"And for the 3rd time, the MVP of the league. Shawn Ezekiel Tan. Monterial from Seoul University!"
Narinig ko ang hiyawan ng mga babae dito sa arena. Nanalo nanaman kasi ang SU for the third time sa basketball league laban ang school namin, Yonsei University.
"Grabe talaga maglaro 'tong si Monterial no? Sya nanaman ang MVP. Tapos ang pogi pa!"
Hiyaw ng bestfriend kong si Denise habang nag che-cheer sa pagka banggit ng pangalan ni Shawn. Yung nag MVP.
Pangatlong straight year na nakalaban ng school namin ang SU sa basketball league. At 3 straight year na rin silang nag cha-champion. Aaminin ko, kahit Cobra ako, yung mata ko nasa SU. Lalo na kay Monterial. Iba kasi ang aura nya. There's just something about him.
"Grabe, Adriana. Tignan mo si Shawn oh." Singit ulit ni Denise sa akin.
"Oo na, pogi nga talaga. Kaso tiga SU, baka babaero."
"Wow, napaka judgemental mo naman. Ganoon mo na ba ka hate ang mga taga SU" Biglang tawa nung bestfriend ko.
Eh paano ba kasi, lahat ng lalake ata na nag-aaral don, walang ibang alam kundi lokohin ang mga babae. Well, hindi ko naman linalahat pero aaminin ko. Kaya ganoon nalang ang galit ko kasi yung ex ko, doon nag-aaral.
Binaling ko ang tingin ko kay Shawn
Pogi nga talaga sya. Mataas, moreno, mataas ang ilong, mapupungay ang mga mata at perfect ang labi nya. Malaki ang pwet at bakat ang mga biceps nya.
"Girl, tell me. Kung bet mo sya I could help you to know him. I have connections.. which you don't have."
Ani ni Denise habang naglalakad kami palabas ng arena.
Tinitigan ko naman sya ng malaswa.
Ewan ko ba sa babaeng 'to. Ang daming kilala dito sa Korea. Halos kahit saang kanto may kakilala sya dito eh. Lalo na sa iba't ibang skwelahan.
Kinuha ko ang payong ko sa bag ko at pinagpatuloy ang paglalakad.
"Denise, alam mo namang wala na akong tiwala sa mga taga SU, and you know I don't want to deal with other people's bullshit right now, diba?"
Pagtataray na sagot ko sa kanya.
Napailing lang sya at tumawa ng malakas.
"Well, kung ayaw mo kay Ildefonso edi ako ang kukuha." Tawa nya. "Pero joke lang, ititira ko sya sayo. At malay mo, mag click kayo diba? I mean, come on Adriana. It's been 2 years since you've dealt with other people's bullshit. Hindi ba boring yang buhay mo?" Pang aasar pa nya.
"You know what, tara, sama ka sa amin mamaya. Tama lang yun, nag-aya din sila Avery. Sumama ka ah!"
Biglang takbo palayo paalis ni Denise.
Kinawayan ko nalang sya habang tumatakbo sya papunta sa school bus nila. Sila kasi ang dumayo dito sa school namin. Kaya ako, babalik nalang sa room dahil may klase pa kami. Sayang nga eh, hindi excused kahit finals yung laro. Last game kasi, excused lahat ng klase eh. Kaso hindi ko na pinanood, uminom nalang kami ni Denise sa Mango.
Chineck ko ang cellphone ko kasi nag text si mommy, mga habilin nya sa akin. Napatawa nalang ako dahil walang araw na hindi nya ako tinetext.
Kinuha ko ang powerbank sa bag ko nang biglang may makabunggo sa akin.
"Aray. Ba't di ka tumitingin sa dinadaan mo?!"
Padabog kong hiyaw habang pinupulot ang mga gamit ko na nahulog sa sahig.
"Sorry, miss. Hindi ko nakita."
Tinulungan na rin nya ako kunin ang mga make-up kong nahulog sa pouch.
Irita kong kinuha ito sa mga kamay nya at pagka tingin ko sa kanya, nagulat ako nang..
"Ikaw yung nag MVP diba?" Tanong ko.
Tumawa sya at inayos ang buhok nya. In fairness kahit pawisan sya, naaamoy ko ang perfume nya.
Ang bango.
"Hey cutie." Sabay kindat.
"Manyak."
Pagtataray na sabi ko habang sinasara ang zippers sa bag ko.
"Shawn."
Sabay alok ng kamay nya.
"I already know you and i don't care."
"Galit ka sa akin, miss? Kilala ba kita?"
Halatang nagulat sya sa sinabi ko. Like i said, i don't want to deal with other people's bullshit right now.
"Niloko din ba kita?" Tawa nya.
Tangina? Ganoon na ba talaga ang mga lalake ngayon? Sila na nga nang loko sila pa 'tong tuwang tuwa?
"Okay, mataray girl. I'll see you around, maybe."
Narinig ko ang sigaw nya habang naglalakad ako pabalik sa campus. Noong bigla ko kasing narinig yoon ay nilayasan ko sya diretso.
I really can't handle men and their audacity.
Buo na ang patsya ko. Magiging single ako forever at tatandang thirdwheel nalang siguro. Ga-graduate ng Nursing at kung hindi papalarin, maga-asawa nalang ng doktor. Joke.
————-
:)
BINABASA MO ANG
chase me, my love.
Fanfictionshe basked into the idea that someday she'd find a boy and he'd look at her the way everyone wants to be looked at. she'd look at him and feel at home, as if everything was finally in place. she convinced herself time and time again that everythin...