Introduction
Her..
"Ayoko ngang pumasok eh! bakit mo ba ako pinipilit ha! " sabi ko dun sa yaya namin
"Ma'am kailangan nyo po talaga pumasok, papagalitan po kayo ng mom nyo"
"Eh sa ayokong pumasok eh, bakit ba!?"
"Fiona! gumising ka na nga! malelate ka na!" sabi ng bwisit na boses ni mommy
As usual, tatayo, maghihilamos, maliligo, magbibihis, kakain, papasok,uuwi, matutulog, I'm so bored with my life
"Nanood ka nanaman ng late night show noh?" sabi ng kontrabida kong nanay
"Bakit mo nalaman?"
"Eh halos araw-araw mo naman yun pinapanood eh"
Hayy, I'm living with a stupid family, yung lahat na lang kontra sa mga gusto mo
"Nandiyan na si kuya, umalis ka na"
"Opo, andyan na po"
Sumakay na ako sa kotse, papunta sa academy na pinapasukan ko, ang Queensland High, at pagbaba ko ng kotse ay may nakita ako na may umpukan sa may main building
"Ano nanaman kaya tong kalokohan na to?"
At para makatiyak, ay lumapit ako dun sa may umpukan, at nung nakakita na ako ng tamang posisyon ay nakakita ako ng lalaking sa tingin ko ay transferee.
At laking gulat ko pa ng may biglang humugot sa akin mula sa kinatatayuan ko.
"Bitawan mo nga ako!" sigaw ko dun sa lalaking kumuha sa akin
"Pasenya na miss, mukhang nahulog na yata ako sayo" sabi sa akin nung lalaki
"Whatever, bitawan mo nga ako! "sabi ko dahilan para pagtinginan pa kami ng mga tao.
"Sabihin mo muna pangalan mo"
"Bakit naman?"
"Sasabihin mo o hahalikan kita!" bigla akong kinabahan, rapist yata tong transferee na to. Tapos nakakarinig ako ng mga bulungan
"Kung ako dyan sa babaeng yan magpapahalik na lang ako kay prince charming"