Sampaguita

2 1 0
                                    

December 1 , 2011

"Mama , Papa! mag lalaro lang po ako sa labas" tumakbo ako palabas nang bahay dala dala si anna, ang paborito kong manika. suot ang aking bagong bistida na binili ni mama sa Mall kahapon kasama ang ina ni Tere na si Tiya Narcy.

"teka lang aries! anak naligo ka na ba?" narinig kong sigaw ni papa kaya mas lalo ko pang binilisan ang pag takbo. sinuot ko na kasi ang damit mula kahapon pero ayaw ko pang palitan dahil bago pa naman siya tignan.

bahala na mahal naman ako ni mama at papa kahit mabaho ako, diba anna? Hehehehe

napa bungisngis nalang ako sabay yakap nang mahigpit kay anna.

natatanaw ko na ang maluwag na basketball court ngunit ni anino ni Tere ay hindi ko makita.

asan na kaya yun?

tumakbo ako malapit sa stage at aakyat sana dahil doon ang lagi naming tagpuan ni Tere nang may nakita akong bulaklak sa pinaka ilalim nang hagdan

anong klaseng bulaklak ito?

pinulot ko ang bulaklak na iyon.

ngunit sa di malamang dahilan ay para akong naligo sa isang malamig na hangin paghawak ko palang sa tangkay nito.

parang gusto kong umiyak.....

hindi ako makahinga..

wala akong ibang naririrnig kundi ang tinig nang isang lalaking inaawit ang di ko malamang kanta...























"Aries!hoy Aries!, bakit ka umiiyak?! inaway ka ba ni Biboy?!" suot ang kanyang pulang damit na may naka imprintang barbie sa gitna at puting shorts habang nakalugay ang napaka kulot nitong buhok

"hoy Aries magsalita ka!"

nagising ako sa aking diwa nang marinig ko ang mga bisikletang papalapit sa amin ni Tere.

"oooooooooh~ Tere! andito kana naman"

umismid si Tere sa sinabi ni Biboy na sinundan naman nang tawa nang mga kasamahan nito sakay ang kanilang tig-iisang bisikleta.

tatawa na sana si Biboy pero di natuloy nang tumama ang maliit na kamao ni Tere sa kayumangging mukha ni Biboy dahil sa kabibilad sa araw.

"HOY BIBOY INANO MO SI ARIES HA!? BAKIT UMIIYAK TO!? "

"t-tek-"

halos di na makatayo si Biboy sa ginawa ni Tere.

"ANONG GINAWA MO KAY ARIES!"
namumulang sigaw ni Tere. dahil sa isang taong tanda nito sa akin. ito na ang nagtayong ate sa tuwing nasasaktan ako. kaya naman di nako nabigla sa tindi nanggalit nito. lalo na at sikat si mang karding, ang ama ni tere bilang "boksengero nang San Istave"

"A-nong pinag-"

at huli nako nang suntukin uli nito ang payat na si Biboy

"WAG MO KONG PINAG LOLO-"

"Tere! tumigil kana!"
agad na humarang si Rey ang ka-tandem ni Biboy palagi. maliit si Rey kung ikukumpara kay Tere ay hanggang baba lang ito. kaya bakas sa mukha ang pag aalinlangan na pag pigil sa nag aapoy na babae

"hindi si Biboy ang nagpaiyak kay Aries!" Pagtatanggol nito sa kaibigan. tinulongan nang iba nilang kasamahan si biboy.

"Abat nag-!"

napa atras ang mga ito nang aakmang susugurin rin ulit ni Tere ang mga ito ngunit hinawakan ko ang dulo nang kanyang damit upang pigilan siya

"Tere nag pa-praktis lang ako" bulong ko sa kanya. lumaki ang biloggang mata nito sa gulat

My StoriesWhere stories live. Discover now