KA-IBIGAN
Written By: Pinkballpens
-
Kaibigan?
Ayan ang pinakanakakainsultong salita na tinawag sakin ng taong mahal ko. Nuxx tangina lang diba.
Sino siya? Siya lang naman si Jonh Kristopher Santos. Ang kababata kong walang ibang ginawa kundi ipamuka saking bestfriend niya ko.
Saklap. Naturukan ata kasi siya ng isang libong anesthesia kaya ayon. Manhid na.
Minsan nga iniisip ko kung bading ba siya e. Hahaha. Pero syempre joke lang 'yun. Pero kahit ganun, mahal ko siya ng higit sa kaibigan. Ewan ko kung pano o bakit ko siya minahal. Basta nagising nalang ako isang araw, tas napafacepalm ako at narealize kong mahal ko na pala siya.
Sige nga hindi ka ba maiinlove sa taong laging nandyan pag malunkot ka? Laging tinatanong kung ayos ka lang ba? Kaya nga minsan pag naiisip kong ganun siya sa lahat napapatangina nalang ako eh. Kasi nga, bestfriend forever nalang ang role ko.
"Hoy Mika! Tulala ka na naman. Kanina pa ko salita nang salita dito hindi ka naman nakikinig!" Toper shouted. I am the only one who calls him Toper kasi nga, bestfriend niya ko. Oha bwisit.
"Nakikinig ako wag ka nga!" Sigaw ko rin. Kahit ang totoo hindi ko naman talaga naririnig. Kasi naman mga day! Puro rants lang naman niya tungkol sa mga girlfriends niya maririnig ko e. Kaya better not to listen kasi mahuhurt lang ako.
"Ano nga sabi ko!?" He asked.
"Ano nga ba?" I asked back. Kaya napafacepalm nalang siya at umiling.
"Sabi ko break na kami ni Stephanie." He snorted.
"Tangina. Kailan ka ba magtitino!? Ha? Bibigyan na talaga kita ng panty sa sobrang kalandian mo e. Dinaig mo pa ko. Jusko" I said at umiling iling.
"Matino naman ako ah! Grabe ka naman. Ikaw kaya bigyan ko ng brief kasi feeling ko mas lalaki kapa sakin eh!" He shouted.
"Gagu! Wag mo ko igaya sayo. Madaming baby. Akala mo may matres e. Tangina." I said and he laughed. Inakbayan niya ako.
"Hahaha. Joke lang bestfriend!" He said. Tss. B e s t f r i e n d. GE!
"Ay Mika! Alam mo ba kung bakit kami nagbreak?" He asked again habang naglalakad kami sa corridor.
"Dahil sakin." I joked. Pero sana ako talaga. Ha ha asa kapa Mika.
"Wow ganda!" He said and laughed hysterically. Binatukan ko nga. O diba asa pa ko.
"Aray ah! Ganto kasi 'yon. Pinapakealamanan niya gamit ko. Tas gusto pa hiramin phone ko. Gago ba siya? May cellphone naman siya." Sabi niya sabay kamot sa batok.
"Malamang! Girlfriend mo 'yun eh!" Sigaw ko sabay batok sakanya. Nakarating na kami ng classroom at umupo na sa harapan.
"Mika ang ganda mo pwede ka bang ligawan?" He asked. Kung sana totoo yan no. Pero alam ko naman joke lang niya 'yun.
"Ano bang kailangan mo ha?" I asked.
"Pakopya sa Physics. Hehe" He said. I just rolled my eyes and handed him my notebook.
"Tamad!"
*
"Mikaaa liit, tara sa canteen gutom nako"Sabi ni Toper pagkalabas na pagkalabas ng teacher namin.
"Eh! Edi ikaw nalang di ako gutom. Leshe porke mas matangkad ka sakin kung lait laitin mo ko" sabi ko habang hawak hawak ang twilight na libro ko. Shet pogi ni Edward. Hahahaha.
BINABASA MO ANG
Ka-IBIGAN (one shot)
Teen FictionOne of the silliest things in this world is falling in love with your bestfriend. Like wtf right? Of all people. Bakit sa bestfriend ko pa.