Andito ako naglalakad upang bumili ng ireregalo ko sa aking boyfriend for 5 years...yes,5 years na kaming magkasama at nagmamahalan
"Ate? Magkano po dito sa guitar pick?" Tanong ko sa tindera na nagbebenta ng mga ginagamit sa pagigitara at kapit kapit ko ang shih tzu na ibibigay ko din sakanya
"100 Ma'am...150 pag ipapapersonalized"
"Pwede po ipapersonalized?"
"Sige po! Ano po ilalagay namin Ma'am?"
"Christine" nakangiti kong sabi..."tas ate dun sa likod ilagay mo Jacob"
"Sige po Ma'am"
Ilang minuto ang lumipas lumabas na rin ang tindera at ibinigay na saakin ang pick na binili ko...
"Para sa boyfriend niyo po ba Ma'am?"
"Opo ate" nakangiti kong sabi habang nakatingin sa shih tzu...
"Ma'am ibibigay ko nlang po sainyo tong couple shirt ng libre!
"Hala maraming salamat po!"
"Walang anuman Ma'am" nginitian ko nalang siya at lumabas na...
Ilang oras ang binyahe ko dahil malayo siya sa amin...sasakay pa ako ng isang tricycle padereto naman sa street nila
"Manong? Makiling street po.." tumango ang drver at sumakay ako....ilang minuto lamang ay nandito na ako sa tapat ng dorm na tinutuluyan niya...biglang may kakaibang kaba akong naramdaman ngunit di ko yon pinansin at umakyat sa dorm niya...
Kumatok ako ng dalawang beses ngunit walang sumasagot...kumatok ulit ako ng dalawang beses...ng sariling bumukas ang pinto...
"Uhm...love?.."
Bigla nalang tumalon ang shih tzu at tumakbo sa isang kwarto...
"Psst!" Habol ko at tumigil ito sa pagtakbo at tinanaw ko ang tinitignan niya at nakita ko si Jacob at ang matalik niyang kaibigang babae...biglang nanuot ang galit sa aking puso
"Uhm? Nakakaabala ba ako?" Gulat na lumingon si Jacob sa akin...
"B-baby..." naihulog ko lahat ng regalong ibibigay ko sakanya at saka tumakbo ako palabas...
"Tin! Wait!" Rinig kong sigaw niya..tumakbo lang ako ng tumakbo di alintana ang mga dinadaanan ko
"Tin! Let me explain please Tin!" Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa may narinig akong malakas na busina liningon ko iyon ng biglang dumilim ang paningin ko
"TIN!!!" iyon na lamang ang mga narinig ko
itinakbo ko si Tin sa malapit na ospital...
"Sir kaano ano niyo po siya?" Tanong ng Nurse
"Im her boyfriend..." tumulo ang nga luha saking mata....pinasok nila si Tin sa ER...
Ilang oras ang lumipas ay wala pang lumalabas na doctor...
"Jacob!" Lilingon palang ako ay nakaramdam ako ng sakit sa aking pisnge..her dad punched me
"Di kita mapapatawad pag napahamak si Christine!"
"Tito,Tita im sorry" ayun nalang ang nasabi at tinignan nila ako...disappointment were visible in their eyes...binigo ko sila.
"Uhm? Are u the parents?"
"Yes"
"Im sorry sir...Your daughter didn't make it...malaking damage ang natamo niya sa kanyang ulo...we cant do anything about it...sorry for your loss.."
Gumuho ang mundo ko sa narinig...patakbo akong pumunta sa harap ng ER at padabog na binuksan ang pinto...nakita ko siya...ang babaeng binigo ko...babaeng walang ginawa kundi mahalin ako..."B-baby...im sorry...im so sorry" niyakap ko ang duguan niyang katawan "gising na...andito na ako oh...baby..."
Ilang araw akong nakakulong sa kwarto...walang ligo...walang tulog...papunta ako ngayon sa araw ng libing niya...
I walked slowly to her death bed...tinitigan ko ang maamong niyang muka...tumulo ang mga luha ko...
Natapos ang mga sermonya at dumiretso ako sa bar nagpakalasing..nakipagbasag ulo...ganto na ang buhay ko...love...baguhin mo ko...balikan mo na ako...
5 years later...
Nakaupo ako sa harap niya...nilagyan ko ng bulaklak ang kanyang puntod at sinindihan ang mga kandila...
"Love...sa nagdaang taon..ang miserable ko love...miss na miss kita...you will be always in my heart Christine...kahit magmahal ako ng paulit ulit...may lugar kana sa puso ko...Till we meet again..my love" umalis ako sa puntod niya...simula ng pagkamatay lagi na ako bumibista sa puntod niya...sinasabi ko sakanya lahat ng nangyayari sa araw araw ko...kase kung buhay pa siya ngayon...gusto niyang kinekwento ko lahat sakanya...tumatawid ako ng kalye ng may nakita akong pamilyar na likod ng babae...humarap siya...
"C-christine?" Sa gulat at galak ko ay tinakbo ko siya
"Wait!" Lumingon siya
"Uhm? Sino po sila?" Tanong niya ng may halong pagtataka...
"Di mo ko naalala?"
"Uhm..hindi po e sino po ba kayo?"
"J-jacob..."
"Jacob?"
"You are? Christine right?" Tanong ko na parang sigurado ako don
"Sino po un? My name is Cheska po..." no,this is impossible..ito ba yung...sinasabi nilang...Reincarnation?
•••••••
A/N : Thank you for reading! Also read my other story named LOVERS OF SEOUL! Love lots! ❤️
BINABASA MO ANG
Till We Meet Again [one-shot story]
RomanceDahil sa kasalanang nagawa ni Jacob.Nailagay nito sa panganib ang kanyang minamahal na pang habang buhay niyang pagsisihan...ngunit may isang bagay na di kapani-paniwala ang nangyari...ano kaya ito? This is a work of fiction. Read at your own risk. ...