ang kwartong ito sakto lng sa dalawang kasambahay

"Ahm aling felia Sino pa ang kasama ko dito?"

"Wala kang kasama riyan iha, nag resign na Kasi ang dating personal slave ni Sir Drexel"

Tiningnan ko Lang siya nag aabang na dudugtongan niya ang sasabihin ngunit nabigo ako
Gusto ko sanang itanong Kung bakit nag resign pero pinili ko nalang manahimik

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PromiscuousWhere stories live. Discover now