PAGE 10

122 3 0
                                    

July 31, 2007
(Tuesday)

Dear Diary,

Matagal tagal na din ng huli kitang masulatan diary. Kasi naman ngayon lang ulit maynangyari na maganda. Katatapos palang din ng exam namin kaya hindi na po ako busy ngayon. Hehe nag-aaral po kasi ako (kunti)

Kanina kasi diary ay gumawa kami ng love letter ni Ethel. Ako gumawa ako para kay Nyder at si Ethel naman ay gumawa para kay Ian, kaklase ni Nyder.

First time ko pong gumawa ng ganun kaya sobrang kinakabahan po akong magsulat lalo na't hindi ko po alam ang isusulat ko.

Gusto mo malaman diary kung ano ying sinulat ko kay Nyder? Hehe huwag nalang nahihiya ako lalo na't ingles yung sinulat ko. Hindi kasi ako marunong.

Sabi kasi ni Ethel na bagay mas kay Nuder yung Ingles na sulat kaya pinagpawisan talaga ako sa pag-iisip ng sasabihin ko. Hehe, kinakabahan pa nga ako hanggang ngayon at iniisip ko kung nabasa na ba niya ang sulat ko?

Iniwan kasi namin yun sa harap ng room nina Nyder na siyang katulad ng ginagawa ng iba. May pangalan din naman yung sobre namin kung para kanino yun. Hehe

Inabangan pa nga po namin ni Ethel para tignan kung nakuha nila. Yung isa pong kaklase nila ang nakakita ng mga letter na yun at ibinigay po kina Nyder at Ian kaya umalis na kami ni Ethel doon habang nakangiti.

May isang araw din po na nahawakan ko yung bag ni Nyder habang siksikan nung time na yun kaya sobrang saya ko po talaga.

Sana po ako nalang yung bag niya para parati po akong nakasampa sa likod niya hehehe ang landi ko po diary.

Yun lang diary, sa susunod ulit ^_^

Future ni Nyder,
S. H

________________________
<𝙽𝚈𝙳𝙴𝚁 𝙿𝙾𝚅>

Napatigil ako sa pagbabasa ng makarinig ako ng sunod-sunod na katok kaya agad kong itinago yung diary.

"Come in" saad ko at kasabay nito ang pagbukas ng pinto ng opisina ko. "Attorney, hindi pa po ba kayo uuwi?"
Tanong ni Secretary Vega sa akin kaya napatango ako.

"Yeah, right. I'm going out" saad ko habang nakatingin sa relo ko at agad na napatayo. "Sige po attorney, uuwi na din po ako" saad niya at agad na nagpaalam kaya ng makaalis na siya ay nilagay ko pabalik sa bag ang diary na yun.

Agad akong lumabas sa opisina. Hindi ko namamalayan na inabot na pala ako ng gabi sa pagbabasa ng diary.

Napangiti pa ako ng mapadaan ako sa SHS, my beloved school. Naalala ko lahat ng mga nangyari dito at sobrang saya ko talaga.

Maraming mga katanungan ang pumapasok sa isip ko ngayon. Hindi ko lang alam kong ano ba talagang tanong yun.

Actually, I have my own house now, at katabi lang yun sa subdivision na kung saan ay nandoon din ang bahay ng parents ko.

Ayaw kasi nilang mahiwalay kami kaya my mom ask me a favor na kung magtayo kami ng bahay ay dapat malapit lang din sa bahay nila.

Pagkarating ko sa bahay ay agad na akong dumiritso sa kwarto ko. I'm the only one who lived here. Hindi ko kailangan ng katulong, I can take care of myself naman.

Gusto ko sanang mag live in na kami ni Cathy pero nagpromise ako sa daddy niya na kasal muna before we live together.

Habang nagbibihis ako ay sumagi sa isip ko yung about sa letter na ibinigay daw sa akin ni Harliah.

Agad akong lumapit doon sa isang box na pinaglalagayan ko ng mga sobre na binibigay sa akin, way back in my high school days.

Marami din akong collection na stuff toy na nakadisplay dito sa kwarto ko at galing yun lahat sa mga sinuman na nagbibihay sa akin.

Agad kong kinuha ang lahat ng mga Valentine's card, sobre at mga papel na may sulat. Isa isa ko itong tinignan kung kanino to galing.

Dati, I don't have time to read thier letters dahil sobrang busy ako in my academics and research kaya hindi ko natignan ang mga ibinigay na ito sa akin.

May plano naman akong basahin ito pero nakakalimutan ko lang. Alam ko naman kasing sobrang effort ng ginagawa nila sa akin at ayokong masayang yung effort nila by burning all of these letters. Marunong din naman akong mag-appreciate.

Napatigil ako ng makita ko yung isang sobre na may nakasulat na "S.H"

I know its from her kasi ganun din yung sinusulat niyang signature in her diary.

Napabuntong hininga muna ako bago ko ito buksan.

𝓗𝓲 𝓝𝔂𝓭𝓮𝓻, 𝓗𝓸𝔀 𝓪𝓻𝓮 𝔂𝓸𝓾? 𝓘'𝓶 𝓯𝓲𝓷𝓮, 𝓽𝓱𝓪𝓷𝓴 𝔂𝓸𝓾! 𝓐𝓵𝓼𝓸, 𝓘' 𝔀𝓸𝓾𝓵𝓭 𝓵𝓲𝓴𝓮 𝓽𝓸 𝓼𝓪𝔂 𝓽𝓱𝓪𝓽 𝓹𝓵𝓮𝓪𝓼𝓮 𝓽𝓪𝓴𝓮 𝓬𝓪𝓻𝓮 𝓸𝓯 𝔂𝓸𝓾𝓻𝓼𝓮𝓵𝓯 𝓪𝓷𝓭 𝓵𝓸𝓿𝓮 𝓲𝓽. 𝓙𝓾𝓼𝓽 𝓵𝓲𝓴𝓮 𝓽𝓱𝓮 𝓙𝓾𝓼𝓽𝓲𝓷𝓮 𝓑𝓮𝓲𝓫𝓮𝓻 𝓼𝓸𝓷𝓰 𝓽𝓱𝓪𝓽 𝔂𝓸𝓾 𝓼𝓱𝓸𝓾𝓵𝓭 𝓰𝓸 𝓪𝓷𝓭 𝓵𝓸𝓿𝓮 𝔂𝓸𝓾𝓻𝓼𝓮𝓵𝓯 𝓱𝓮𝓱𝓮, 𝓘'𝔀𝓲𝓼𝓱𝓲𝓷𝓰 𝓽𝓸 𝓯𝓪𝓵𝓵𝓲𝓷𝓰 𝓼𝓽𝓪𝓻𝓼 𝓽𝓱𝓪𝓽 𝓼𝓸𝓶𝓮𝓭𝓪𝔂 𝔀𝓮'𝓵𝓵 𝓶𝓮𝓮𝓽 𝓪𝓰𝓪𝓲𝓷. 𝓘 𝓪𝓵𝓼𝓸 𝓱𝓸𝓹𝓮 𝓽𝓱𝓪𝓽 𝔂𝓸𝓾'𝓵𝓵 𝔀𝓪𝓲𝓽 𝓯𝓸𝓻 𝓶𝓮. 𝓘'𝓶 𝔂𝓸𝓾𝓻 𝓢𝓪𝓷 𝓒𝓱𝓪𝓲 𝓪𝓷𝓭 𝔂𝓸𝓾'𝓻𝓮 𝓶𝔂 𝓓𝓪𝓸 𝓶𝓲𝓷𝓰 𝓼𝓲 𝓱𝓮𝓱𝓮𝓱𝓮 𝓭𝓸 𝔂𝓸𝓾 𝓴𝓷𝓸𝔀 𝓽𝓱𝓮𝓶? 𝓣𝓱𝓮𝔂 𝓪𝓻𝓮 𝓽𝓱𝓮 𝓶𝓪𝓲𝓷 𝓬𝓱𝓪𝓻𝓪𝓬𝓽𝓮𝓻 𝓲𝓷 𝓽𝓱𝓮 𝓶𝓸𝓿𝓲𝓮 𝓸𝓯 "𝓜𝓮𝓽𝓮𝓸𝓻 𝓖𝓪𝓻𝓭𝓮𝓷". 𝓣𝓱𝓪𝓽𝓼 𝓪𝓵𝓵 𝓝𝔂𝓽𝓱𝓮𝓻. 𝓣𝓱𝓪𝓷𝓴 𝔂𝓸𝓾 𝓯𝓸𝓻 𝓻𝓮𝓪𝓭𝓲𝓷𝓰 𝓪𝓷𝓭 𝓘'𝓶 𝓼𝓸𝓻𝓻𝔂 𝓽𝓸 𝓶𝔂 𝓰𝓻𝓪𝓶𝓶𝓲𝓷𝓰 𝓱𝓮𝓱𝓮. 𝓘'𝓶 𝓷𝓸𝓽 𝓰𝓸𝓸𝓭 𝓲𝓷 𝓮𝓷𝓰𝓵𝓲𝓼𝓱 𝓱𝓮𝓱𝓮. 𝓫𝔂𝓮 𝓬𝓻𝓾𝓼𝓱♡︎

~𝓢.𝓗


Natawa ako after reading her letter. Totoo pala ang sinabi niya na she's not good in constructing paragraph in english but still, I'm happy because it made me happy. It is my first time that someone entertains me and feels me like this.

Gusto ko na talaga siyang makilala.

Diary of the girl he never noticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon