Chapter One

12 3 0
                                    

"Ang bagal mo naman!"

"Tan ano na?!"

"Ang bagal mo talaga nakakainis ka!"

"Teka lang kasi, Joanna!"

"Bahala ka nga diyaan! Para kang hindi lalaki!"

"Lalaki ako!"

"Oh talaga? Bakit ang kupad mo?"

"Sabing lalaki ako e!"

"Nye nye nye!"

"Ano ba Joanna!"

Napabangon ako sa mga katok sa pinto ng kwarto ko. "Tan, anak?" Binuksan ko na agad ang pinto nang malaman na si mama pala ang kumakatok. "Magtatanghalian na. Mag-ayos ka na ng sarili mo at hihintayin ka namin ng kapatid mo para kumain." Mahinahon na bilin niya bago bumaba.

That's the rule. Bawal kumain kapag hindi kami kumpleto sa hapag maliban na lamang kung may excuse ka. Bumaba na ako para maghilamos sa banyo. "Dalian mo na kuya!" Rinig kong sigaw ni Yna sa may sala.

Nilingon ko siya at binagalan ang paglalakad ko, nang-aasar. Sinamaan niya naman ako ng tingin pero hindi ako nagpatinag. "Kuya naman e! Bilis na at nagugutom na ko!" Reklamo niya kaya tinawanan ko siya.

"Oo na." Nagmadali na ako maghilamos para naman makakain na ang kapatid ko na patay gutom pag dating sa pagkain. Pinunasan ko lang ang mukha ko ng tuwalya para matuyo at lumabas na ng banyo.

Pagkarating ko sa hapag ay naroon na si mama at si Yna. Umupo na ako sa pwesto ko lagi. "... Amen," pagkatapos magdasal ay nagsimula na kami kumain. Tinola ang ulam namin, ito din kasi ang paborito ni papa noong buhay pa siya.

He died 2 years ago because of lung cancer. He used to smoke when he's stress, after eating, inside the bathroom, and when he's frustrated. Nasobrahan na ang paninigarilyo niya. He smoked since he was in 3rd year of highschool.

I don't smoke because I'm afraid I might die after being addictive with cigarettes. Ayaw ko iwanan sina mama dahil lang mamatay ako sa cancer sa baga. Ako na lang ang lalaki sa pamilya namin kaya ginagawa ko ang lahat para lamang maprotektahan silang dalawa.

Ang hirap hindi maalala ng nakaraan lalo na at ngayon ang anibersaryo ng pagkamatay ni papa. "Magtitirik ako ng kandila sa labas ng bahay para sa papa niyo." Bilin ni mama. "Hindi na muna natin siya madadalaw dahil busy pa kayo sa mga schoolworks. Tsaka na lang ulit tayo dadalaw kapag free na tayong tatlo, okay?"

Tumango naman kami ni Yna bilang sagot. Oo nga, busy kaming tatlo. Si mama may sideline para matustusan ang pangangailangan namin dito sa bahay at para sa pag-aaral. Mabuti na nga lang din at kumikita siya ng malaki sa pagbebenta ng mga beauty products na nireresell niya.

Si Yna at ako naman ay busy sa acads dahil malapit na ang quarterly exam namin. Pareho kami ng school kaso grade 12 na ako at si Yna naman ay grade 9 pa lamang. Third quarterly exam na namin 'to kaya medyo malapit-lapit na sa katotohanan ang paghihirap na mararanasan ko...college life.

Hindi ko alam kung bakit ang daming estudyante ang nasasabik na tumungtong sa kolehiyo at magpakasaya samantalang ako rito ay kinakabahan at hindi alam ang gagawin kapag college na ako. Alam ko namam ang gusto kong kunin na kurso at trabaho pero nasa punto talaga ako na baka mag-fail ako as a student.

Nakakatakot mag-fail lalo na kung college student ka na. Dahil malapit ka na sa realidad kung saan kailangan mo na tumayo mismo sa sarili mong mga paa.

"Sino na ang maghuhugas?" Tanong ni mama matapos naming kumain. "Sino ang nakatoka ngayon?" Ulit niya.

"Si kuya na ma!" Sigaw ni Yna habang nagmamadaling pumasok sa kwarto niya. Hay ang batang iyon talaga! Kagabi ako na ang nakatoka tapos ngayon ako pa din? Ano pa nga ba? Alangan si mama pa ang maghugas nito e siya na nga ang nagluto ng pagkain. Bahala na nga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Without YouWhere stories live. Discover now