Falling Inlove With My Angel(Oneshot)

46 7 0
                                    

"Nasabi ko na ang misyon nyong lahat, maari na kayong maglakbay" God said matapos sabihin lahat ng mga misyon naming lalaking anghel dito sa langit.

Nagsimula na kaming bumalik sa mga kwarto namin at nagsipaghanda para umalis.

Yes i'm dead, i died when i was 17 years old dahil sa sobrang pagpupuyat, bumagsak ang imune system ko because of being addicted in games.

kaya sa amin binigay ang mission na 'to para magabayan ang mga tao na  nasa sitwasyon namin dati.

"Jairus, aalis na tayo" Redz said, gaya ko rin namatay din sya dahil sa pagpupuyat at unhealty routine.

Agad naman akong sumunod sa kanya para makaalis na at simulan ang misyon na iniaatas para sakin.

para mailigtas ko ang kapatid ko.

————

Darielle Louise Avena

Basa ko sa pangalang nakasulat sa palad ko habang nakatingin sa malaking bahay sa harapan ko.

Mukhang mayaman, ano kaya ang problema neto?

I used my powers to enter the their house.

Inilibot ko ang paningin ko sa living room, white and blue ang design ng wall nila. May set of sofa na kulay asul. Naroroon rin ang Family picture nila. Lumapit ako sa mga frame at isa isang tinitigan iyon.

I saw a picture of a gorgeous girl wearing a long pink gown.

why is she famillar to me? I think i met her when i'm still alive.

Umakyat ako sa hagdan nila para hanapin ang kwarto ng taong magiging mission ko.

May apat na kwartong naroon kaya una kong sinilip ang malapit sakin na mukhang guestroom dahil walang tao roon.

"MAGHIWALAY NA LANG TAYO DAN! ILANG BESES MO NA BA AKONG NILOKO? MYGOD! THIS IS THE 3RD TIME! CHEATING IS A CHOICE DAN!" Narinig ko ang pagsisigawan ng babae na mukhang magulang ng misyon ko.
Hindi ko na lang sila pinansin ang tiningnan pa ang pangalawang kwarto.

cheating is a choice? No, Cheating is a sin kasi bakit mo pipiliin kung alam mong mali?

Pumasok ako sa huling kwarto at doon ko sya nakita.

She's crying, nakatayo sya sa balcony ng kwarto nya habang umiinom ng wine.

It's already 1:00 am but she's still awake.

She's in pain.

i was shocked noong nakita kong mukhang tatalon sya don. God! no way she is my mission! i need to save her!

"DARIELLE!"

Dahan dahan syang humarap sa akin ng may gulat sa mata. "FUCK! WHO ARE YOU!? MAGNANAKAW KA BA!? UMALIS KA NA KASI WALA KANG MAKUKUHA SAKIN!" sigaw nya sakin habang lumalapit sa akin.

"Naririnig mo sila?" pagtuturo nya sa sigawan ng parents nya. "Nakawan mo then kill them" kalmado nyang sabi at umupo sa harap ng computer nya.

kill them!? fuck that's her fucking parents!

Now i unterstand kug bakit dinala ako rito para iligtas sya. Mukhang buong paglaki nya ay napabayaan sya ng parents nya.

"h-hindi ka man lang ba magugulat sa itsura ko?" tanong ko sa kanya, Sa lahat ng mission na napapunta sa akin sya lang ang walang karereaksyon.

Kadalasan ay natatakot ang mga nagiging misyon ko at may nagpapapicture pa pero nagdidisappear din ako roon kapag natapos na ang misyon ko.

Tumayo sya at tinitingan ako mula paa hanggang ulo. Hinawakan nya ang pakpak ko at mahinang pinitik ito "Hmm infairness parang totoo."

Falling Inlove With My AngelWhere stories live. Discover now